Chapter Thirteen

218 14 1
                                        

Abbigail's POV

Am I lost?

Simangot akong napatigil ng lakad at nagpameywang sa tapat nung pamilyar na malaking painting ng isang liyon, na nakasabit sa mataas na pader nitong malawak at pasikot-sikot na pasilyo.

Hindi ako nagkakamali, pang limang beses ko na itong nadaanan kanina.

At pang anim na ngayon!

Yeah, I think.. "I'm lost. " napabuntong hininga akong isinandal ang aking likod sa dingding at padausos na naupo sa sahig.

I'm hopless.

Kasalanan ko rin ito. Kung sinunod ko sana kanina yung sinabi ni Jiro na magdere-deretso lang ako ng lakad kanina, eh sana kanina ko pang nakatagpo si Mr. X at hindi ako maliligaw ngayon.

Kasi naman. Na-curious kasi ako sa iba pang parte nitong mansyon. Sobrang ganda kasi talaga at napakalawak. Parang kahit magta-tambling ako rito nang ilang beses ay hindi ako madadapi sa mga dingding. Pwedeng-pwede pa ngang magtayo ng isa pang bahay sa loob nito.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid at inisa-isang pinagmasdan ang bawat estatwa na naka pwesto sa bawat malalaking poste nitong mahabang pathwalk. 

Ang tahimik.

At ang creepy!

"Ah! Hindi! " agad kong sinaway ang aking malikot na isipan at mahinang tinampal-tampal ang aking magkabilang pisngi.

Heto nanaman kasi ang matatakutin kong utak, naandar nanaman!

Paanong hindi!

Kung hindi nga lang siguro mukhang makabago ang disensyo nitong buong mansyon, ay iisipin ko nang natitikbalang na ako kanina.

Pansin ko kasing may mga antique din na kagamitan. Tapos parang galing pa sa egypt ang iba. Basta! Parang may makakasalubong kang naglalakad na mummy sa daan kapag dinutdot mo ang kahit na ano sa mga iyon. Ganoong-ganoon ang itsura ng buong paligid.

Parang pinaghalong modern at old style, gano'n!

"Mama ko. Tirik pa naman ang araw eh, kaya wala pa naman sigurong lalabas na masamang espirito-- "

"Masamang damo, mero'n. "

"Ay kabayo! " mabilis akong napaatras ng isod palayo sa malaking estatwa na aking kaharap.

Nagsalita yung estatwa?!

"N-nagsasalita.. Ka? "

Doon naman biglang may lumabas na lalaki mula sa likod niyon at naglakad papunta sa aking kinaroroonan.

".. Huh? " maang akong napaangat ng tingin dito nang tumigil ito sa aking harapan.

"Hi.. Naliligaw ka ba, miss? " anito at ngumiti sa akin.

"P-parang. " sagot ko at dali-daling tumayo. Mutikan pa akong mapasala ng sandal sa dingding dahil sa sobrang pagkataranta.

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon