Chapter 8

11 0 0
                                    

CHAPTER 8: OUTING (part 1)

Cindy's POV

Dec. 25

Ang bilis ng panahon. Birthday na ni Jesus Christ. Nandito kami ngayon sa bahay nila lola. Ganto kasi kami kapag pasko, pupunta kaming magkakamag-anak sa bahay nila lola para mag-celebrate. Katabi ko ngayon si MJ, nage-fb siya. May kachat siya.

"Babes mag outing daw tayo sabi nila Travis. Birthday na nila sa isang araw diba. Nag-aaya sila. Treat daw nila Travis, sa may beach resort daw nila. May bahay sila dun kaya may matutuluyan tayo. Ano sasama ba tayo?. Marami daw ang sasama. Sila Mac, Charm, Blue, pati sila Art, basta marami daw mga 16 na daw sila. Ano?, Ate sama na tayo. May van daw na susundo sa atin sa bahay. Bukas ng hapon daw bale two days & three nights tayo dun, 26-28, uwi din daw tayo sa 29 ng madaling araw. Maganda daw dun ano sama tayo?." pagpapaliwanag niya sakin. Alam ko naman ang totoong dahilan eh. Gusto niyang sumama kasi kasama si Art. Tss. Gusto ko ring sumama kasi kasama daw pati si Yuan. Hah?, teka hinahanap ko ba siya.

HINDI NOH!!

"Magpaalam muna tayo kay papa." yun nalang sinabi ko.

Pinuntahan naman namin si papa at pumayag siya dahil may gagawin din daw siya sa mga araw nayun at hindi daw siya makakauwi. Basta daw wag kaming makulit lalo na raw ako.

Nung gabing yun umuwi kami sa bahay at nagready na para matulog. Bukas nalang kami mag-aayos ng gamit tutal hapon pa naman sila manunundo.

-------------------

Kinabukasan------

Hooo!. Ang sarap ng tulog ko. Maaga akong nagising kasi nae-excite ako. Minsan lang magpa-birthday sina Travis at Tracy eh pagbigyan na haha.

Tulad ng ginagawa ko kapag umaga at walang pasok, nagpatugtog ako at nambulabog. Nage-exercise din ako noh haha. Pampa-payat, para sexy. Haha ang kapal.

Gaya ng ginagawa ko, nagsasa-sayaw ako para pagpawisan. Wala namang makakakita kasi nasa kwarto. Nagising ko na nga rin kapatid ko dahil sa lakas ng tugtog. Si papa umalis, nagtrabaho para sa company namin. Pagkatapos kong mag-exercise dun palang ako kumain ng breakfast. Naligo nako at nanuod ng t.v. Ganun naman lagi kapag walang pasok eh. Haha inulit.

Lumipas ang oras naihanda na namin mga gamit namin para sa outing. Nagdala din kami ng mga junkfoods para may ngatain mamaya, ng may maalala akong bilhin.

Lumabas ako at nagpunta sa malapit na tindahan sa labas ng subdivision namin. May nabibili dito nun eh, alam ko lang. Nagtingin ako ng mga paninda at hayun nakita ko na yung hanap ko. Hindi naman siguro to lalanggamin noh. Binayaran ko na yung binili ko at bumalik na sa bahay.

Napatingin ako sa cp ko, alas tres na pala. Ang init. Parang summer sa December. Pagdating ko sa bahay andun na sila at naghihintay. Ayos naman nako kaya kinuha ko nalang gamit ko na nasa sofa at pumasok sa van. Eto lahat ng kasama si Art & Yuan, Ako at si MJ, Weisz & Charm, Blue & Gray, Mac & Bell, Travis & Tracy, April & Julie, Hope & Faith, Jessie & Jude. Yan lahat ang kasama, bale dalawang van ang gamit at dun kami napunta sa pangalawa. Haha parang hindi pangalan yung mga binanggit ko eh, mga unique.

"Teka san ako pupwesto?." tanong ko sa kanila.

Si MJ nakatabi kay Art. Wala nakong choice kaya uupo sana ako malapit sa bintana. Makikisiksik lang haha. Pero may nakapwesto na.

"Paupo." sabi ko kay Yuan.

"Nauna ko dito dyan ka." sabi niya sakin.

"Tss. Damot." sabi ko sa kanya at napilitang umupo sa gitna nila ni MJ. Pinag-bigyan ko na nga siyang umupo sa tabi ng kapatid ko pero di siya umupo. Baka naman ako gusto niyang katabi. Haha lam na dis.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon