Chapter 4

17 0 0
                                    

CHAPTER 4: HELL WEEK

Cindy's POV

(MONDAY)

Lunes na, ibig sabihin simula na ng kalbaryo ko. Huhuhuhuhu, guys ipagdasal niyo ko na matapos ko lahat iyon. Na sana buhay pa ko pagkatapos ng linggong to.

Flag ceremony, nandito kami ngayon sa quadrangle ng school , nagpapanatang makabayan at iba pang kaek-ekan na ginagawa kapag lunes. Kinakabahan ako dahil pagkatapos nito magsisimula na talaga ang paghihirap ko. Inis kasi si ma'am eh hindi sinabi saking takot siya sa gagamba. Haha sinisi ko pa talaga si ma'am sa kalokohan ko eh noh.

Last week habang papalapit ng papalapit itong linggong to at kabadong-kabado ako, itong kapatid ko nakipag-close na kay Art my loves. Biruin mo naman kasi sa recess time magkausap sila ni hindi na nga siya namili eh. I mean silang dalawa bakit kasi nasa stage na sila na kung tawagin ay  getting to know each other kuno. Pero dahil mabait akong kapatid eh binilhan ko siya. Nakasabay ko pa nga yung kambal niya eh at ito ang una naming pag-uusap....

***Flashback***

Nandito ako sa canteen ngayon para mamili. Nakapila nako at hinihintay nalang na matapos mamili yung nasa harapan ko ng biglang...

"Isang carbonara at sandwich tsaka dalawang fries. Pabili nadin ng dalawang coke in can pakibilis." pacool na sabi nitong isang asungot sa harapan ko.

"Hoy aba may pila tayong sinusunod sino ka para lumabag dun ha!." bulyaw ko sa kanya. Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Ako si Yuan at sapat na dahilan na iyon nai-intindihan mo ba?." kalmado niyang sabi.

Aba! pu+@r@gis!. Ang hangin din ng isang to eh no. Sa sobrang hangin niya akala ko matatangay nako.

"Yabang." sabi ko sa kanya sa tonong pagalit. Pero syempre mahina nalang baka masita pa kami.

"Ayos lang maging mayabang basta may maipag-yayabang." sagot niya naman sakin habang hawak-hawak ang mga pinamili niya ng nakangisi pa.

Wala nakong nagawa kundi manggalaiti nalang sa galit. Aba biruin mo naman kasi, gutom na gutom na ko dahil sa haba ng pila tapos siya sisingit lang. Grabe ang kapal ng mukha niya....

( .\ _ /. )

*** End of Flashback***

Bwisit kasi yung kapatid ko inuna pa ka-ednalan kesa sa pagkain. Ito pa bonus, halos one week akong naging chaperon niya na kung saan siya pumunta ay nakasunod ako. Syempre baka mapahamak siya at ayokong mangyari yun.

"All students, you may now proceed to your proper rooms." narinig ko galing sa speaker na nagsasabing may klase na.

Nagsimula nakong magdasal para sa mangyayari mamaya habang katabi ko ang kapatid ko na katabi naman si Art. Putiiiikkk.. Hindi na nga natutulog yan ng maaga dahil sa magkatext sila hanggang madaling-araw. Hanggang dito pa ba naman?.

Nakarating nako sa room habang

sila nag-uusap parin. Grabe nagseselos ako kahit na wala akong karapatan para magselos. Pero kasi parang, parang kilalang-kilala na nila ang isa't-isa sa loob lang ng isang linggo. Edi sila na.

"Goodmorning class." bungad samin ni ma'am na kapapasok palang ng room.

"Morning ma'am."
"Goodmorning po."
"Morning....." bati ng mga kaklase ko.

Ako nginitian ko lang si ma'am ng tumingin siya sakin.

"Monday cleaners pakiwalisan ang room tsaka doon sa labas maalikabok eh." utos ni ma'am.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon