Chapter 6

10 0 0
                                    

CHAPTER 6: TULUNGAN?

Cindy's POV

"Hoy Panget! Huminto ka." sigaw ko kay Yuan.

"Bakit hindi ka pa huminto pangit pala eh!." sigaw niya rin sakin dahil ang layo na niya.

Aba naman talaga at.....

Hinabol ko siya ng hinabol. Halos buong school nalibot na namin kakatakbo pero di ko parin siya naa-abutan. Nasita na nga ako ng isang teacher. Ako lang ata nakitang tumatakbo kaya nagbagal ako. Ayun ang layo na talaga niya sakin.

Nang medyo makalayo, tumakbo ulit ako ng mas mabilis. Medyo malabo rin paningin ko dahil nasa bulsa ko ang salamin ko baka mahulog eh. Sabagay pwede rin naman mahulog kahit asa bulsa ko. Shunga lang....

Hinabol ko parin siya hanggang sa makaabot kami sa Science garden. Haha dead end nato eh.

Huminto na siya sa pagtakbo. Buti nalang.

"Hoy! Ahhhhh!." napasigaw ako sa kadahilanang natalisod ako sa bato dahil sa hindi ko ito nakita at nadapa ako.

Lumapit naman siya sakin at tinulungan akong makaupo sa isang bench doon.

"Ayos ka lang?." tanong niya sakin.

"Mukha ba akong ayos kung dumudugo na tuhod ko. Ayos ka rin noh." sabi ko sa kanya.

Ouch ang hapdi ng sugat ko.

"Tss. Tinatanong ka ng maayos, sumagot ka ng maayos." sabi niya sakin.

Aba naman at...

"Opo tay." paloko kong sabi sa kanya.

"Tsk. Wala akong anak na panget." sabi niya sakin.

Teka...Don't tell me...

"May anak ka na?, sabi mo kasi wala kang anak na panget eh." tanong ko sa kanya.

"Syempre sinabi ko lang yon kasi tinawag mo kong tay!, ay  ewan." sabi niya na parang dismayado.

Bigla naman siyang lumuhod sa harap ko.

"Hoy anong ginagawa mo?. Mag po-propose ka sakin?." tanong ko. Eh baka kasi sakin pala siya inlab kaya niya ko vinideohan. Haha malay lang.

"Engot. Wag ka ngang assuming. Tss, basta." sagot niya habang may kinukuha mula sa bulsa.

Panyo.

Ah alam ko na..

"Dapat pamunas ko to ng pawis eh, pero kung hindi dahil diyan sa katang@han mo. Edi sana nagamit ko to para sa sarili ko." tuloy-tuloy niyang sabi.

Akala ko tipid tong magsalita di rin pala.

"Oo na." yun nalang naisagot ko

Itinali niya na yung panyo sa tuhod ko. Nag-thank you narin ako. Tumabi siya sakin sa bench na inuupuan ko ng may maalala ako kaya itinulak ko siya.

"Aray naman!." sabi niya habang tumatayo.

"Kala mo nakalimutan ko na ah. Hoy burahin mo yung video." sabi ko sa kanya.

"Gagawin ko yun, in one condition." sabi niya sakin.

Anong kondisyon naman kaya yun. Gagawin niya kong slave katulad ng mga nababasa ko sa wattpad. O baka naman kailangan kong mag-act as gf niya para may pagselosing iba tulad ulit ng mga nababasa ko sa wattpad. Pwede narin, gwapo naman siya eh. Haha maharot.

"Ano namang kondisyon?." tanong ko sa kanya.

"Magtulungan tayo."

Hanu daw?. Nanghihingi siya ng tulong sakin. Ano ko julalay?. Kapal ha!.

"Anong tulong?." tanong ko ulit.

Tumingin muna siya sakin mataman sa mata bago nagsalita.

"Tulungan mo akong mailayo ang loob ng kapatid mo sa kapatid ko. Tutal mukha namang may gusto ka rin sa kapatid ko kaya tulungan mo narin ako."

Pagiging selfish nayun ah. Pero may nagsasabi sakin na umoo at humindi. Nag-isip pa ko hanggang sa nasabi ko ang salitang ito.

"Deal." ewan ko lang pero siguro dapat hindi ako umoo.

"Good. Oh eto binubura ko na ah!." napatingin ako sa ginagawa niya.

Parang ang sama ko ata. Ipinagpalit ko ang kasiyahan ng kapatid ko para sa isang halos walang kwentang video. Parang mali eh.

Double TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon