Chapter 3

16 0 0
                                    

CHAPTER 3: TRANSFEREES
(part 2) / GAGAMBA!

Cindy's POV

Kinabukasan maaga na kaming pumasok. Syempre ayaw na naming malate at mapagalitan.

Nagmumuni-muni muna kami hangga't wala pa yung adviser namin. Kinuha ko yung ballpen ko at pinaikot ko sa mga daliri ko. Nasanay lang kasi ako, kumbaga hobby ko na yun.

"Wow aga niyo ah!" sabi samin ni Bell kaklase kong babae. Kapapasok lang nila ng kapatid niyang si Mac. Medyo maaga rin pumasok tong dalawang to eh. Ibig sabihin ang aga talaga naming pumasok. Haha improving kami.

Isa-isa ng nagsidatingan yung iba ko pang kaklase pero isa lang ang napansin ko,masyado silang mga energetic ngayon. Ano kayang nakain ng mga to.

"Balita ko magiging classmates daw natin yung mga transferees." sabi ni Julie. Ah kaya pala.

"Oo nga daw bale 6 sila." sabi ni April

Dami naman nila sa bagay 26 lang kami ibig sabihin magiging 32 na kami sa klase kung ganun. Shunga lang di marunong mag-add haha.

Dahil sa isa din akong dakilang chismosa nakinig ako sa usapan nila at ito ang mga nasagap ko. 4 daw ang boys na siguradong maka-laglag panty. 2 girls na habulin ng mga lalaki. Ah so magaganda talaga sila. At ito pa bonus.

Nabuntis daw yung kapit-bahay nila kahit ambata pa. Ha? bakit pati yun kasama. Over sila sa pagiging chismosa pati yun naikwento. Pero napagisip-isip ko din na mas chismosa ako sa kanila kasi hanggang dun pinakinggan ko pa. Haha

Dumating na si ma'am at nagsimula ng mag-attendance. Buti nalang pala maaga kaming pumasok.

Ng may kumatok sa pinto. Hindi ako nakatingin kasi nakaduk-dok ako sa desk ko. Feeling ko kasi inaantok pa ko. Biglang nagtilian at naghiyawan ang mga kaklase ko kasama na kapatid ko. Sa di malamang dahilan ng matahimik na silang lahat ay iniangat ko ang ulo pero nakapikit sabay sigaw ng.....

"HOORAY!!" sabay bagsak ulit ng ulo sa desk. Inaantok talaga ako eh.

"Napakagaling Cindy isa kang malaking late reaction." sabi ni Hope na natatawa-tawa. Tss. Feeling Close parang close kami ah pero dahil ayoko siyang mapahiya sinagot ko siya.

"Thanks ." sabay ngiti ko pa.

Bigla akong hinampas ng kapatid ko. Ang sakit nga eh kaya napatingin ako sa kanya.

"Grabe babes, nakita mo ba kung sino yung kumatok?. Waaaaah talagang pinaglalapit kami ng destiny." nakatitig lang ako sa kanya ng sabihin niya yun. Hindi agad nagsink-in sa utak ko yung sinabi niya pero nung magets ko na kung ano yun. Grabe nakakahiya nakita at narinig niya yung mga pinag-gagagawa at pinagsa-sasabi ko. Si soulmate ko yung kumatok. Haha wala ng pakialamanan alam kong kapalmuks ako dahil may KO talaga yung sinabi ko pagkatapos ng soulmate haha.

Tinignan ko lang siya at nginitian ng may mapansin akong gumagapang sa balikat niya eh di ko makita ng maayos kaya nagtanong ako sa kanya.

"Babes ano yang nasa balikat mo?" tumingin siya sa balikat niya. Nanlaki ang mga mata niya at biglang........

"Kyaaaaahhh gagamba! Alisin mo! Please alisin mo!" sigaw niya ng napakalakas pati iba kong kaklaseng babae naghiyawan. Si April nga na nasa unahan lang namin nag-teleport at napunta sa kabilang parte ng classroom. Naa-awa nako sa kapatid ko kasi naiiyak na siya. Sobra kasi ang takot niya sa gagamba. Pero dahil mahal ko siya tatanggalin ko na.

"Wag kang malikot. Aish! tignan mo gumagapang na wag ka muna kasing malikot!." Medyo iritable kong sabi sa kanya at dahil doon huminto na siya sa paggalaw at tumalikod nalang sakin. Agad kong dinakma yung gagamba sa likod niya. Haha ganda ng word dinakma haha. Ayos ang taba nung gagamba mukhang busog haha. Nang makuha ko na,humarap na siya sakin.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon