Chapter Twelve

212 11 10
                                    

Abbygail's POV

"Why aren't you eating? "

Nilingon ko ang nasa gilid ko na si jiro. Nakatitig ito sa akin nang deretso.

"P-parang busog pa ako. " aniko at ibinaba ang tingin sa mga pagkaing nakahain sa aming harapan.

Sobrang dami! Parang may piyesta.

Tinititigan ko pa lang ang napakaraming pakain na 'to sa aming harapan, eh parang gusto ko na agad maglungad.

"Alam mo bang nade-depressed ang mga chefs dito kapag hindi kinakain o tinitikman manlang ng mga kakain ang inihahanda nila? " si Jiro ulit.

Napasulyap ulit ako rito. Nakita kong may tangan na itong isang baso ng red wine. Feel na feel ng loko ang pagiging 'Senyorito' ah.

"Is that a joke? Hindi kasi nakakatawa. " mahina kong sabi at inirapan ito.

"Hindi ako nagbibiro. Look. " anito at inginuso ang malawak na pintuan ng dining area.

Sinundan ko naman ng tingin ang dereksyon ng pintuan, at bahagyang napamang nang makitang may mga nakasilip mula sa labas niyon. Agad namang nagsi-atrasan ang mga ito nang mapansin yatang nakatingin na ako sa kanilang kinaroroonan.

"They are the chefs. " Ibinaba nito ang hawak na wine glass sa lamesa. "First time kong nagdala ng bisita rito sa mansyon, Ms. Mallari. "

Oh, tapos?

Binalingan ko ulit si Jiro.

"Since tumungtong ako rito at magpakilala bilang si Mr. Callex Escriba, ang may-ari nitong bahay, ay sobra na silang natuwa. That's their natural reaction to everything. Specially when it has something to do with Mr. X. " Nilingon ako ni Jiro.

"What do you mean?" Naguguluhan kasi ako sa bigla nitong ikinekwento.

"Nagtaka rin ako nung una. Kung bakit ganoon na lang sila kasabik nung makita ako. Until nalaman ko na ni minsan ay hindi raw pala nagpakilala o nagpapakita manlang si Mr. X sa kanila. "

"Oh. " napatuwid ako ng sandal sa aking kinauupuan. I think I get what he's trying to say now.

"Kaya pala tinawag ka nilang Senyorito kanina. Nagpapanggap kang si Mr. X. "

"Exactly. "

Napatango-tango ako.

"They adore him. "

"Hmm? " aniko habang sinisimulan ang paghiwa sa steak na nasa aking plato.

"Maski hindi pa nila ito nakikita o nakakausap ay sobra na ang paghanga nila sa taong iyon. And that's the reason kung bakit lahat ng bagay o kilos na gawin ko kapag naandito ako sa loob ng mansyon ay palagi nilang sinusubaybayan. "

"Kaya ba ganito sila mag-react nung dalhin mo ako rito? "

"Katulad nga nung nauna kong binanggit kanina, first time silang nakakita ng bisita rito. Kaya excited ang mga 'yan. "

"N-now I get it. " tumango-tango na lang ulit ako sa sinabi nito.

"Kaya kung ako sa iyo, kakain ako riyan kung ayaw kong biglang may ma-depressed na mga tao sa labas nitong dining room. "

"Eto na nga. Kakain na nga. " aniko at isinubo ang kaunting piraso ng steak na aking nahiwa.

Hmm. Masarap hah!

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon