CHAPTER 1: TADHANA
"Mj bilisan mo naman tumakbo, male-late na tayo!!!!!!!!!!!"
"Wait lang naman ang sakit na ng paa ko eh!!"
"Takte!!! 10 mins. late na tayo patay tayo kay ma'am niyan eh!!"
"Oo na,oo na!!!!!!"
Eto na naman kami tumatakbo papasok ng school. Magmula sa gate hanggang sa high school building lang naman pero halos humahangos na kapatid ko. I mean kakambal pala....... ay naku parehas lang yun.
Ehem... Bago tayo magsimula.. Ay nagsimula na pala hehe.. Magpapakilala muna ko.
Ako nga pala si Cindy Kate Watsons. Taray ng pangalan ko no haha. Kapag tinawag ako sa pangalan ko di ako tumitingin, kung bakit, wala na kayo dun. Haha joke. Kasi nakaka-sindikato lang ang peg ng pangalan ko. Haha. Kaya tawag nila sakin ay Cindy para medyo matino naman.
15 yrs. old. May isang kapatid/kakambal. Tanong niyo sakin kung anong pangalan niya bilis.
Ang pangalan niya ay......... Tentenenen....
Marie Juana (Huwana) Watsons. haha. May tama ata nanay at tatay namin nung pinanganak kami kung anu-ano ipinangalan samin yun tuloy kami nag-hihirap. Yaeh na wala ng magagawa eh yan nayun hayyyyssss. Nag-aaral kami sa Twins Academy. Para sa mga kambal. May triplets quadroplets, piglets, Haha joke, pero syempre hindi naman lahat ng andito kambal yung mga teachers hindi,mga janitor,at syempre principal namin. 4th year high-school na kami. Ano ako?.
TAO.... Weh di nga...Haha.
Maganda, charot lang feelingera lang pero totoo naman. Sabi kasi ng iba maganda daw kapatid ko. Kung matatanong niyo kung anong connect, haler kambal kaya kami. O sige ito nalang para mabilis, mukha akong nerd, oh di tapos.
Matalino. isama na natin pampalubag loob lang pero kahit konti naman totoo yun.
Masipag, oo masipag ako, sa sobrang sipag ko nga dami kong nagagawa, tulad nalang ng matulog, kumain, matulog ulit at kumain. Para lang akong inahing baboy na pinapataba sa bahay dahil sa walang ginagawa.
Mayaman , kaya nga wala akong ginagawa kasi dami naming katulong. Yun lang masasabi ko ngayon haha. Balik tayo sa istorya.
"Aray!!"
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin. OHMY. Ang sabi nila naubos na daw ang mga gwapo sa mundo dahil sa naging bakla na lahat. Sorry sa mga tinamaan, narinig ko lang po yan sa mga maaarteng tambay dun sa kanto. Isama na din po natin ang pagiging paki-elamera nila sa buhay ng iba para masaya. Pero itong kakakita ko palang mukhang di naman siya bading lalaking-lalaki nga eh. Shems, nakita ko na ata ang soulmate ko. Gwapo, matangkad, gentleman, adonis lang. Ang kaso nagkamali ata si tadhana at ang kapatid ko ang naka-bungguan niya. Oo, tama kayo ng nabasa, hindi ako yung umaray kundi yung kapatid ko. Malakas ata impact kasi napa-upo siya sa damuhan. Ieksena na dapat ako sa nangyari ng....
"Im sorry miss. Nasaktan ka ba?" tanong niya sa kapatid ko.
"No, Im ok." sagot niya dito.
Im ok daw pero nag-aray kanina. Gulo noh!.
Nag-ngitian pa sila na akala mo wala ng bukas. Ouch, sakit sa puso, tumagos eh. Yung titigan nila na parang gumagawa lang sila ng music video. Yung itsura nila na parang inlove na inlove sila sa isa't-isa.
Guys spell OA.
M.E.
Pwede ba yun?. Na first time mo palang nakita mahal mo na agad. Ay t@ng@ kaya nga may love at first sight diba. Hay......
Biglang may dumating na lalaki tapos tinitigan din yung kapatid ko. Puuutttiikkk.. Nabighani din ata. Ouch edi ako ng pangit, ako na ang parang anino lang, ako na, AKO NA!!!!. Haha capslock para mas intense. joke.
"Bro, alis na daw tayo." sabi nung bagong dating. Ahhh, magkapatid pala sila kaya magkamukha. Pero mas gwapo si soulmate, feeling ko lang.
" Ah sige alis na kami bye!." sabi ni soulmate sabay wave.
"Bye!" sagot naman ni kapatid na parang sobrang close na nila. Edi sila nang close, che!.
Tinuloy namin ang paglalakad at mas lalo pa kaming nalate. Paktay. Sabog kami ngayon nito sa adviser namin pag-nagkataon.
"Kyaaah. nakita ko na ata soulmate ko babes." sabi sakin ni kapatid. Nairal na naman kalandian nito.
Babes?. Minsan kasi babes tawag namin sa isa't-isa. Muntanga lang noh.
Nginitian ko na lang siya bilang pagtugon. Nako naman oh!. Mukhang problema toh!.