Chapter 15

866 31 6
                                    

Karga sa balikat ni Troy ang panggatong. May karga rin si itay at Allan. Syempre ayaw magpatalo ng isa kaya nagdala rin siya.

Nagpaiwan ako nang nasa bahay na kami nina Allan. "I'll come back," sabi ni Troy bago umalis.

Ako lang ang naiwan kasi may dala sila at kailangan pang ilagay sa bahay. Malaki ang bahay nina Allan. Medyo may kaya rin kasi sila sa buhay.

"Maria!" sigaw ni Ate Aira. Niyakap niya ako ng mahigpit. Buntis siya kaya ramdam ko ang umbok ng tiyan niya.

May boyfriend naman 'to at ilang taon na rin sila.

"Ate ang laki na," natatakot kong sabi baka malaglag ang tiyan niya. Takot talaga ako sa mga buntis. Ako lang naman ang isang anak kaya hindi ko alam kung ano ang feeling ng may buntis na kapatid.

"Kabuwanan ko na. Kunin kitang ninang."

Nakita ko ang boyfriend niyang nasa sofa nakaupo. Mabait naman ang boyfriend ni Ate kaya lang ay nakakahiyang makipag-usap sa kaniya.

Mayaman kasi iyan. Anak ng Gobernador kaya ayaw kong makipaglaban sa English kasi hindi nakaka-intindi ng tagalog kahit na ilang taon na sa Pinas.

"Ang ganda ng magiging anak mo Ate kasi ang ganda mo, walang halong bola iyan," paninigurado ko kasi baka mamaya sabihin na naman ang hilig kong mambola.

"Ikaw talaga. Ano, kumusta na kayo ng kapatid ko."

"Okay lang naman," sagot ko sa kaniya. Kakakita pa nga lang namin ni Allan kanina.

"Mahina talaga. Magtatagal ka ba rito? Pagluluto kita."

Umiling ako sa kaniya kahit gusto ko ulit na makatikim ng luto niya. Paano naman si Troy. Napakamahiyain pa naman n'un at saka ayaw kong magkasama sila ni Allan baka mamaya ay magsuntukan pa.

"Uuwi na rin kasi ako, Ate. Tutulungan ko pa ang inay sa bahay. Salamat na lang po."

Tumango siya at hinaplos ang tiyan niya. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Ang laki talaga baka mamaya ay puputok iyong tiyan niya.

"Baliw ka talaga. Sa susunod ganito ka na rin naman."

"Ayaw ko pa pong mabuntis, Ate. Nakakakaba kaya kapag may dala kang bata sa ilalim. Baka mahulog."

Natawa siya sa sinabi ko at napatingin sa likuran.

"Oh! Allan, hatid mo na itong si Maria."

Napalingon din ako sa likuran ko. Sa likod ni Allan ay ang tahimik na si Troy. Parang galing sa suntukan ang dalawa sa busangot na mukha.

"May sundo po ako, Ate. Asawa ko," kinikilig kong saad habang nakatingin kay Troy. Kita ko ang pagningning ng mata niya sa sinabi ko.

"Pighati. Oh siya sige at baka matagalan pa kayo rito."

Nagpaalam na ako sa kanila. "Kilig ka naman," pang-aasar ko kay Troy.

Pumulupot ang kamay niya sa bewang ko kaya kulang na lang ipagtulakan ko ang sarili sa kaniya.

"Mabaho ba ako?" tanong ko sa kaniya. Syempre bilad na bilad ako kanina sa araw at baka mabaho ako. Dikit na dikit pa naman siya sa akin.

"Yeah."

Sinapak ko agad siya sa sinabi niya. Walang filter ang bibig nito. Ang bastos hindi man lang nagpaligoy-ligoy.

"Inay, ang sinaing mo po sunog na!" sigaw ko ng makapasok sa bahay. Hindi naman ako nagsisinungaling kasi may amoy sunog na talaga.

"Hay naku! Oo! Huwag kang sumigaw diyan at nagugulat ako," sigaw niya sa akin.

Huwag daw akong sumigaw pero sumisigaw naman siya. "Sabay tayong maligo, gusto mo?"

He shook his head at naupo sa upuan naming gawa sa kahoy. Parang ang tanga lang kasi may guard na nagbabantay sa bahay namin sa labas.

Akala mo naman talaga mayaman kami e kahoy nga lang ginagamit namin pangsaing.

"Nagpapaka-good boy ka naman. Huwag kang mag-alala pasok na pasok ka na sa kweba ko-- ay sa puso ko pala," nakangiting saad ko.

"You're so naughty. Take a bath, you stink already," pagtataboy niya sa akin. Inamoy ko na naman ang sarili ko dahil sa sinabi niya.

Hindi naman ako mabaho ah. "Panis ba laway mo?"

Hindi niya ako pinansin at lumabas ng bahay. Sige ka, magsama kayo ng itay.

Naligo muna ako bago lumabas ng bahay para tawagin siya. "Tapos na ako. Pwede mo na akon--"

"Ano 'yun?" putol ni inay sa sinabi ko.

"Wala po inay. Sabi ko gutom na po si tatay," napalingon naman si itay ng marinig ang pangalan niya.

"Paliguin mo muna iyang kasama mo bago tayo kumain."

Mukha ba talagang ginayuma ko si Troy? Ayaw niya talagang maniwala sa sinasabi ko. Sa tingin niya yata nagbibiro lang ako.

"Inay, manugang niyo na ho siya," pilit kong pagpapaintindi sa kaniya.

"Manahimik ka nga. Nangangarap ka ng gising e," inis nitong sabi sa akin.

Malungkot akong tumingin kay Troy na napangiti sa sinabi ng nanay. "Sige punta na lang ako kay Allan."

Naglakad ako palabas ng bahay pero hinigit ako ni Troy. "I'm here and you're looking for another man?"

Bahid ang hinanakit sa boses niya. "Ano ba kita? Ha? Hindi ba nga ginayuma lang kita," malungkot kong saad.

Nagpapaawa sa kaniya.

"You bewitched me, so you are responsible for me. You own me."

Nagningning ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Agad ko siyang ninakawan ng halik habang wala pa ang inay at itay.

"Talaga?"

He nodded at me. "Sige, okay daddy. You are now my prey," I laughed at myself. You are my slave dapat iyon pero okay na rin iyong prey.

Kinakain ko naman siya ng buhay.

"Only if you stop talking to that man."

"Allan?" tanong ko dahil wala naman akong kinausap na ibang lalaki bukod sa kaniya at kay tatay.

"Yes. That bastard."

"Mabait kaya iyon, daddy. Tinutulungan niya nga ako noon sa mga assignment ko at nililibre niya rin ako," pagtatanggol ko kay Allan.

Mabait naman talaga si Allan sa akin noon pa man.

"With intention. He did it because he has intentions for you."

Umiling ako sa sinabi niya. "Wala nga. Mabait lang talaga si Allan. Try mo rin siyang kaibiganin malalaman mong mabait talaga siya."

"We are not going to be friends. He is my rival. I don't let enemies to be part of my plan."

"Ang seryoso naman. Bahala ka basta mabait si Allan."

Parang nawala ang pasensya niya sa sinabi ko. "Then I can't be your daddy."

"Sige na nga, daddy," kunwaring napilitan ko. Hindi ko pa rin itatakwil si Allan.

"Remember you are only mine, baby girl."

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon