Chapter Four

507 21 1
                                        

"Jiro?" Maang akong napabangon mula sa pagkakasandal sa kinauupuan kong swivel chair.

"Yo. "

"Wait!- " nagpabalik-balik ako ng tingin sa itim na calling card na hawak ko at sa lalaking may pulang buhok, na prenteng nakaupo ngayon sa itim na swivel chair, kaharap ko. Nakapatong pa ang isang kamay nito sa lamesang nakapagitan sa amin.

Napasulyap ako sa nameplate na nakapatong din roon.

Mr. Xander Recio, Bar owner.. Muli kong basa sa nakasulat.

"Yeah, good thing naaalala mo pa ako. " walang gana nitong sagot habang abala sa pagsasalin ng alak sa basong hawak.

"Paanong?- " muli kong sinipat ang itim na calling card at hindi makapaniwalang nag-angat ulit ng tingin dito. "Hindi naman ikaw si Xander Recio, ah"

"Lower down your voice. " anito at saglit na sinulyapan ang nakasarang pintuan nitong opisina.

Salamat sa pasaway kong kaibigan na si Amber, na iniwan ko sa loob ng aking kotse. Nakaagaw kami ng atensyon kanina dahil sa ginawa niya. Wala tuloy akong naging choice ku'ndi ang pumasok na rito sa loob ng bar at sadyain na ang kailangan kong sadyain.

Pero halip na ako ang manorpresa sa pagdalaw, eh ako ang nasorpresa sa nadatnan ko sa loob nitong office.

"Akala ko ba silent proof ang opisina ng mga bar? "

"Silent proof nga. "

"Oh, eh- "

"Basta hinaan mo lang ang boses mo. Hindi ka mamamatay kapag ti-nry mo, Ms. Mallari. "

Tinaasan ko ito ng kilay. Nangangati bigla ang tungki ng ilong ko sa pagkausap lang sa lalaking ito.

As usual, ano nga namang aasahan ko sa paranoid at bugnuting body guard ng Mr. X na iyon.

Ever since na nakilala ko ito ay hindi na talaga maganda ang kulo ng dugo ko sa taong ito.

Well, maayos naman ang naging una kong encounter sa kaniya noon. Iyon yung time bago naglaho nang biglaan yung mongoloid niyang amo-

Tch..

Mabait ito nung una at nangiti-ngiti minsan. Pero hindi ko alam, sadyang nakakasira lang siguro ng bait ang magbantay sa isang taong wala naman talagang sayad sa utak pero nag-aasal may sayad sa utak.

Ilang taon na rin ang nakakalipas, at hindi ko akalaing hanggang ngayon ay nasa serbisyo parin siya ng pagbabantay kay Mr. X.

"Nasaan siya? "

Saglit itong hindi nagsalita, bago kinuha yung baso ng alak at tumayo. "Hindi ko alam. "

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalipat ito sa kabilang side ng table, kung saan ako nakapwesto.

Sinungaling.

"Nasaan nga? "

Tumigil ito sa aking harapan, tinitigan ako saglit bago inisang lagok yung alak na hawak niya. "Bakit mo siya hinahanap? "

"Answer my question first. "

"Huh. " mayabang itong nagpamulsa ng isang kamay. "You're in my territory, Ms. Mallari. Wala kang rights para mag-demand na sagutin ko agad ang tanong na iyan. "

"Pwede ba! Hanggang ngayon ba ay pinagdududahan mo pa rin ako- "

"Bakit hindi?.. Sino ka ba para hindi pagdudahan? Isa ka lang naman sa mga nakalarong babae ng sinto-sintong iyon. " aniya na ang tinutukoy ay ang kaniyang amo.

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon