Chapter 12

15 0 0
                                    

CHAPTER 12: LASING

Cindy's POV

Dahil sa sinabi niya nanahimik na nga lang ako. Ngingiti kapag nagtatawanan sila sa isang corny na joke ni Mac. Makikinig sa mga kwento. Ngangata nalang kapag hindi gets ang usapan.

Sandaling umalis si Travis at Tracy. Pumasok sila sa bahay nila. Ilang sandali lang bumalik din sila. Si Tracy na may hawak na ice tea at si Travis na may hawak na.. Teka.... dalawang bote ng Empi lights. Hanep mag-iinuman pa ata sila.

"Dude para saan yan?." tanong ni Blue.

"Ah.. Eto, hiningi ko kay manang. Nag-paalam ako, kahit nga si papa pumayag wag lang daw uminom ng marami. Haha." sabi niya.

Hanep ah. Inuman. Ang cool ng tatay niya pumayag. Nakaka-inum lang ako kapag may okasyon. Wine lang naman, pero medyo mahina kasi alcohol tolerance ko. Kaya kahit tatlong shot palang lasing nako.

"Hoy yung girls hanggang iced tea lang ha. Pero kung trip niyong uminom bahala kayo." sabi ni Travis.

Nag-inuman nga sila. Lahat sila tumukim. Kahit si MJ uminom, si Yuan umiinom rin. Parang naintriga naman ako sa lasa. Makiki-inom nga ako. Tikim lang naman.

"Pssst. Gray pengeng alak." sabi ko. Haha parang t@ng@ lang pengeng alak haha.

"Ha?. Oh." sabi niya sabay bigay ng shot glass na hawak niya. Kinuha ko naman at ininom.

Amputs.... Ang pait...

Humingi ulit ako.

Pangalawa.....

Pangatlo....

Pang-apat na shot......

Natahimik nalang ako habang nakatitig sa apoy.

Haha parang sumasayaw yung apoy. Ang galing!.

----------

Yuan's POV

Hindi ko naman sinasadya na sabihan siya ng ganun eh. Ang totoo niyan nag-iisip ako. Nung sinabi nila Art na sila na. Wala naman akong naramdaman na kahit na ano. NR lang kumbaga. Hindi ako nagseselos, Hindi din ako galit. Wala lang talaga.

Nung sinabi ko yun hindi na talaga siya nagsalita. Hindi na niya ako kinausap. Ngumungiti lang siya. Nagsalita siguro siya nung kinausap niya si Gray, pagkatapos nun natahimik ulit siya. Hindi na siya umimik natulala nalang siya habang nakatingin sa bonfire.

"Oy ano nang nangyari diyan?.Nanahimik ah." tanong ni Art kay Gray sabay turo kay Cindy. Hanggang ngayon tulala parin.

"Nanghingi ng empi eh. Ininom." sabi ni Gray.

"Ha?!. Nakailang shot na?." tanong bigla ni MJ.

"Apat." walang ganang sagot ni Gray.

"Patans. Bakit mo binigay?." tanong ulit niya.

"Sabi niya penge daw eh. Edi binigay ko yung akin. Di ko naman alam na mawiwili."

pagpapaliwanag ni Gray.

"Lasing na yan. Hindi nga yan makainom kahit wine ng marami. Hanggang tatlong shot lang yan lasing na. Pano pa kaya kung apat." kwento ni MJ.

"Buti nga tahimik yan eh. Kung dumaldal pa yan. Eh patay na, siguradong madudumihan ang mura niyong isip." ala makata niyang sabi.

"Bakit naman?." tanong ni Jessie.

"Nung nalasing siya nung 12 yrs. old lang kami. Pinainom siya ng wine ni papa. New year nun ang daldal niya nga nun eh." kwento niya ulit.

"Oh tapos anong nangyari?."

tanong naman ni Bell.

"Haha bawal. Nakakabastos lang sa pandinig at isipan haha." sabi niya na tatawa-tawa pa.

"Anong ngang nangyari?."

pagpupumilit ni Hope.

"Haha. Wag niyong sabihin na kinwento ko sa inyo ha magagalit yan." sabi niya ng mahina ang boses. "Na-curious kasi siya sa scandal. Ayun nagtatanong sa mga pinsan ko kung sinong may ganun haha. Trip niya atang panoorin. Ewan ko diyan ang lakas lang talaga ng tama ng alak sa utak niya haha. Nabaliw. Hahaha." kwento niya habang humahagalpak ng tawa. Kahit sila nagtata-tawa nadin. Yung iba nga nanghampas na sa sobrang tawa.

Ako?. Naawa nako kay Cindy kasi pinag-uusapan siya ng hindi niya alam. Pero sa kabilang banda natawa din ako.

Hahahaha.

"Ay teka hahatid ko muna si ate ah." sabi ni MJ.

Lumapit siya kay Cindy sabay kalabit dito.

"Ate lika na hatid na kita sa kwarto." sabi niya dito. Tango lang ang isinagot niya.

Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Gegewang-gewang siyang naglakad habang naka-alalay si MJ sa kanya. Nang medyo malapit na sila sa pinto ay huminto sila sa paglalakad. Bakit kaya?.

Biglang tumakbo si Cindy sa medyo malayo at sumuka. Sinundan naman siya ng kapatid niya. Ng matapos na siyang sumuka ay yumakap siya kay MJ.

Ngayon hindi na siya gumalaw pa.

"Guys!. Tulong!. Nakatulog na!." sigaw ni MJ.

Ah kaya naman pala tumigil nakatulog na. Walastik nakatulog ng nakayakap at nakatayo pa.

Ako na ang tumayo at lumapit sa kanila. Ako kasi pinaka-malapit sa kanila. Tinanggal ko na yung pagkakayakap niya kay MJ kaya bumagsak siya sakin. Buti nalang nakapag-balance ako kaya hindi kami natumba. Iniyakap ko yung kamay niya sa leeg ko at binuhat na siya. Bridal style.

"Sige na. Bumalik ka na dun ako ng bahala sa kanya." sabi ko kay MJ.

"Sige. Salamat" sagot niya sakin sabay ngiti at bumalik na sa pwesto niya kanina.

Siguro kung si Cindy yun itatanong niya pa kung ayos lang. Pero hindi naman siya si Cindy kaya wala nakong magagawa dun.

Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Nang makasalubong ko si manang Selie.

"Oh anong nangyari diyan?." tanong niya sakin.

"Nalasing po." sagot ko habang nakasunod si manang Selie sakin. Binuksan na ni manang yung pinto dahil nakasara ito. Ibinaba ko na siya sa deck.

"Naparami ng inom?." tanong ni manang.

"Opo ata." sagot ko naman.

"O siya sandali lang ah. Kukuha lang ako ng bimpo at saka planggana at kawawa naman yan at di na nakapaglinis ng katawan." sabi ni manang saka umalis.

Inayos ko siya ng higa. Kinumutan ko na rin dahil medyo malamig. Tinanggal ko na yung salamin niya. Maganda naman siya eh. Hindi lang nag-aayos. Pero wala nakong paki dun.

Ng maayos ko na ay aalis na dapat ako ng may maramdaman akong nakahawak sa kamay ko.

"Yuan..." sabi ni Cindy. Napalingon naman ako sa kanya.

Akala ko tulog na siya pero mukhang inaantok na rin talaga siya dahil mapungay na ang mga mata niya.

"Sandali lang..... wag ka munang umalis..... may sasabihin pako...." sabi niya na parang kailangan ko talagang marinig yung sasabihin niya.

Humarap ako sa kanya ng maayos at umupo sa gilid ng kama. Ganun din siya naka-upo. din sa kama.

Bakit ganto. Sobrang kinakabahan ako. Kaba nga ba to.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng hawakan niya ang kamay ko.

Ano ba to?. Nakakalito....

-------------------a/n--------------------

Sensya na may toyo ako ngayon haha..

Dedicated to sa kanya dahil bitter siya.

Haha peace yow!.... ( ° u ° ) y

Yun lang guys. Siya nga pala penge ulit votes. Haha.

Wabyu!!!!. <3

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon