Prologue

6.3K 118 10
                                    

"Ano? Kahit yata magpaganda ka diyan walang kukuha sa 'yo kasi wala kang laman. 'Yung gusto ng mga lalaki ay 'yung matambok ang puwet at malalaking suso."

Kanina pa salita ng salita ang hepokrita kong kaibigan. Nandito kami sa isang daan naghihintay na may kumuha sa amin. No joke. Iba talaga ang naiisip naming kalokohan kaya kami nandito. Naghihintay na may kumuha sa amin kahit hindi naman kami mayaman.

"Tumahimik ka nga baks, wala talagang kukuha sa atin dahil ang ingay mo," inis kong sabi sa kaniya.

"Kunin mo na lang kaya 'yung offer ng lalaki sa'yo. Pa-virgin ka pa kasi, kung ako 'yun tatanggapin ko talaga ng buong-buo."

"Hindi ko pa nga nakikita 'yung lalaking 'yun. Bakit ba kasi ayaw niyang magpakita? Pangit ba siya?" tanong ko dahil sa kahit anong request kong pagpapunta sa lalaking 'yun ay hindi pumapayag. Tanging 'yung secretary niya lang ang pumupunta.

"Malamang sa malamang gwapo 'yun. Tingnan mo naman ang secretary. Mahihiya ka na lang mag-utos doon," sagot niya. Naupo siya sa malamig na semento kaya ginaya ko na rin siya. Hindi naman madumi rito dahil madumi naman na kami.

"Kukunin ko 'yun kapag sinagot mo 'yung manliligaw mong si Ben," natatawang sabi ko.

Ayaw na ayaw niyang pinagduduldulan siya sa manliligaw niya dahil ayaw niya ng politikong jowa.

"Sige huwag mo na lang palang tanggapin 'yung offer."

Natawa kami pareho sa sinabi niya. "Gago ka talaga," sabi ko.

Natigil kami pareho nang may tumigil na isang putting van sa gilid namin. "Hala, ito na yata 'yun baks," excited kong sabi kay Ara. Kita ko rin ang nagniningning niyang mga mata habang nakatingin sa van na nasa harap namin.

"Pasok na tayo, gaga," sabi ni Ara at tumayo na. Tumayo na rin ako pinagpagan ang dumi sa katawan ko. Nakakahiya namang pumasok kami at umupo roon na madumi ang mga damit namin.

"Let's go," aya ko sa kaniya at nauna ng pumasok. Pumasok kaming dalawa sa loob at gulat na gulat kami nang makita ang loob.

"What the ---!" sigaw ng isang lalaki. Wala siyang pang-itaas na damit habang nanliliit ang mga matang nakatingin sa amin. "Tell me, I'm just imagining," dinig naming sabi niya sa sarili.

"Mukhang hindi yata ito kidnap baks," mahinang sabi ko kay Ara. Amoy na amoy ang alak sa buong sasakyan at maraming mga bote ng inumin ang nandito.

"Magpapa-kidnap lang po sana kami," walang hiyang sabi ni Ara.

Tumago rin ako bilang pagsang-ayon. "Magaling po kaming gumiling pero dapat po isa lang sa amin ang kunin niyo pero pwedeng dalawa kami kung may pinsan or kaibigan ka na pwedeng gilingan namin," offer ko. Parang nakikipag-usap lang ako sa isang client at pinipilit itong bilhin ang mga paninda namin.

"Are you out of your mind?" tanong niya at napahilot sa noo niya. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi nito. Kinuha ko ang kamay niyang mina-massage ang noo niya at ako na ang nag-massage noon.

"Pwede rin po kaming maging massager, Sir," pilit ko sa sarili.

Kita ko ang pagtitig niya sa mga mata ko na parang tinitingnan ako kung nagbibiro lang ba ako. Hindi kaya ako nagbibiro, Sir.

Hindi siya sumagot at pumikit na lang kaya pinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa kaniya kasi hindi naman siya nagreklamo. "Upo ka na," utos ko kay Ara.

Umupo siya sa upuan na nasa harap namin. Saka pa lang namin naramdaman ang mahinang pagtakbo ng sasakyan. Sabay kaming sumigaw ni Ara nang maramdaman iyon. "Ayos ah," sabi niya.

Ilang oras din ang biyahe namin at napagod na ako kakamasahe kaya humiga na lang din ako katabi niya. May maliit na bed siya sa van na ito kaya tumabi na rin ako.

Naramdaman kong umusog siya pero hindi na nagsalita. Asus. Pa-what what pa kanina pero gusto naman pala.

"Gising na. Nandito na tayo," gising ko sa katabi ko. Hindi na kasi tumatakbo ang sasakyan. Hinalikan ko siya sa leeg para magising na kasi ang hirap niyang gisingin.

"Nandito na tayo," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Nauna ng lumabas si Ara at dinig na dinig ko ang sigaw niya. "Hindi na masakit ulo mo ano? Ako kasi masakit kamay ko," sabay pakita ko sa kamay kong malinis.

Hindi siya nagsalita at sinuot lang ang damit pang-itaas. Hindi ko mapigilang mapatitig sa katawan niya kahit yakap-yakap ko naman 'yan kanina.

Nang lumabas siya ay sumunod na rin ako. Wala na si Ara sa labas. Ngayon alam ko na kung bakit ang ingay ni Ara kanina. Napakagandang bahay naman pala ang nandito. "Hala! Parang isang syudad na ito ah," manghang sabi ko. Ang lawak ng bahay na akala mo ay maraming tao pero wala naman akong nakikita bukod sa mga puno na nandito.

"Tara na," aya ko sa lalaki. Pumasok ako sa malaking pinto at halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang sa kaniya na nakatingin lang sa akin.

"Ang ganda naman, huwag mo akong palayasin dito ha, okay lang iyong kasama ko ang ibigay mo sa kaibigan mo," paki-usap ko sa kaniya. "Bakit ayaw mong magsalita? Pangit ba boses mo? Huwag kang mag-alala dahil totoo talaga."

Pangit kasi 'yung sinabi niya kanina sa amin. Murahin ba naman kami. Dapat nga magpasalamat pa siya sa amin.

"What do you want to happen then?"

Parang nagningning lahat ng bahagi ng katawan ko sa narinig galing sa kaniya. "Ang ganda naman n'un," naiiyak na sabi ko. Kinunotan niya lang ako ng noo.

"I have offered you now. Tell me, so we can process it."

"May asawa ka na ba?" tanong ko sa mga mata niya. Tinitigan ko lang talaga ang mga mata dahil kapag nagsasabi raw ng hindi totoo ay tumitingin sa kanan.

"No, why? You want to apply?"

Bakit gan'un? Nakatingin lang din siya sa mata ko. Ibig bang sabihin wala talaga siyang asawa? Mabilis akong lumapit sa kaniya at kumapit sa masarap niyang braso.

"Kidnapin mo lang, dalhin mo ako sa iba't ibang lugar pero mas maganda sana kung dito lang muna sa Pinas kasi gusto ko pa na mag-explore rito at maranasan iyong magsuot ng swimsuit gan'un," hiling ko sa kaniya.

"Is kidnapping needs to be voluntary now?" mabilis akong tumango sa tanong niya.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon