Chapter Six

377 17 1
                                        

Abbygail's POV

Hindi ko malaman kung nagsasabi ba talaga ng totoo itong si Jiro.

"Eh bakit kailangan ko pang mag-stay sa tinutuluyan mo nang maghapon?! " aniko at padabog na ipinatong ang aking kamay sa kaharap na lamesa.

Naandito kami ngayon sa dining area ng aking unit. At labag man sa aking kalooban, ipinaghanda ko pa rin ito ng meryenda pagpasok. Ayoko namang magmukhang bastos kahit na asar na asar ako sa taong ito.

Binigyan ko pa ito ng isang slice ng cheesecake at apple juice.

Effort!

Ang kaso nga lang--

"Hoy! " masama ko itong tinitigan at muling hinampas ang lamesa. Parang wala naman itong ganang kainin yung inihanda ko.

Halatang bahagya pa itong nagulat nang mapaiktad sa aking ginawa. Nakahalumbaba kasi ito at animo'y parang lasing na tatakasan na ng ulirat.

"Hoy! " bulyaw ko ulit sa mukha nito nang muli itong yumuko.

This guy!

"Pwede ba, sabihin mo na lang kung sasama ka na o hindi. Naririndi ako sa'yo. " parang walang gana nitong tugon at tuluyan nang yumupyop sa lamesang kinatutuunan.

Anak ng--

"Jiro! " niyugyog ko ang ulo nito. "Hoy! Tulog ka ba?! "

"Anyare, Sis? " si Amber na bagong pasok dito sa dining room. Ibinaba nito ang hawak na kape sa lamesa at lumapit kay Jiro. "Hindi ko naman ito sinuntok kanina ah. Bakit knock out na 'to dito? "

"I don't know. Baka lasing? "

Bahagya namang yumuko si Amber at inamoy ito. "Hmm. Amoy fafa.. "

"Amber! " pinanlakihan ko ito ng mata.

"Sorry. " anito at agad na nagtuwid ng tayo. "Hindi naman s'ya amoy alak so, anong nangyari? Hindi mo ba ito pinukpok ng kawali? "

"No! " kunot noo kong sagot at inis na pinag-krus ang mga braso sa aking dibdib. "Dapat hindi ko na pinapasok kung tutulog lang s'ya rito. "

"Bakit hindi mo na lang muna patulugin diyan sa sofa? "

Muli kong binalingan si Jiro. "Hoy! Jiro! " Niyugyog-yugyog ko pa ang balikat nito para gisingin.

Kaso wala. Talagang ayaw na nitong magmulat.

Patay na ba s'ya?

"So, pa'no ba 'yan. Ako'y uuna na, Abby. "

"Hah?! " inangat ko ng tingin si Amber, na kasalukuyang hinuhugasan ang pinag-inumang kape. "Iiwan mo ako kasama 'to?! " itinuro ko si Jiro.

"Oo?.. " pinagtaasan ako nito ng kilay. "Why, ano naman kung iiwan kita kasama ang hot fafa na 'yan? "

"No! Dito ka lang muna! "

"Abby, tigilan mo ako hah! " binalingan ako nito "Sinamahan na nga kita rito magdamag, sasamahan pa rin kitang magbantay sa tulog na 'yan? "

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon