Chapter 14

911 35 2
                                    

"Daddy ako na lang trabahuin mo," paglalandi ko sa kaniya na tumutulong kay itay na magsibak ng kahoy.

The sweats that dripping from his body is just so hot. Ang sarap atakihin kaya lang ay nandito ang tatay.

"Hindi naman ganiyan magsibak ng kahoy, Maria," kontra ni Allan na kanina pa nakatingin kay Troy at kung paano ito magsibak ng kahoy.

"Oo nga e," sang-ayon ko dahil parang ginagawa tinotorture na niya ang kahoy.

"Ganito kasi 'yun," he stood up and get the axe out from Troy's hand.

Mabilis naman akong pumunta kay Troy para hilahin siya at paupuin sa tabi ko. Mabuti na lang at may jacket akong dala kaya iyon ang ginawa kong pampunas sa katawan niya.

Nakabalandra ang mabatong katawan niya sa amin kaya minsan ay hindi ko mapigilang samaan ng tingin ang mga babaeng napapalingon at nagpapapansin kay Troy.

Kita na ngang ako ang kasama nagpapa-cute pa. Sarap suntukin ng mga mukha.

"Thank you," sabi niya pero hindi nakatingin sa akin. Nakatingin siya kay Allan nang may galit.

"Hayaan mo na para hindi ka mapagod."

Siya kasi ang nagpresenta kaya iniwan siya ni itay at umalis para tingnan ang mga tinanim.

"He wants to impress you," seryosong sabi niya. Nakita ko ang pagngiti ni Allan sa gawi ko kaya napangiti rin ako.

Napansin ko naman ang titig ni Troy sa akin na parang may ginawa akong mali. "Your flirting," sumbat niya.

"Flirting, kaibigan ko lang 'yun."

Hindi siya nagpasindak sa sinabi ko at matatalim na tingin lang ang binigay sa akin.

Pagkatapos ay tumayo siya at agad na kinuha ang hawak na palakol ni Allan at siya naman ang nagsibak.

Natawa ako ng makita ang tingin niya sa akin na parang nagpapasikat. Win na win ka na sa puso ko kaya huwag kang ganiyan daddy baka bigyan na kita ng anak ngayon.

"Gusto mong kumuha kita ng mangga?" tanong ni Allan ng maupo sa tabi ko. Kita ko ang pagtalim ng tingin ni Troy sa amin.

"May bunga na ba?"

May mangga kasi ritong pang-community kasi walang nagbabantay. Ninanakawan namin pero okay lang naman sa may-ari kasi wala naman sila.

Iyon ang rason namin noon kung pupunta kami sa bukid kasi sa mangga. Hitik na hitik kasi sa bunga. Hindi naman namin binebenta. Kinakain lang namin para sa sarili.

"Kaya mo pa ba?" panghahamon ko. Baka kasi hindi na siya marunong umakyat.

"Para sa'yo kaya ko."

Pinalo ko siya sa balikat sa sinabi niya. Tinayo niya ako kaya natigil si Troy sa pagsisibak.

"Where are you going?" seryoso niyang tanong napatingin din siya sa kamay ni Allan na hawak ang kamay ko kaya tinanggal ko iyon.

Umuusok na ang ilong ng daddy. Halatang selos na selos kaya ngumiti ako ng kay tamis sa kaniya.

"Kukuha lang makakain. Magsisibak ka pa hindi ba? Kailangan na iyan ni itay mamaya," pang-aasar ko.

Trip kong pagselosin siya ngayon. Wala naman akong gusto kay Allan pero natatawa ako kapag nakikitang nababadtrip si Troy sa kaniya.

"Alis na kami," pang-aasar ko lalo. Matalim na tingin lang ang binigay niya sa akin.

"Sa taas pa Allan!" sigaw ko dahil nasa puno na siya.

Malaki ang puno ng mangga na ito at marami ng hinog na bunga kaya iyon ang kukunin namin kasi masasayang kapag nahulog lang iyon.

"Damihan mo na lang. Ipapakain natin ito," parang ako pa ang may-ari kung maka-utos ako.

"Kapag ikaw talaga nahulog, bali ang buto mo."

"Hindi ko ba ako sasaluhin?" tanong niya.

Natawa ako sa sinabi niya at sumigaw ng hindi. Ako naman ang mababalian ng buto kapag sinalo ko siya.

"He's talking about something," nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. Nakapanghawak si Troy na nakatayo sa gilid ko.

"Tapos ka na?" tumango lang siya sa tanong ko. Parang ang bilis naman. Bago pa lang kami rito marami ang paggatong kanina.

"Don't catch him."

Kumunot ang noo ko sa seryoso ng boses niya. "Hindi naman talaga. Mababali kaya buto ko kapag ginawa ko 'yun."

"Bobo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ang cute n'un ah. Ulit nga," nagniningning na matang sabi ko.

Parang hindi ako natamaan sa sinabi niyang panglalait dahil sa cute ng sinabi niya.

"Whatever."

Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot ang abs niya. Syempre tsansing ng kaunti.

"Bilisan mo pa, Allan!"

"It sounds so wrong," komento ni Troy sa sinabi ko.

"Ang dumi ng utak mo, daddy. Baka mamaya gapangin kita e," pananakot ko.

"You can't escape from your mother."

Ak yata hinahamon ng isang 'to. Binigyan ko lang siya ng nakakalokong ngiti bago kinuha ang laman sa panungkit ni Allan.

"Nakalabas nga ako sa sinapupunan niya. Syempre makakalabas din ako sa kwarto."

"Stop disobeying your mother," inis niyang sabi. Sinimangutan ko siya. Ngayon pa lang may tumutol sa kalokohan ko.

"Hindi naman 'yun magagalit," walang kasiguraduhang sabi ko dahil alam kong magagalit talaga ang inay.

"Then we'll stop here and I'll leave you if you do that."

Nalungkot ako sa sinabi niya at napilitang tumango. "Oo na nga po," malungkot kong saad.

Tama ba naman iwan niya ako rito. Kanina lang ay lakas niyang makasabi na asawa niya ako tapos ngayon ay mang-iiwan.

"Ang sarap..."

Matamis ang mangga at nagtago rin ako para sa inay syempre. Para hindi ma-high blood iyon.

"Ano, Maria? Pinya naman?"

Umiling ako sa sinabi ni Allan. Busog na ako sa rami ng kinain ko at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Troy sa bewang ko nang marinig iyon.

"Sa susunod na lang, Allan. Baka uuwi na rin kami mayamaya lang."

Magdidilim na kasi at hinihintay na lang namin ang tatay. "Sige. Sama na lang ako sa inyo."

Tumango ako. Madadaanan lang kasi ang bahay nila.

"Ang tito?" tanong ko. Kanina pa kasi siya sa amin at hindi ko alam kung bakit hindi siya umaalis.

"Nauna na ang papa. Punta ka sa bahay?" I nodded again. May kapatid si Allan na close ko kaya madalas ay sa bahay nila ako pumupunta.

Ramdam ko ang pagtutol ni Troy sa gilid ko pero hindi na nagsalita pa. Tahimik lang nitong pinapakpak ang mangga.

I wiped the juice of mango away from his face. Ang baby ko talaga.

"You're really good at making me jealous," matalim niyang sabi sa akin.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon