"Oh my goodness gracious! "
Napamulat ako nang maramdaman ang biglaang paglubog ng kabilang parte ng kama na aking kinahihigaan. Marahan kong nilingon ang nasa gilid, kung saan nakaupo na ang ngayo'y nakangiwi kong kaibigan na si Amber.
"Look at you! " anito at animo'y diring-diri na pinagpupulot ang ilang hibla ng aking buhok na sumabog na sa aking mukha.
Sinimangutan ko ito pabalik at pairap na iniwasan ng tingin. Wala akong gana ngayon sa kaartehan nito. Masama ang pakiramdam ko at gusto ko pang matulog ulit.
Lintek na hungover 'to. Ang hirap kapag first time drinker. Oo, masarap uminom at magpakalasing. Pero kung ganito rin lang naman ang magiging pakiramdam ko pagkatapos, eh hindi na ako uulit pa.
"Ugh" napasapo ako sa aking ulo.
Idagdag pa itong namumukol na sugat sa aking noo...
"Ay! Palakang tumalon!- Abby! "
"Nako. Okay ka lang, miss? "
"Seriously?! Ikaw ang lumangoy sa sahig, magiging okay ka pa nun?! "
"Nagtatanong lang po. "
"Well, kita mo nang sumubsob yung kaibigan ko, eh magtatanong ka pa! Okay ka rin, pare. "
"Sorry. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko naman alam na may nakatayo pala sa- "
"What's happening here? "
"B-boss, sorry. Hindi ko po kasi sinasadyang nabangga itong isa sa ating mga customers. Ihing-ihi na kasi ako kanina pa kaya nagmamadali akong nagparaos dito para makabalik agad sa pagbabantay- "
"Nakanang- bouncer ka pala! Kaya pala ang laki ng katawan mo! Di ka na naawa sa kaibigan ko! "
"Hindi ko naman po kasi sinasadya- "
"Enough. "
"I'm sorry for what happened. Hindi na mauulit iyon. Please, let me assist you and your friend to go back and- "
"A-actually, pauwi na kami, pogi. "
"Good, then.. Magco-commute ba kayo or- "
"Well, may sarili kaming sasakyan!- Ahmm.. S'ya pala! Pero ako, wala. Pero kaya n'yang mag-drive kahit lasing. Baka pwede mo akong ihatid pauwi! "
"Wait,.. she's bleeding. "
"Hah! "
"Her forehead is bleeding. "
"Ay! Jusme naman, Abbygail! "
"Here.. Please, let me carry her. We'll bring her to my office, para magamot ang kaniyang noo. "
"Y-yes, please! OMG! Save my BFF! Save her! "
"Y-you.. "
"Yes? "
BINABASA MO ANG
Who Is Patient X?
Mystery / ThrillerWhen love turns into obsession. (R-18) All Rights Reserved 2021