CHAPTER 10: SAMPALOC / MANGGA
Cindy's POV
Nagtagal pa kami sa beach ng ilan pang oras. Ang saya sana kaso ang daming mga linta sa paligid, mapa babae at lalaki. Tulad na lang nito. Nag-swimming ulit kami. Umupo lang ako sa mababaw lang, pinapanuod ko lang silang lumangoy ng may lumapit sakin.
"Hello miss." sabi ng tumabi sakin. Pagtingin ko, Putikkk. Sa dinami-dami ng pwedeng lumapit sakin, itong pang mukhang adik at manyak. Okay pa sana kung mala Kim Myungsoo, Park Jimin o kaya mala Brad Pitt. Pero hindi eh!, ang layo!. Sorry kung ang taas ng standards ko ah, pero mga ganun kasi type ko eh. Haha.
Di ko na lang siya pinansin. Tss. Magsasayang lang ako ng oras kapag kinausap ko siya.
"Ang snob mo naman. Kala mo kung sino kang maganda. Okay ka sana eh, sexy na maganda pa. Ang kaso isnabera ka naman. Dyan ka na nga." sabi niya sakin.
Aba matindi siya pa nainis ah. FC na nga, pangit pa!. TSE!!!.
Nairapan ko na lang siya sa isip ko. Inis eh!.
-------
Yun ang nakakainis.
Nang makabalik na kami sa bahay nila Travis eh kanya-kanyang upo sila. Umupo din ako sa sofa ng may maalala ako.
Pumunta ako sa kwarto ko at hinalughog ko yung bag na dala ko.
"Yes!, buti hindi nilanggam." sabi ko sa sarili ko.
Bumalik nako sa sala at umupo sa kanina kong pwesto. Binuksan ko na yung plastic. Kumuha ako ng isa sabay tanggal ng balot.
"Ano yan?." tanong sakin ni Faith.
"Sampaloc. Gusto mo?." alok ko sa kanya.
Kumuha siya ng isa sabay kain. Napangiwi naman siya.
"Ang ashim." sabi niya habang mukhang asim na asim nga.
Tinawanan ko lang siya. Lumapit sakin si Mac sabay kuha ng tatlong sampaloc. Nakalimutan ko mahilig nga din pala siya sa ganto. Ni hindi man lang nanghingi basta kuha nalang. Pero ayos lang.
Oo, Ito yung binili ko sa tindahan na malapit sa subdivision namin bago kami umalis. Mga tatlong balot yung binili ko. Dahil sa mukhang gusto talaga ni Mac kahit na medyo napapangiwi siya eh binigyan ko na siya ng isang balot.
"Yun oh!, tankyu." sabi niya na ang lapad pa ng ngiti. Putik na yan nabudoy na ata.
Nginitian ko na lang siya. Ngumata lang ako ng ngumata ng napansin kong wala si MJ.
"Uy nakita niyo ba si MJ." tanong ko sa kanila.
"Ah si MJ ba. Lumabas sila, medyo, magliliwaliw lang daw." sagot sakin ni Julie.
Pinuntahan ko si Yuan at sinabing sumunod kami sa dalawa. Lumabas nga kami sa bahay at hinanap sila pero di namin makita kaya gumala nalang din kami. Napunta kami sa part na mapuno. Hindi ka naman maliligaw dahil hindi naman ito malayo sa bahay. Naglakad pa kami ng makakita ako ng puno ng mangga. Ang baba parang ang sarap akyatin.
"Oy Yuan punta tayo dun oh." sabi ko sa kanya sabay turo dun sa puno. Bigla niyang tinabig pababa yung kamay ko.
"Wag kang magturo baka mamatanda ka. Tss." sabi niya sakin. Naniniwala pala siya sa ganun.
Hinitak ko na siya malapit sa puno.
"Diyan ka lang ah." sabi ko sa kanya sabay akyat sa puno. Nag-ala unggoy nako. Marunong akong umakyat ng puno noh. Mababa lang naman kaya pag nahulog ako, bali lang ang abot ko.
"Hoy! baka mahulog ka!." sabi niya sakin.
"Pag nahulog ako, sasaluhin mo naman ako diba!." sigaw ko sa kanya. Medyo, double meaning yung sinabi ko.
"Konsensya ko pa kung mahulog ka dyan!. Bumaba ka na dyan!." sabi niya sakin.
"Oo na!." sigaw ko. Pababa na ko ng mamali ako ng apak. Natapilok ako sa isang sanga at na out of balance.
"KYAAAHHH!!!." napapikit nalang ako at napahawak sa mukha. Hinihintay ko nalang na maplakda ako sa lupa. Pero wala akong naramdamang impact kundi mga braso ang nakasapo sakin. Idinilat ko na ang mga mata ko. Nakita ko ang mukha niya na alalang-alala. Shems ang gwapo.
"Okay ka lang ba?." tanong niya sakin. Napatango nalang ako.
"Thank you." Unti-unti na niya akong ibinababa. Pagtapak ng kanan kong paa. Putspa, ang sakit. Hinayaan ko nalang, naglakad nako kahit na masakit. Lakad lang ako ng lakad kahit paika-ika nako.
Nagulat ako ng lumuhod siya ng patalikod sa harap ko.
"Bakit?." tanong ko.
"Pasan na. Halata namang masakit yang paa mo kasi paika-ika kang maglakad." sabi niya.
"Okay lang?." tanong ko.
"Luluhod ba ako ng patalikod sa harapan mo kung di pwede?." sabi niya. Papakipot pa ba ako. Syempre papasan nako, mayayakap ko pa siya pag ginawa ko yun. Haha manyak lang.
Pumasan nako sa kanya. Hindi ko gaano hinigpitan yung pagkakayakap ko sa leeg niya, baka masakal eh.
Naglakad na siya pabalik sa bahay.
"Ayos ka lang ba?." tanong ko. Baka kasi nabibigatan na siya sakin. Siya naman ang mabalian.
"Oo, hindi ka naman mabigat eh. Ang gaan mo nga lang, para kang bata." sabi niya. Parang sinabi niyang payatot ako. Tama lang naman katawan ko eh. Hindi mapayat hindi rin mataba, tama lang.
"Mas hindi ka okay sakin. Diyan ka lang wag kang malikot. Ayokong mas lumala pa yang sakit ng katawan mo." sabi niya.
Anu daw?, ayaw niyang lumala yung sakit na nararamdaman ko. Ang bait niya naman. May care pala siya sakin kahit papano. May care sa sakit na nararamdaman ng katawan ko...
Pero yung sakit at kirot na nararamdaman ko sa puso ko.Wala......
-------------------a/n-------------------
Medyo sabaw ang update. Medyo madrama rin. Haha. Sensya na po.
Pengeng votes.
Dedicated to kay LJanee.
Lovelots mga dude. <3