Chapter Five

399 18 0
                                    

"What.. are you doing here? " napakalas ako ng hawak sa seradura ng pintuan nitong aking unit at masamang sinulyapan ang lalaking nasa screen ng door monitor.

"Can you open the door first? " As usual, walang gana nanaman nitong tugon.

Aba't talagang!

Itong bugnuting bodyguard na ito. Matapos niya akong palayasin sa bar kagabi, eh pupunta-punta ito ngayon dito sa aking tinutuluyan at mambubulabog!

Ano siya, hilo?!

"What. Are you. Doing here?! " aniko at maarteng pinaghalukipkipan ito ng braso.

"Tch. " nakita ko naman ang marahas nitong pagsuklay ng daliri sa pula nitong buhok, animo'y nagpipigil itong maiinis.

S'ya pa ang may ganang maasar ngayon?

"He asked me to pick you up. "

".. What? " pagbibingi-bingihan ko.

"He asked me to pick you up! "

"Hah?! " subukan nga itong maasar. Pambawi sa ginawa nito sa akin kagabi.

"I'm here to f*cking pick you!— "

"You're cursing me?! "

"No! " kita kong asar na asar na ang mukha nito.

"And you're shouting?! "

"Look, I'm not playing with you, Ms. Mallari. Huwag mo sa akin ipairal ang pagpapkipot mo dahil hindi ako ang siraulo mong ex! " anito at dinuro-duro ang camera na nasa kaniyang harapan.

"And how many times do I have to tell you, na wala nga kaming naging relasyon ng amo mo?! " bulyaw ko sa kaharap kong monitor.

"Hindi ko s'ya amo! And can you please, open this! Now! "

"Ayoko! "

Bahala ka diyan sa buhay mong tao ka. Manigas ka!

"Seriously, guys?! Nag-aaway kayo gamit yang door monitor?! Ala sais pa lang ng umaga oh! My goodness gracious! Nawiwindang ang tenga ko sa inyo! "

Napalingon ako kay Amber, na nakadapa ngayon sa mahabang sofa nitong living room. Halatang kagigising lang nito at parang masama ang timpla ng mood. Kitang-kita iyon sa ibaba ng mga mata nitong nangingitim-ngitim pa.

Napasapo ako sa aking ulo at pabagsak na sumandal sa pinto.

Dito nga pala ito natulog sa aking unit kagabi. Nagi-guilty tuloy ako bigla dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit puyat ito.

Magdamag akong binantayan ni Amber kagabi dahil sa walang tigil ko na pag-iyak. Baka raw kasi bigla akong magbigti kapag natulog siya.

As if nama gagawin ko iyon. Hindi pa naman ako suicidal na tao.

Napasapo na rin ako sa aking mga mata. Medyo namamaga-maga pa nga ang mga ito haggang ngayon.

"I'm sorry, Amb. Sige na ituloy mo na 'yang pagtulog mo— "

"Hey! I'm still here! Why aren't you opening the door?! "

Naramdaman ko ang biglang pagkalabog ng kinasasandalan kong pintuan.

Ny*ta! Naandito pa nga pala itong tukmol na 'to.

"See! Makakatulog kaya ako nang lagay na iyan! "

"Ms. Mallari! Open this— "

Grrrrrr!

"Will you please— " asar kong hinarap ulit ang monitor at kinamot-kamot ang aking ulo. "Leave!.. Now! I'm not coming with you, Jiro! Kung gusto akong makita talaga ng siraulo mong amo, sabihin mo ay siya ang pumunta rito at sumundo sa akin! "

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon