CHAPTER 11: ANOOO!!!
Cindy's POV
Nakabalik kami sa bahay ng matiwasay. Haha maka-bahay ako parang amin ah. Amin ni Yuan, pinatayo niya para sa magiging pamilya namin. Haha kung magiging kami.
Ouch. Ang sakit palang mangarap lalo na kapag alam mong hindi magkaka-totoo.
Pumasok kami sa bahay nila Travis ng nakapasan ako sa kanya. Ini-upo niya ako sa upuan sa sala.
"Anong nangyari dyan?." tanong sa kanya ni Jude.
"Umakyat ng puno, mababa lang naman. Pero sadyang t@ng@ siya, ayun natapilok sa sanga, na out of balance at nahulog. Tss. Pasalamat siya nasapo ko siya kung hindi siguro bali buto niyan. Pero dahil sa natapilok siya namamaga paa niya. Teka kukuha lang akong yelo sa ref. " mahaba-habang paliwanag niya. Tss. Edi ako ng shunga.
Inilagay niya yung yelong kinuha niya sa ref sa panyo niya at idinampi sa paa ko. Ang galing din niya eh. Kapag napapahamak ako na siya ang kasama ko, siya din ang gumagamot sa akin. Tulad nalang nung nakipag-deal ako sa kanya about dun sa mission namin.
Nang matapos niya nang gamutin yung paa ko ay umupo siya sa tabi ko. Nagkakwentuhan kami at ang bilis lumipas ng oras. Hapunan na pero wala pa rin yung dalawa. Saang lupalop na kaya ng resort napunta yung mga yun. Kumakain na kami ng may dumating. Kadadating lang nilang dalawa. Ang lapad ng mga ngiti at take note holding hands pa.
"Saan kayo nagpunta?." tanong ko.
"Ayun lagot, yari sa Ate niya oh."
"Patay ka, hot seat ka ngayon."
"Ang sweet!." komento nila.Putik isang tanong palang iyon na agad mga sinabi nila. Pano pa kaya kapag marami na.
"Mamaya na tayo mag-uusap, kumain ka muna." sabi ko ng seryoso.
"LAGOT!." sabay-sabay nilang sabi.
Nag-pout naman siya. Dumiretso silang dalawa sa lababo at naghugas ng kamay. Sabay upo sa harap ng hapag-kainan.
Hoo!, dugo ilong!, ang lalim ng tagalog.
Kumain lang ulit kami. Pagkatapos kumain nagkayayaan na mag-bonfire sa labas. Nagpunta nga kami, kahit gabi na naghanap parin sila ng kahoy. Haha mga adik.
Nung nakahanap na ng kahoy, inapuyan na. Umupo kami sa gilid kanya-kanyang upo palibot sa bonfire. Nagkakwentuhan at nachibog pa kami. Ay kakausapin ko pala si MJ kung san sila nagpunta.
"MJ san kayo nagpunta kanina?." tanong ko sa kanya.
"Yun oh kala ko nakalimutan na oh!."
"Patay!."
"Lagot!."Boom panes!. Ayan na naman sila...
"Ah!. Nagpunta lang kami sa may batuhan, dun sa banda dun. Nanuod kami ng sunset... Ah.. guys may sasabihin kami sa inyo." pagpapaliwanag niya. Teka may sasabihin daw sila ano kaya yun.
"Ano?." tanong namin.
"Ah.... Kami na!." sabi nila na ngiting-ngiti.
"ANOOO?!!!." naisigaw ko dahil sa gulat. Napatingin naman ako kay Yuan. Parang wala lang sa kanya pero sakin big deal na big deal.
Ang gulo ko din eh noh. Sino ba talaga si Art o si Yuan. Tsk tsk.
"Hoy Yua...." hindi ko natapos yung sasabihin ko nang magsalita din siya.
"Shut up will you." sabi niya.
Ouch. Akala ko di yun big deal sa kanya. Masyado pala siyang naapektuhan. Ang harsh eh.
Pano na ang misyon namin. Hindi manlang kami nagtagumpay. Pano pa kaya ngayon na sila na.
Sa kabilang banda..... Masyado akong nasaktan sa sinabi niya.
Ouch.......( ¡ ^ ¡ )
-------------------a/n-------------------
Haha sabaw...
Guys penge ulit votes.
Dedicated to kay A's.
Haha.