Chapter Eight

316 12 0
                                        

Abbygail's POV

"How's the taste? "

"Hmm. " Si Mr. X, matamis itong ngumiti sa akin.

Ang gwapo!

Bahagya nitong itinagilid ang ulo at naniningkit ang mga matang nilasap-lasap yung tinikman na sarsa ng afritada na aking niluto.

"It's perfect. " anito at umisang dutdot pa roon sa sandok na aking hawak, bago isinubo ang daliri niyang ginamit pang-dutdot, ginawa niya iyon nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Napatulala tuloy ako sa ginawa nito at mariing napalunok nang maramdaman ang pagbara nang kung ano sa aking lalamunan.

De p*ta! Ano sa tingin mo ang ginagawa mong gwapo ka?!

Is he seducing me?!

Alam kong hindi pero--

"You really are a great cook, Abby. " pagkatapos ay tumalikod ito at naglakad papunta sa may ref.

"T-thanks. "

Naipit ko ang aking mga labi upang pigilan ang pangangatal ng aking boses.

Saglit kong binitawan ang hawak na sandok at palihim na inipit ang aking nagkalat na buhok sa likuran ng aking mga tenga.

Gosh! Kinakabahan nanaman ako! Ano ba kasing ginagawa ng lalaking ito?!

I mean, alam kong normal na sa kaniya ang umakto ng-- abnormal! Pero my gulay lang! hindi ako manhid para hindi maapektuhan sa pinag-gagagawa niya!

Eto ang isa sa problema ko pa dati eh, nung pasyente ko pa siya, punong-puno ito ng confident sa katawan. Alam niya sa sarili niya na kahit anong kilos o salita ang gawin niya ay nagsusumigaw parin ang malakas niyang s*x appeal!

Jusme!

Hanggang ngayon nga ay hindi parin ako makapaniwalang kaharap ko na talaga siya! Nagha-hyperventilate parin hanggang ngayon ang isipan ko dahil sa muli niyang pagpapakita. Hindi pa nakaka-usad ang aking emosyon, eh gumagawa na agad ito ng mga kilos na ikasisira ng aking sistema!

Naandito kami ngayon sa may kitchen room nitong kaniyang rest house. Matapos kasi nung kaninang-- mainit-init na halikan sa pagitan naming dalawa, eh agad din niya akong niyaya pabalik dito sa loob.

Akala ko nga eh, dito sa kusina niya gustong ituloy yung-- alam n'yo na.

Laugh trip!

Landi Abby!

Kaso, marami talagang napapaasa sa salitang 'akala'. Dahil pagpasok na pagpasok pa lang namin dito ay agad niya akong pinahawak ng sandok, kinabitan ng apron at tinanong kung pwede ko raw siyang ipagluto ng afritada.

Wow lang! Afritada pala ang gusto, hindi ako!

Natatandaan ko dati, ito yung isa sa mga paborito niyang putahe na madalas kong niluluto at dinadala sa kaniya nung nasa loob pa siya ng Asylum.

Who Is Patient X?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon