Jiro's POV
Napairap ako sa kawalan nang makita ang eksena nila Abby at ang may saltik kong kliyente nang lingunin ko ang mga ito sa aking likuran, naramdaman ko kasing parang hindi na sumusunod sa akin si Abby pabalik sa loob nitong mansyon, kaya muli ko itong binalingan at nabungaran ang dalawa.
Nag-uusap lang ang mga ito kanina at parang may pinagtatalunan, tapos bigla ay naghahalikan na doon sa tapat nung malaking estatwa, parang mga walang pakialam sa paligid o kung may makakakita man sa kanila ngayon.
"Great. " nagkita rin kayo!
Tinalikuran ko na ulit ang mga ito at itinuloy ang aking paglalakad. Uuwi na ako. Tapos na rin naman ang trabaho ko ngayong araw, naihatid ko na ulit kay Mr. X si Abby at nabugaw ko na rin yung kaninang hindi inaasahang asungot na bigla na lang sumulpot.
Wala na akong gagawin pa kung hindi ang umuwi sa aking apartment at i-check ang laman ng aking bank account--
"Jiro. "
Napatigil ako sa paglalakad at muling nilingon ang direksyon nung dalawang love birds.
"What.. "
Magkahiwalay na ang mga ito, nakaakbay na si Mr. X sa parang kinikilig na si Abbygail na ngingiti-ngiting nakaakap sa bewang ng loko-loko.
"You're leaving already? "
Hindi ba obvious?! "Y-Yeah. "
"Huwag muna. " kumalas ito sa pagkakayakap ni Abby at naglakad palapit sa akin.
Napasimangot ako. "Hah? "
"May pag-uusapan pa tayo, Jiro.. " kaswal nitong sabi at bahagya akong nginitian.
Lalo tuloy nagusumot ang aking noo. Hindi ko gusto ang ngiting iyon, may kutob akong may kalokohan nanaman itong gustong ipagawa sa akin. At nasisiguro kong wala nanaman iyon sa aking job description!
"What is it?! Just tell me now!-- o-oy! " paghabol ko dito nang lagpasan ako nito at nagdere-deretso paalis, mukhang pabalik na ito sa loob ng mansyon.
"
What is happening? "
Nilingon ko si Abby na nasa tabihan ko na pala. Nagtataka rin ang itsura nito na nakatitig na ngayon sa akin.
"Malay ko sa mongoloid mong boyfriend! " paasik kong sabi at tinalikuran na rin ito para sundan yung isa.
Bakit ba palagi na lang napipigilan ang pagpapahinga ko?!
De p*ta!
===========================
"NO! I'm not doing it! "
Padaskol kong hinablot ang aking jacket na nakapatong sa arm rest ng sofa na aking kinauupuan, bago mabilis na tumayo roon.
"Jiro. "
Binato ko ng masamang tingin si Mr. X, na nakaupo rin sa mahabang sofa na aking kaharap.
"What?! " aniko at asar na napahilamos sa aking mukha. "Why do you keep on asking me to do some weird things?! "

BINABASA MO ANG
Who Is Patient X?
Mistério / SuspenseWhen love turns into obsession. (R-18) All Rights Reserved 2021