Chapter 2

18 0 0
                                    

CHAPTER 2: TRANSFEREES
(part 1)

Cindy's POV

Nakarating na kami sa room at nadatnan na namin ang adviser namin. Sa pagkaka-alam ko masungit si ma'am tsaka strikto lalo na kapag wala sa mood pero kapag nasa mood patawa din magturo.

"Ma'am sorry were late." sabay naming sabi.

"Siguro kayo ang magkapatid na Watsons." tanong niya samin na medyo nakakatakot.

"O-opo." sabi ko na medyo utal.

Pano ba naman kasi itong kapatid ko na-pipe na ata dahil sa takot. Pati mga kaklase ko tahimik rin eh.

"Ano ba yan girls,first day of school late na kayo agad. Baka naman sa mga susunod pang araw late na naman kayo?" sabi niya samin. Shet maiihi na ata ako.

"Im sorry ma'am di na po mauulit." hinging paumanhin ko. Kasi di na nga nagsalita tong kapatid ko.

Aish kabanas!.

"That's enough, go find a vacant sit and sit down."

ma-awtoridad niyang sabi at dahil doon hinitak ko na tong kapatid ko sa bakanteng upuan sa pinakalikod.

Hayyss. Salamat naman at nakalusot.

Nagpatuloy na si ma'am sa

pagdi-discuss niya about sa rules and regulations sa school, sa mga iba  pa naming subjects at sa kalinisan ng classroom. Meron pa kasing assigned cleaners dito sa school na to, private pero may assigned cleaners, san naman kayo nakakita ng ganun, well dito sa school nato meron. Ayaw daw kasi nilang maging tamad ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Kahit pa nung elementary, 1st, 2nd , 3rd year high school kami ganun din at dahil nasa pinaka-last seat kami group 5 kami at friday cleaners. Pero kulang pa kami ng 4. Buti nalang friday pa kami.

Natulala nalang ako na diretso ang tingin sa harap. Para mukha akong nakikinig pero nagdi-daydream na. Haha. Naalala ko si soulmate. Grabe ang gwapo niya talaga.

Ilang oras na akong tulala. Kulang na nga lang mapa-nganga ako dito eh. Titig na titig parin ako sa harap hanggang sa......

"HOY!!"

"AYKABAYONGMAYBIGOTESA
PWET!!,  Bakit?!!" sigaw ko dahil sa panggu-gulat nitong kapatid ko. Na tawa ng tawa kasabay ng mga kaklase ko habang ako eto nakatingin sa kaniya ng masama.

"Haha ano namang kinalaman ng kabayo hahahaha parang tinapik lang kita diyan pati kabayo na mention mo na. Hahahahahaha." sabi niya sakin

habang tumatawa parin.

"Sige tawa pa.. Ganyan naman kayo eh.... Simpleng pagkakamali ang laki na ng epekto sa inyo... Tao rin ako, nagkakamali... Kaya imbes na tawanan niyo ko intindihin niyo nalang... Imbes na tawanan niyo ko isipin niyo muna lahat ng pagkakamali niyo hindi yung pagkakamali ng ibang tao ang nakikita niyo.. Wag ganun..." madrama kong salaysay ng bigla niya kong batukan at sampalin ng mahina sa pisngi.

"Aray!" mahina pero pasigaw kong sabi haha.

"Ginigising lang kita. Baka kasi nanaginip ka at kung anu-ano ng sinasabi mo. Ang OA mo." sabi niya sakin.

"Ano ba yan panira ng acting. Paiyak na nga ko eh, papatak na. Jusme. Nagpakahirap akong mag-isip ng lines para dun. Tsss." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"BALIW!!." sabi niya sakin.Haha

Alam niyo kasi, eto may trivia ko para sa inyo ha. Isa kasi akong malaking OA. Patawa din sa room. Ma-epal kasi ako. Well, im not Cindy if im not like that. Close naman ako sa mga classmates ko tsaka sa iba kong teachers dati. Pero mas maraming kaclose tong kapatid ko wala nakong magagawa. ( > o < )

"Mukha ka kasing t@ng@ng natulala diyan. Kala ko nakatulog ka na ng dilat diyan eh. Ano bang iniisip mo?" sabi niya.

Patans pano na toh di ko naman pwedeng sabihin na ang iniisip ko ay si soulmate. Arrrgggghh what to do.

"A-ah eh y-yung... yung ano.. yung PUSA. Oo tama yung pusa. Yung pusa sa bubong ng kapit-bahay natin hehe." palusot ko.

"Ano namang meron sa pusa?."

tanong niya sakin.

Teka ano nga ba?. Ah alam ko na!.

"Iniisip ko lang kung bakit ang ingay nila dun sa bubong haha." palusot ko ulit.

"Syempre alam mo na yun." sagot niya ng may pataas-taas pa ng kilay.

Pagkatapos ng diskusyon naming dalawa nagkwentuhan lang kami. Na para bang hindi kami nagkita ng matagal kahit na nakatira lang kami sa iisang bahay. Hanggang sa dumating na yung next subject teacher namin. Biotech ang next subject namin. Kahit 1st day may diniscuss yung teacher namin di pa nagpa-awat eh. Pero dahil favorite subject ko ito nakinig ako, yung totoong pakikinig.

Lumipas na ang mga oras nagbreak-time na. May sumunod na nagklase. May nagtaas ng kamay para pumuntang c.r. May nag-away dahil sa ballpen haha. Naglunch-time. Nagklase ulit hanggang sa uwian na.

Naglalakad na kami sa hallway ng may marinig akong usapan. Haha tsismosa.

"Balita ko may mga transferees daw ah" girl 1

Transferees?. Kanina ko pa nga yan naririnig. Eh gagraduate na kami eh. May mga transferees pa.

"Oo nga daw at take note magaganda't gwapo" girl 2

Kung ganun may mga transferees na babae ang akala ko lalaki lang. Hay shunga lang magaganda nga daw eh edi babae yun. Aish isip-isip din Cindy gamitin ang utak wag liver. HA anu daw?

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon