Chapter 13

16 0 0
                                    

CHAPTER 13: TAYO NA LANG KAYA, GUSTO MO?

Yuan's POV

Hinihintay ko kung anong sasabihin niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya, ganun din nakatingin sakin.

Iniwas ko na agad ang tingin ko parang awkward kasi.

"Yuan...... Galit ka ba sakin?." tanong niya. Hindi ko siya sinagot, masyado kasi siyang seryoso. Hindi ako sanay.

"Sorry kung nainis ka sakin kanina ah. Kahit hindi ko alam kung nainis ka talaga, sorry pa rin." sabi niya sakin habang nakatingin ng deretso. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Alam mo, hindi ko lang talaga alam kung bakit ganun... Ang sama ko kung sasabihin ko to, pero bakit ganun... Kapag may nagugustuhan akong tao, gusto din siya ng kapatid ko... Ang hirap lang kasi... Dahil ako ang mas matanda, kailangan kong magparaya... Ayokong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko, gagawin ko lahat ng kaya ko basta maging masaya siya." sabi niya.

Tss. Makikinig lang pala ako ng paglalabas ng sama ng loob dito. Bumalik na kaya ako doon.

"Haha. Pero hindi ko na rin ata kailangang magparaya kasi...... kapag parehas kami ng nagugustuhan siya naman lagi yung nagiging gusto nung nagustuhan naming dalawa." sabi niya. Salita lang siya ng salita. Ni hindi ako makasingit. Tss lasing nga talaga toh.

"Diba magkamukha naman kami. Ang pinagkaiba lang, ako laging may suot na salamin, siya hindi. Laging naka-ipit ang buhok ko, siya nakalugay. Yun lang naman ang pinagkaiba namin ah. Magkamukha naman kami haha. Pero hindi ko alam kung magka-ugali din ba kami. Kilala ko siya, pero di ko kilala ang sarili ko." pagpapatuloy niya.

"Ikaw Yuan. Magkamukha din naman kayo ni Art ah. Medyo mas makarisma lang siya. Gwapo ka rin naman, haha medyo. Joke lang." sabi niya na medyo tumatawa pero alam mong malungkot siya.

"Siguro dahil sa nakita ko lang yung pagtulong niya sa kapatid ko at yung mukha niya kaya nagustuhan ko agad siya. Crush lang naman, pero nagseselos ako." kwento niya.

Ang tagal naman ni manang!. Kala ko ba sandali lang. Asan na kaya yun. Banas!.

"Pero nung napalapit ako sayo, medyo.... sumaya ako, aaminin ko. Mas kilala kita kesa kay Art, kahit na konti lang." sabi niya ng may action pa.

Napatingin ako sa kanya, ulit.

Nagulat ako ng bigla niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Naisip ko lang... Kanina ko pa nga to iniisip sa harap ng apoy. Haha... Kamukha mo siya, kamukha ko siya..." sabi niya. Bigla siyang tumingin sa akin. Parang lumakas lalo yung tibok ng puso ko. Ang bilis din, marahil sa kaba.

"Yuan..................................."

Huuuu. Kailangan ko ng hangin. Di ako makahinga, parang aatakihin ako sa puso.

"Tayo na lang kaya, Gusto mo?."

Parang tumigil lahat sa paligid ko. Tanging tibok lang ng puso ko ang nararamdaman ko. Alam ko na corny pakinggan at nakakabakla pero........ parang wala na akong nararamdaman para kay MJ eh. Parehas lang ang nangyari samin ni Cindy. Na love at first sight kunwari pero sa huli kami ang nagkagustuhan.. Okay aamin nako... May gusto na ata ako kay Cindy...

I like her......

--------------------a/n-------------------

Hello guys. Medyo maikli lang to.

Dedicated kay Bespren. Yow!.

Haha yun lang.

Thank you sa pagbasa!.

Love you all!.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon