Chapter Eleven

187 11 0
                                    

Abbigail's POV

"So,.. "

Napaangat ako ng tingin sa nakaupong babae sa aking gilid, malapit ito sa may bintana nitong office na aking kinalalagyan.

"You're Jiro's cousin, huh? "

Marahan ko lang itong tinanguan at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Mukhang madalas dito si Jiro ah. Parang ka-close n'ya kasi itong babae.

Siguro ay dahil madalas din na makipag-meeting dito si Mr. X. Nabanggit din kasi sa akin ni Jiro kanina na isa raw sa bigating ka-sosyo sa negosyo ni Mr. X ang CEO ng kompanyang ito.

"Malayong pinsan? "

Muli kong tinanguan yung babae.

Second cousin, iyon ang pakilala sa akin ni Jiro sa secretary na 'to. Bawal daw kasing pumasok ang sinumang walang may kaugnayan sa mga tauhan o empleyado nitong company. Kaya sa ayaw ko man o sa hindi, eh kakailanganin kong magpanggap na kamag-anak ng bugnuting iyon.

Napasilip ako sa labas ng glass door nitong opisina. Ang sabi kanina nitong secretary ay nasa right wing daw ang location ng meeting ni Mr. X. Nakita kong doon din nagtungo si Jiro matapos nitong magpaalam na umalis kanina.

"Ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala si Jiro na taga rito rin sa Maynila. "

Napalingon ulit ako sa pwesto nung secretarya. "H-hindi siguro siya pala kwento. " aniko at peke itong nginitian. Hindi ko alam kung secretary ba ito ng CEO nitong company o ano, iba kasi ang tono nito ng pananalita, parang nang-uuyam.

Isa pa, kanina pa akong naiirita sa babaeng ito. Kung makapagtanong kasi ito at makaasta, akala mo'y siya ang may ari nitong buong building. Mukha pati itong inggiterang payaso dahil sa kapal ng make up nito sa mukha, kurba pa lang ng kilay ay halata mo nang hindi nito gusto na may ibang babae ang umaaligid sa loob nitong kompanya. Asal muse! Hindi naman maganda!

"Ano nga ulit ang name mo? "

".. Abby. " muli ko itong nginitian ng peke.

Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang pasimple nitong pag-ismid, kasabay nang paghagod nito ng tingin sa aking kabuuan.

"Hindi kayo magkamukha ni Jiro. "

Second cousin nga, 'diba! Bobo ka ba! Saan ba ito nakakita ng magpinsan na mukhang identical twin?! Jusme! Nagsisimula na talagang mag-init ang aking bumbunan sa babaeng ito.

Asan ka na, Jiro?! Ang sabi nito ay mabilis lang ito. Bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?

"By the way, kailangan mo nga palang magsulat dito sa log book, miss. "

"Huh? " aniko nang bigla itong may inilabas na log book mula sa ilalim ng desk nito.

"Are you sure? " hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking isang kilay.

"Yes, it's a policy. Mahigpit kasi ang aming CEO. Hindi kasi pwede na walang record ang mga taong basta na lang pumapasok sa bawat office nitong company. Specially kapag outsider ka. " sunod-sunod nitong sabi at muli akong inismiran.

Aba't talagang!

"Here. " inilapag nito sa kaharap kong round table ang log book na hawak. "Paki-fill-up-an na lang lahat ng details na hinihingi. "

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon