CHAPTER 14: HANGOVER
Cindy's POV
Araaaayyyy!!!!!. ( T ~ T )
Nagising ako na wala na ang mga kasama ko. Hala!, baka umuwi na yung mga yun. Tsk. Shunga lang, syempre hindi ako iiwanan ng mga yun noh. Teka, hindi naman dito pwesto ko eh. Dun ako sa taas. Tss, yaan na, nakatulog na nga ako na dito nakapwesto eh.
Wala akong maalala!. Ang alam ko lang uminom ako ng empi. Buset na yan, ilang baso lang timbwak na agad ako.
"MJ!!!!." sigaw ko. May narinig naman akong tumatakbo. May pumasok sa kwarto. Si MJ.
"Bakit ate?." tanong niya na mukhang nag-aalala.
"Huhu!. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Penge akong gamot." sabi ko.
"Tss. Yan kasi uminom, edi masakit ang ulo." sabi niya pa sakin na parang nang-aasar.
Lumabas siya, pagbalik niya may dala na siyang pagkain at gamot. Syempre may kasamang tubig.
"Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot. Oh." sabi niya sabay abot niya sakin ng pagkain at gamot. Ang onti ng food.
Umupo ako sa kama para makakain. Para namang may sakit ako eh may hangover lang naman. Kumain lang ako, pagkatapos kong kumain ininom ko na yung gamot.
"Maligo ka na kaya. Baka sakaling mawala yang sakit ng ulo mo." sabi niya sakin.
"Tss. Oo na!." sabi ko sabay tayo. Medyo natumba ako pero agad din naman akong tumayo. Ang sakit talaga ng ulo ko. Medyo masakit pa din yung paa ko. Pero hinayaan ko na lang.
Pagpasok ko sa c.r. nauntog pako sa pinto. Tinawanan niya pa nga ako. Hindi pa pala siya umaalis.
"Sibat na!." pasigaw kong sabi sa kanya. Tumakbo naman siya palabas ng pinto.
Sinarado ko na yung pinto ng c.r., ang kaso hindi ata hangover yung meron ako. Kamalasan ata, pano ba naman kasi. Kalagitnaan ng paliligo ko nadulas ako sa c.r. Ang lakas ng tili ko pati ata impact eh.
"Aray!. Huhuhu ang sakit. Ouch!. Huhuhu." talagang wala nakong paki. Ang lamig ng tiles pero di ako makatayo. Ang sakit ng pwet ko. Kasalanan to ng paa ko eh!. Kung hindi kasi siya masakit edi sana di ako na out of balance. Talagang umiiyak nako. Ang sakitttt!!!. Huhuhu. May kumatok bigla sa pinto ng c.r.
"Uy ano nang nangyayari sayo diyan. Buhay ka pa ba." rinig kong sabi nang nasa labas. Sa tingin ko si Jude yun.
"Ate ayos ka lang ba?. Kung hindi bubuksan na namin tong pinto." sabi ni MJ, pagkatapos nun may narinig akong kalansing ng mga susi. Sa tingin ko sususian na nila yung pinto. Hay salamat tutulungan nila akong makatayo dito. Teka.......
"Aaaaaaah!!!!. Wag niyong bubuksan yung pinto!!!!. Naka-brave and the bold ako dito mga g@g°!. Wag niyo nakong intindihin!, kaya ko na to!." muntikan ko nang makalimitan na naliligo nga pala ako. Narinig ko namang nagtatawanan sila sa labas. Huhu, ano bang nakakatawa sa kashungahan ko, huhu.
"Tss. Bahala ka na nga diyan." rinig kong sabi pa nila at saka umalis na kasi may narinig akong sarado ng pinto.
Pinilit ko nang makatayo kahit na masakit parin. Tinapos ko na ang paliligo. Nagbihis at nag-ayos ng itsura. Wala nakong damit na mahaba kaya nag-short nalang ako. Hindi yung sobrang ikli ha, yung above the knee lang.
Sumakit talaga katawan ko dun sa pagkaka-dulas ko. Nagkapasa nga yung hita ko eh tapos may mahabang gasgas ako sa braso kasi sumabit sa gripo. Huhu banas.