Chapter 7

12 0 0
                                    

CHAPTER 7: CONFESSION

Cindy's POV

Grabe ang bilis ng panahon parang dati lang ininis ko pa si ma'am, ngayon ako na favorite niyang estudyante. Haha, oo ako paborito niya. Paano?. Simple lang, ako paborito niyang utusan. Haha pero okay lang mabait ako eh. Ang tagal narin ng panahon magmula ng magkaroon kami ng DEAL ni Yuan. Medyo ayos naman. Yung panyo ngang itinali niya sa tuhod ko di ko na ibinalik eh. Haha. Naalala ko pa yung reaksyon ng kapatid ko nung nakabalik na kami sa room.

***Flashback***

Lumakad na kami ni Panget pabalik sa room. Sakit ng sugat ko, ang hapdi eh. Nang nasa harap na kami ng room nandun parin sina Art at MJ. Ang nakakainis pa dun magkatabi sila ng upuan at nagtatawanan. Aray ah!.

Bakit ganun makatingin tong dalawang to kala mo naman may ginawa akong kalokohan. Hehe meron nga ata.

"MJ uwi na tayo." sabi ko sa kanya.

"Ah okay... teka anong nangyari diyan sa tuhod mo?." tanong niya sakin.

"T@t@ng@-t@ng@ kasi ayun nadapa." mahinang bulong ni panget na hindi ko naman naintindihan.

"Anong sabi mo?." tanong ko sa kanya.

"Tsk." yan ang isinagot niya imbis na wala o anuman. Banas na yan.

"Lika na uwi na tayo, makikipag-away ka pa eh." sabi niya sakin saka humarap kay Art at nagpaalam. Haha wawa si panget di pinansin.

***End of Flashback***

Haha naichapwera siya ng  kapatid ko ng mga oras nayun. Ako din naman nganga kay Art. Ang yabang ko pa eh parehas lang naman kami ng kalagayan.

Christmas party na ngayon. Alam ko medyo corny ang dating haha, pero meron talaga. Ganun naman lagi eh.

Nasa room kami nagkakainan at kwentuhan. Mga nakaporma haha pero ako, simpleng dress lang naman. Grabe, sabi ni ma'am ganun daw dapat ang suot ng babae eh.

Bigayan ng regalo. Kung sinong nabunot mo bibigyan mo ng hug, me ganun haha. Tapos kung anung nasa wish list mo pwede mong matanggap. Simple lang naman nasa wish list ko eh. Yung nabunot ko si Gray maloves haha. Niloloko ko siya eh kaya tinatawag ko siyang maloves. Nqagsimula pato nung niloloko kami ng mga kaklase ko. Hanggang sa sinakyan ko naman, kaya ayun.

Nagsimula kay ma'am. Ang nabunot niya si Charm. Then nabunot ni Charm si April edi may hug. Nabunot ni April si Travis haha long time crush niya, since nung 1st year pa kami. Nung nag-hug sila pulang-pula na si April. Edi kinantyawan namin haha. Next si Travis binigay kay Bell yung gift. Eh crush ni Travis si Bell. Nung nag-hug sila nagsigawan yung mga kaklase ko ng "Aray" o kaya "Ouch", para kay April yun. Haha wawa. Sama eh nuh...

Nagpatuloy lang hanggang sa Ibinigay na ni Weisz kay Mac yung regalo niya. Tuwang-tuwa naman si Mac kasi may crush siya kay Weisz. Tinutupad ata nito mga wish ng mga kaklase ko eh haha. Si Blue pala nabunot ni Mac.

"Love you bro!." sabi ni Mac.
"Love you too." sagot naman ni Blue.

Haha malandi talaga tong dalawang to. Tinawanan nalang namin sila. Naging mag-best friend kasi yung dalawa. Parehas kasi silang maloko at babaero.

Nakatingin lang ako kay Blue dahil siya na ang magbibigay ng gift. Ng lumalapit siya sakin ng nakangiti. Bwisit, wag mong sabihing ako nabunot nito. Sa lahat ng taong kinaiinisan ko siya ang pinaka-nakakainis. Inia-abot na niya sakin yung gift.

"For you babes." takte, yan, diyan ako naiinis eh. Tinatawag niya kasi akong babes. Eh si MJ lang pwede tumawag sakin nun.

"Tss. Hindi ako baboy." sabi ko.

"Oo nalang oh eto."

Kinuha ko na yung regalo ng bigla niya kong yakapin. Putik, hindi ako makahinga. Naghihiyawan na mga kaklase ko na wari mo'y kinikilig. Nang may binulong siya sakin.

"Let's talk. Sa Science garden. Pagkatapos ng Christmas party."

Ano ng isasagot ko?.

"Ah... okay." takte, umoo ba ko?.

"Thanks." sabi niya sakin bago humiwalay ng yakap.

Okay. Ang awkward naman. Si Blue nakabunot sakin tapos si Gray nabunot ko. Hanep magkapatid pa.

Hawak-hawak ko na yung gift ko para kay Gray. Lumapit nako sa kinauupuan niya.

"Gray maloves oh." sabay abot ko sa kanya.

"Yun oh magkapatid pa oh."
"Patay tayo diyan love triangle pa."
"Ouch mahirap mamili. magkamukha eh."
"Maloves daw Blue. Ikaw hanggang babes lang. Kawawa ka naman." iyan mga comment ng mga kaklase ko. Mga baliw.

Tinanggap niya na yung gift ko. Then hug, kailangan eh. Ng may binulong din siya sakin.

"Meet me after all of this. Sa Science garden." Putikkkk. Bakit pati siya.

"Okay." at the end umoo ulit ako.

Si Gray binigay na gift niya kay Yuan. Si Yuan pala nabunot niya. Nagtanguan lang sila pacool parehas eh yaan na. Tapos binigay na ni Yuan gift niya kay MJ. Oo alam kong si MJ nabunot niya kasi nagpalit kami ng papel. Ayun yakapan ulit. Turn na ni MJ para ibigay gift niya pero di ko alam na si Art pala nabunot niya. Ang gara!. Nagkayakapan ulit pero sila talaga ang matagal na nagyakapan. Nagkakaligawan na kasi. Tss. Wala na talaga kaming pag-asa ni Yuan sa mga loves namin. ( .° ~ °. )

Natapos na ang Christmas party. Nagpalinga-linga ako para hanapin yung dalawang langit, sila Gray. Dahil di ko sila makita nagpunta nalang akong Science garden tulad ng napag-usapan. Naabutan ko naman silang dalawa doon. Tumayo sila at lumapit sakin.

"May usapan din kayo!." sabay nilang sabi sakin at tinuro pa nila ang isa't-isa.

"Ah.... oo." yun nalang naisagot ko.

"Bakit di mo sinabi?" sabay ulit nilang sabi sakin.

"Aba malay ko ba!." inis nako sa dalawang to.

"Hayaan na nga. Cindy I have something to tell you." sabi ni Blue.

"Ako rin Cindy may sasabihin sayo." sabi naman ni Gray.

Nakatingin lang ako sa kanila. Huminga muna sila ng malalim bago nagsalita........

"I like you!."/ "I think I like you!." sabay nilang sabi at nagkatinginan.

"Ikaw din!." sabay na naman sila.

"May the best man win nalang dude." sabi ni Gray, Habang ako napanganga nalang.

Boom panes. Ako ng mahaba ang hair. Ang kaso isa itong malaking problema. Magkapatid pa ang nabighani ko. Edi ako ng maganda. Haha, haba ng hair!.

Nag rejoice ka ba girl?!!!!. Haha!.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon