Abbygail's POV
I'm excited. But at the same time, kinakabahan.
Sinong hindi kakabahan?
It's been almost four years. At sa itinagal-tagal ng panahon na 'yon na hindi kami nagkita ni Mr. X, eh parang hindi ko alan ngayon kung paano ito haharapin.
I mean,..
Dapat ko ba siyang batiin sa masiglang paraan?
Kamustahin na parang walang nangyari?
O sasapakin ko siya at bubulyawan sa pang-iiwan niya nang biglaan sa akin noon?
Kaso may karapatan ba ako?
Wala yata.
Geez. Ang hirap mag-isip nang ibubungad ko sa kaniya sa oras na magkaharap na kami.
Mariin akong napalunok nang lumiko ang sinasakyan naming motor sa parang isang private road dito sa batangas. Medyo natatanaw ko na mula rito yung magandang tanawin ng dagat. Ang sabi sa akin ni Jiro, nakakubli raw sa isang private resort ang rest house na tinutulyan ni Mr. X. At kutob ko, ito na iyong sinasabi nitong lugar.
Inhale, exhale muna, Abby.
Sa totoo lang, kanina ay kalmado pa ako nung nandoon pa ako sa apartment ni Jiro. Payapa lang ako ro'ng naghihintay habang natutulog yung isa sa kaniyang kwarto.
But now, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayong nakasakay na ako sa motor ni Jiro at papalapit kami nang papalapit sa sinasabi nitong lugar kung nasaan si Mr. X. Mas nangingibabaw ang malakas na pagkabog ng dibdib ko ngayon kesa sa excitement.
"We're here. "
Bigla akong napasinghap nang malakas nang bigla nitong inihinto ang motor sa tapat ng isang puting rest house. Malutong pa akong napamura sa aking isipan nang mapasubsod ako sa likod nito.
"Aray ko! " anito at paasik akong nilingon.
"Sorry! Ikaw kasi biglaan kang nag-preno! " paanong hindi siya masasaktan eh, nakasuot pa ako ng helmet. Kasalanan n'ya iyon.
Kaskasero na ngang magpatakbo, ang bargas pang pumreno. Hindi talaga ito marunong himunahon sa anumang bagay.
"Baba na nga! "
"Eto na nga! " asar kong hinubad yung kan'yang helmet, bago padabog na bumaba at ipinatong iyon sa aking inupuan.
"Hoy! Masira naman 'yan! " kinuha naman nito iyon at bumaba na rin sa motor.
Hindi na ko umimik pa at sinamaan na lang ito nang tingin.
Masama rin naman itong nakipagtitigan sa akin.
Ilang segundo kami sa ganoong eksena bago ito unang nagbawi ng tingin. Isinabit nito ang helmet sa mnibela ng kaniyang motor at walang pasabing naglakad na papunta roon sa puting bahay.
"Hoy! Teka lang! " halos takbuhin ko naman ang paghabol dito. Napakalalaki kasi ng mga hakbang. Akala mo'y walang kasama.
Dumaan kami sa isang pathwalk na puno ng mga ilaw. Gabi na rin kaya litaw na litaw ang ganda ng mga iyon. Bawat magkabilang gilid ng daan ay may mga halaman na nakatanim. Pansin ko rin na may mga nakasabit pang halaman sa itaas na bubong nitong pathwalk.
![](https://img.wattpad.com/cover/116698946-288-k925086.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Is Patient X?
Mystery / ThrillerWhen love turns into obsession. (R-18) All Rights Reserved 2021