Chapter 9

12 0 0
                                    

CHAPTER 9: OUTING (part 2)

Cindy's POV

Nagising ako dahil sa narinig kong kalampag ng kaldero malapit sa tenga ko. Napabalikwas ako ng upo. Pagtingin ko, si April nasa tabi ko na at siya yung pumukpok ng sandok sa kaldero.

"Aba Cindy alas-syete na tulog ka parin!. Alam mo bang ikaw nalang ang tulog sa bahay nato!. Daig mo pa kapatid ko eh!." sigaw niya sakin.

Parang wala sa katinuan akong bumaba sa deck habang kinukusot-kusot pa ang mata. Nagpunta ako sa banyo ng may hawak na tuwalya at damit. Maliligo nako.

"Teka saan ka pupunta?!." tanong sakin ni April.

"Sa banyo, maliligo. Gusto mong sumama?" sagot ko.

"Ewww, kadiri ka, sige ligo na!." sabi niya.

Naligo na nga ako. Pagkatapos kong maligo inayos ko na ang sarili ko. Lumabas nako ng kwarto.

"Morning." bati ko sa kanila.

"Goodmorning babes."
"Morning."
"Goodmorning maloves." tugon ng iba sa bati ko, pero mas nagulat ako kasi tinawag akong maloves ni Gray haha.

Nakaupo na sila sa harap ng lamesa at kumakain ng almusal. Umupo nadin ako sa tabi ni Yuan, dun nalang yung bakante eh. May naalala ako.

"Uy happy b-day." bati ko kela Travis at Tracy. Ngumiti lang sila sakin.

Kumain lang kami ng may bumasag sa katahimikan.

"Guys ayusin niyo na gamit niyo. Magswi-swimming tayo." sabi ni Tracy.

Nagsigawan sila bigla. Tss. Mga loko nasa harap ng hapag nagsigawan, kabastusan yun ah. Pero pati ako nakisali haha.

------------

Pagkatapos naming kumain gaya ng sabi nila inayos ko na nga gamit ko pati sila nag-ayos nadin. Nagbihis nadin ako, Nagsuot ako ng two piece pero pinaibabawan ko ng t-shirt na medyo malaki pati shorts. Paglabas ko ng c.r dahil dun ako nagbihis, nagulat ako sa mga nakikita ko.

"Bakit nakaganyan ka ng suot?." tanong nila sakin.

"Ate wala ka bang balak mag-swimming?." tanong sakin ni MJ.

"Medyo." sagot ko.

Grabe matindi tong mga toh. Mga naka-two piece din pero walang hiya-hiya. Naka-see through  lang. Edi ako nang naka-shirt.

Lumabas na kami ng kwarto at grabe busog na agad ako sa nakita ko. Sh3t ang daming pandesal. Mga high school lang sila ah bakit may abs na sila agad. Hindi manlang magsuot muna kahit sando lang.

"Babes bakit di ka naka-swimsuit?. Ikaw pa naman pinaka-hinihintay ko sa lahat."

tanong sakin ni Blue. Lokong toh!.

"Tse!." sabi ko nalang.

----------

Naglakad nalang kami dahil malapit nalang naman yung bahay sa beach. Pagdating namin dun ang dami din pala ng tao. Lahat mga naka-swimsuit mapa bata man o matanda. Yun talaga ata dapat ang attire. Pumwesto na kami sa isang cottage. Malaki yung cottage, pang marami talaga. Kasama din namin sila manang Selie, kasambahay at caretaker nadin nila Travis dun sa bahay nila. Inilapag ko na ang gamit ko. Grabe angat na angat ako sa mga kasama kong babae. Kung titingin ka, ikaw mismo, ako ang una mong mapapansin. Bakit?. Kasi ako lang ang naka-shirt sila puro kita ang katawan.

Nag-aya na silang mag-swimming. Ayun inulan ulit ng pandesal. Marami kang maririnig na usapan ng mga babae at lalaki sa paligid.

"Grabe ang ha-hot nila noh."
"Oo nga lika makipagkilala tayo." rinig kong sabi ng dalawang babaeng GGSS sa gilid namin. Mukha rin silang mga hipon. Grabe ang sama ko.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon