CHAPTER 5: SCANDAL
Cindy's POV
Yehey!!!!!!!!
Tapos na ang kalbaryo ko. Tapos na sa paglilinis, pero magiging secretary kuno parin ako. Pero ayos lang haha.
Sabado't linggo walang pasok.
Maglalaro kami ng scissors, paper, stick and stones haha joke.
Walang pasok kaya nagtulog ako maghapon ayun sumakit ulo ko. Linagnat pa nga ako haha nanibago si katawan kaya siguro nagkaganun.
Papasok na kami sa room ng naabutan namin mga kaklase namin na nagtatawan. Ewan ko kung anung meron pero parang nanunuod sila ng kung ano. Haha baka nanunuod na sila ng x rated dyan haha.
"Huy ano yan porn?." tanong ko kay Mac siya kasi yung may hawak ng cp. Napunta lahat ang atensyon nila sakin tapos para silang baliw na nagtatawanan. Yung iba nagpapaluan na. Napatingin naman ako sa pwesto nila Art parang nagtatanong pero pati sila natawa. Curious na talaga ako.
Biglang nag-bell na hudyat ng Flag ceremony. Nagsitayuan na sila sa mga pwesto nila at lumabas na ng pinto. Amputs walang sumagot sa akin. Haha isang malaking nganga, buset.
Nagsimula ang Flag ceremony at mabilis din na natapos. Bumalik kami sa room at nagsimula na ang klase. Hanggang recess iyon ang usapan. May lumapit pa nga sakin at eto ang sinabi.
"Galing mo ah." napatingin ako kay Charm. First time akong kinausap nito ah.
"Ha?. Pano mo naman nasabi?."
tanong ko sa kanya pero ngiti lang ang isinagot niya sakin.
Takte nagtataka na talaga ako sa mga nangyayari. Masyado nakong napapa-isip sa mga pangyayari. Haha lalim, lunod.
~~~~~~~~
Lunch.
Nagpunta kami sa canteen para mamili ng pagkain. Busog na busog akong bumalik sa room. May narinig akong sumigaw ng.
"Hoooo! Scandal!."
Ano ba kasi yun. Pumasok na kami sa room at dahil sa curious talaga ako makikinood na rin ako.
"Hoy Mac panood!" sabi ko kay Mac.
"Hindi pwede." sabi niya sakin. Nang-aasar ata to eh, nakangiti pa.
"Ako panood!." sabi ni MJ
"Okay." Aba loko tong mga to ah.
"Bakit ako di pwede?." tanong ko.
"Bata ka pa para sa mga ganitong bagay. Hindi pa bukas isip mo para dito."
Aba't!
"Anong bata pa. Eh bat si MJ pinapanood niyo eh mas matanda pako ng dalawang minuto diyan." binalewala lang nila ang sinabi ko at dahil sa inis, umupo nalang ako ng nakasimangot sa upuan ko.
Buong maghapon iyon ang pinag-uusapan nila. Minsan panga kumakanta sila ng Wiggle tsaka All About That Bass. Alam niyo may kutob nako kung ano yung video nayun eh.
May pinapanood si Bell at alam kong yung videong yun iyon. Kaa-alis lang ng last teacher namin kaya tumayo nako at inagaw yung cp niya.
"Kanino galing to?!!!!!!." sigaw ko. Inis nako ah.
Alam ko na kung ano yung video. Nung friday habang naglilinis ako at sumasayaw pa ng Wiggle pati All about that bass.
"Tinatanong ko kayo, kanino galing to?." sabi ko pero this time nakayuko nalang ako.
Unti-unti nang kumukuyom ang mga palad ko. Inangat ko ang ulo ko ng masama ang tingin. Unti-unti nilang inangat ang mga kamay nila at itinuro ang isang tao na simula't sapul ay kinaiinisan ko. Bwisit kang Yuan ka!.
"Sa lahat ng meron ng video nato burahin niyo." sabi ko pero wala paring gumagalaw.
Inalis ko ang salamin ko na tanda na naiinis nako ng sobra.
"Ang sabi ko burahin niyo." agad naman nilang hinugot ang mga cp nila at pinagbubura ang video.
"Aba matindi mukhang lahat kayo napasahan ah. Bw¡s¡t!." inis nako ibinalik ko na ang cp ni Bell.
"Oh cellphone mo baka maibato ko pa." sabi ko sa kanya.
"Ikaw!." bulyaw ko sabay turo ko kay Yuan.
"Anong karapatan mo para videohan ako ha!." tanong ko sa kanya ng pasigaw.
Hindi ko naman ugaling mang-away kapatid ko nga di ko ma-away eh, ibang tao pa kaya.
"Trip ko lang." sabi niya.
At dahil dun sobrang nainis na talaga ako.
"Eh P^+@ KA PALA EH. Kung trip ko ding bigwasan ka ngayon papayag kaba!." sigaw ko sa kanya.
"Kung mahahabol mo ko!." sabi niya sakin sabay takbo
"Hoy wag kang tumakbo!. Hindi tayo gumagawa ng music video para magpahabol ka!!".
habol kong sigaw sa kanya.
"Ewan ko sayo!." sabi niya habang lumalakad ng patalikod at nakaharap sakin. Sabay takbo ng mas mabilis.
"Hoy!!. Bwisit ka." at dahil dun hinabol ko na siya.
MJ's POV
Kawawa naman si ate. Nung pinapanood sakin yung video aaminin ko, tumawa ako. Hindi ko akalain na sobra siyang magagalit. Sa mga ganung bagay minsan tinatawanan niya lang, pero mukhang napasobra na ata ngayon.
"Patay!." sigaw ni Mac.
"Marunong pala siyang magmura." sabi naman ni April.
"Oo kapag sobrang galit na siya. Minsan lang yan magalit kapag may umaaway sakin nung bata pa kami, o kaya kapag may mali akong nagawa.
Pangalawang beses ko palang siyang narinig na magmura ng matindi sa tanang buhay ko. Hanggang simpleng t@ng@ at g@g0 lang ang mura niyan, kung simple lang talaga yun." paliwanag ko sa kanila."Edi ibig sabihin sumobra na talaga kapatid ko sa ginawa niya." tanong ni Art.
"Oo." simpleng sagot ko.
"Akala ko iiyak na si Cindy eh." sabi ni Blue. Mukha na nga ring paiyak na siya pinipigil niya lang.
"Guys ipagdasal nalang natin si Yuan." sabi ni Weisz.
Dahil dun nabalik na ang tawanan ng klase. Sana hindi na galit si ate.