Chapter Two

675 36 17
                                    

Sigawan sa kanan.

Sigawan sa kaliwa.

May mga sumisipol at pumapalak.

Nakabibingi ang malalakas na ingay mula sa naglalakihang loudspeaker sa bawat sulok ng bar na aming kinalalagyan.

Pero hindi iyon pinapansin ng mga tao sa loob, maski ang dagundong ng musikang nililikha ng bandang nagpe-perform sa gitna ng main stage ay hindi nila alintana.

Lahat ay natutuwa.

Naglulundagan.

Nagsasaya at ang iba ay sumasabay pa sa pagkanta ng rock band na tumutugtog sa gitna.

At kasama na ako sa mga nagwawalang customer at nakikigulo.

Itinaas ko ang aking mga kamay at iwinagayway ang mga iyon sa ere na parang baliw. "Don't speak!..  I know just what you're sayin'! So please stop explainin'!.. Don't tell me 'cause it hurts! "

Kinakanta ng banda ang rock version ng isang sikat na kanta noon. Ewan ko ba pero damang-dama ko ang bawat lyrics nito, lalo na ang chorus, sapul na sapul sa aking kaluluwa ang bawat salita.

"Don't speak!.. I know what you're thinkin'!
I don't need your reasons!.. Don't tell me 'cause it hurts! "

Sobrang lawak ng bar; may mga naglalakihang bumbilya na iba't-iba ang ilaw, animoy mga naglalarong liwanag sa madilim na kwartong iyon.

Nakakabaliw.

Pero masaya.

Inisang lagok ko ang hawak na shot glass at napahiyaw nang humagod sa aking lalamunan ang mainit na likido ng alak na aking ininom. "Yes! This is life!

"My ghad! Abby, are you for real? " narinig kong sigaw ng katabi kong si Amber, my gay best friend at ang nag-iisang tao na napagsasabihan ko ng lahat ng aking sikreto at problema.

Isa na roon ang problema ko ngayon, ang rason kung ba't kami na'ndito at kung bakit ako nagpapakalango sa alak.

"One more! "

"No! "

"One more! " aniko at parang batang naglambitin sa braso nito nang subukan niyang ilayo sa akin ang isa pang shot glass na puno ng alak.

"Geez! Lasing ka na, gaga! "

"What, ito naman talaga ang dahilan ng pagpunta natin dito ah! " pag-angal kong sabi at saka hinablot sa kaniya ang alak na hawak. Bahagya pa iyong natapon sa aking kamay nang muli ko iyong inisang lagok.

"Whatever! Wag mo lang ako susukahan mamaya pag-uwi natin! Nako! Nako!— "

"It's all ending!.. " inihampas ko ang aking kamay sa round table na nasa aming harapan. "We gotta stop pretending!.. Who we are! "

"OMG you're hopeless! " kita ko sa gilid ng aking mga mata na natatawa na lang itong napailing-iling at pa-sosyal na humigop sa straw ng kaniyang sariling inumin.

He's right...

I'm hopeless.

I'm desperate.

And this is the only way to forget all my stupidity in life.

Ang magsaya.

Kailangan kong magpakabaliw sa saya ngayong gabing ito. Dahil kung hindi ay mas mababaliw ako nang tunay sa matinding kalungkutan kapag nagmukmok lang ako sa aking condominium.

Isang linggo na rin ang nakalilipas mula nung break up namin ni Ranz. At inaamin ko na hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka-move on.

Sinubukan ko naman.

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon