Chapter One

887 44 48
                                    

"Get out! "

What.. the heck is wrong with me?

"Please, get out! "

Napaiktad si Abby sa malakas na sigaw ng kaniyang nobyo na si Ranz, gulat siyang napatitig sa mukha nitong galit na galit.

Why?

"I said, get out! " anito at mabibigat ang mga hakbang na tinawid ang kanilang pagitan, bago marahas na hinablot ang braso niya't pinilit na palakarin palabas ng kwartong iyon.

"But.. " pinigilan ni Abby ang kaniyang sarili na huwag umiyak. First time n'yang nasigawan nang ganoon ng kan'yang nobyo, nakaramdam tuloy siya bigla ng takot dahil doon.

"Hindi mo ako narinig?! " napapikit siya nang diinan nito bigla ang pagkakahawak sa kan'yang braso. Bago walang ano-ano'y, kinaladkad ulit siya palapit sa pintuan ng kwarto nito.

F*ck!

Gusto na niyang umiyak.

What am I doing?

Hindi niya maintindihan, siya dapat ang galit na galit ngayon at nagwawala. Pero bakit?!

Bakit hindi niya kayang magalit dito ngayon?

"Get out! "

"Ranz— " aniya nang subukan s'ya nitong itulak palabas ng pintuan.

"Abby, please! Umalis ka na! "

Nangangatal ang mga kamay, tinuunan ni Abby ang pintuan na bahagya nang nakabukas at pinigilan ang binata na palakihin ang  awang niyon. Bahagya pa siyang naipadaing nang hindi nito nakontrol ang pagkakatikom ng pintuan, at hindi sinasadyang naipit ang kaniyang kamay.

"What the f*ck, Abby! "

"Please— " doon na siya tuluyang napaiyak. "Don't do this to me, Ran! "

Sh*t! Sh*t lang talaga!

Bakit ako ang umiiyak ngayon?!

Bakit ako pa yata ang magmamakaawa sa aming dalawa?!

Bakit nga ba?

Matapos niya itong mahuli na may ibang kasiping sa inuupahan nitong apartment nung nakaraang araw, bakit nga ba hanggang ngayon ay siya parin ang nagpapakumbaba?

Siya parin ang nag-abalang puntahan si Ranz, para lang makausap ito nang masinsinan.

Seriously, Abbygail Mallari! Nasaan na ang talino at tapang mo ngayon na dati ay palagi mong nagagamit?

Nawala na!

Nang dahil sa lalaking ito ay nawala na.

Tch, stupid love..

Ganito ba talaga kapag in-love? Nagiging bobo at nalilimutan kung paano isipin ang sarili bago ang iba?

"A-aray, Ranz. Na-sasaktan ako. " pahikbi niyang daing nang maramdaman ang lalong paghigpit ng  hawak nito sa kan'yang pulsuhan. Pakiramdam niya ay parang gusto na nitong durugin ang kaniyang mga buto.

Randam n'ya iyon, sa mga titig palang nito sa kan'ya ay halata nang gustong-gusto na s'ya nitong saktan at itapon palabas.

"Tch. Masasaktan ka talaga kung hindi ka aalis! "

Kinagat ni Abby ang ibabang labi upang pigilan ang mapahagulhol.

Tama na. Bakit ba ang iyakin n'ya pagdating sa lalaking ito?

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon