ATS: Chapter 38
"I can't even handle and understand myself. And you think, you can handle me?" I spat.
Maliit na umawang ang labi niya, 'di inaasahan na 'yun ang lalabas sa bibig ko. It was obvious the he's hurt. At 'di ko inakalang masasaktan ako dahil nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Sa ilang beses na kasama ko siya... iyon na ang unang beses na nakita ko ang pagdaan ng sakit doon.
What made it worse and painful, is that, it was because of me. Simula noong maging malapit kami, purong kabutihan na ang pinapakita niya. The convenience he would gave me... his promising and comforting words... isa iyon sa mga dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kapayapaan sa sarili.
It was because of him why I finally had the chance to see myself. How a person can be a home too. How I can be honest with myself whenever I'm with him. Kung paano akong 'di natatakot na ipakita kung sino ako dahil siya naman 'yan e.
"I'll do my best to handle and understand you, Rain. Let me go down deeper," pain was evident in his voice.
"Sasaktan mo lang ang sarili mo kapag pinasok mo pa ako," I said, trying to sound serious and strict. "'Di ka ba naiinis sa'kin? 'Di mo ba ako susumbatan? Na puro kabutihan lang naman ang pinakita mo sa'kin, tapos ngayon, aasta ako na para bang ka-bullshitan lang lahat 'yun?"
Umiling siya kaya tumaas ang sulok ng labi ko. Tears started in the corner of my eyes, I didn't hold back.
"Ikaw na rin ang nagsabi, Villegas. Na kapag gusto na kitang makasama ulit, ite-text kita," I arched a brow. "Nakatanggap ka ba ng text sa'kin? Hindi. Ibig sabihin, ayaw kitang makasama. At ayaw na rin kitang makita. At ayaw ko na rin bumalik sa apartment mo."
Pinilig niya ang ulo sa ibang direksyon, tila ayaw akong makita. I saw how he clenched his jaw. Kung paano umalon ang lalamunan niya. How he was trying his best to calm himself from all the words I'll be throwing at him.
I clenched my jaw. "Simula ngayon, Villegas, 'wag na tayong magkita. 'Wag ka nang maghintay dito sa labas ng dorm. At 'di na rin ako dadayo sa apartment mo."
"H-hindi ko naman ata kaya 'yun, Rain. Nasanay na ako na nasa paligid kita," medyo may nginig ang boses niya. "'Wag mo naman akong biglain ng ganito, Rain... please..."
"Kayanin mo, t-tanga," I clenched my jaw again. "Ganito ang gusto ng Lola mo e. She doesn't want you to hangout with me anymore. And I understand that. Kaya kalimutan mo na rin na gusto mo ako. Kalilimutan ko rin lahat ng mga sinabi mo ngayon..."
"Ayaw ko, Lauraine. Hindi kita kalilimutan," aniya. "Kapag aakyat ako sa rooftop at makikita ang bakal na railings, ikaw ang maaala ko. Kapag nakikita ko ang bilyaran, maala pa rin kita-"
"Sige, saktan mo ang sarili mo, potangina!" naghahabol na ako ng hangin. "Basta, ayaw na kitang makita ulit," mariin kong sambit at nilagpasan siya.
Nagtataas baba na ang dibdib ko habang nagmamadaling binubuksan ang gate ng dorm. Nagsipag-patakan na rin ang mga luha ko. 'Di ko na siya tinignan ulit nang tuluyan nang makapasok. I closed the gate immediately. Nanginginig na ang mga kamay ko.
Umiling-iling ako habang umiiyak. Sumandal ako sa gate nang tuluyan na iyong maisara. Sinapo ko ang dibdib at tumingala. My tears were nonstop. My chest was so fucking heavy that I just want to get rid of my chest. Dahil tila mas madali pang tanggalin ang dibdib ko kesa ang bigat na naroon ngayon.
"P-potangina..." I mumbled while crying. Dahan-dahan akong dumausdos sa gate hanggat sa tuluyan na akong naka-upo sa lupa. "T-tangina..." sinubsob ko ang mukha sa tuhod ko, bahagyang gumagalaw ang balikat ko.
I couldn't sleep that night, I ended up studying. Binabad ko ang sarili sa calculus. Dahil mas madali pang i-solve ang mga equation kesa ang problema ko. Mas basic pa ang calculus kesa sa lahat ng shits.
Hanggang ala una ng tanghali lang ang pasok ko kinabukasan. Kaya nagsabi ako kay Glory Ginn na didiretso na ako sa Bulacan after ng class ko. Sa mga normal na araw, 'di ako umuuwi kapag half day ang klase ko. Kaya lang, iba ang sitwasyon ngayon.
I just want to be away from Manila for a day. What Villegas said yesterday didn't sink in yet. Or maybe, I did not allow myself to decipher it. I blocked my mind. Kung siguro sinabi ni Villegas iyon bago ko pa nakita ang Lola niya, baka aasarin ko lang siya at ngingisihan.
I will play cool, but I will acknowledge his feelings for me. For sure, I'll be honored and flattered... and happy. Kaya lang, wala e. Nauna ang Lola niya sa eksena. It somehow made me question my worth. Myself. Kung worth it ba na magustuhan ako.

BINABASA MO ANG
Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)
Подростковая литератураSPSeries #4 : Across the Sky (Rainier's Story) 4 of 5. Trying to escape the sadness of reality, Lauraine Latisha, from PUP College of Engineering, just wanted to be drunk as fuck. 'Cause the bitter taste of alcohol was easier to swallow than the...