Chapter 13

948 39 8
                                    

Akala ko ay magiging masungit si nanay pagdating kay Troy pero parang tuwang-tuwa pa siya.

"Nay, walang gayumang nangyari," pilit ko sa kaniya. Kanina niya pa sinasabi na ginayuma ko raw si Troy. Si Tatay naman parang naniwala na rin.

Kumakain na kami ng hapunan. Nagpabili si Troy ng pagkain sa kasama namin kanina dahil wala naman kaming ulam. Mahirap lang naman kami.

"Paano ba mawala ang gayuma?" ignora sa akin ng inay at tinanong ang itay.

Nagkibit-balikat lang ang itay at nagpatuloy sa pagkain. Kami munang apat ang nauna kasi medyo may kaliitan ang mesa namin.

"Kaya mo lang 'yan nasasabi kasi ginayuma mo rin ang itay," paratang ko.

Kita ko naman ang panliliit ng tingin ni inay sa akin. Oh hindi ba, tama ako.

"Huwag ka na ngang maingay," inis niyang sabi. Siya lang kaya ang maingay.

Tahimik lang na kumakain ang itay at si Troy. Kami ni inay lang yata ang maingay. Paano ba naman kasi hindi matigil-tigil sa paratang na baka ginayuma ko si Troy.

"Oh? Saan ka matutulog? Sa kwarto ka namin ng itay mo," masungit na sabi ni inay ng pumasok ako sa kwarto ko habang hila-hila si Troy.

"Inay, hindi na ako bata. Kaya ko na ngang gumawa ng bata."

Sa sala lang matutulog ang mga bodyguard. 'Yung iba naman ay nagbabantay sa labas akala mo naman talaga mananakawan kami e wala naman kaming gamit dito.

"Huwag mong pinapakulo ang ulo ko. Sa kwarto ka!"

Tumingin ako kay Troy na parang napapangiti na dahil sa narinig. Gusto niya ring hindi ako makasama matulog kasi takot na galawin ko siya.

Hinalikan ko siya sa labi bago kumaripas ng takbo papasok sa kwarto ng inay at itay. Dinig ko rin ang sigaw ni nanay nang makita ang ginawa ko.

"Sa harap ko pa talaga!" galit niyang sigaw. Natatawa lang akong humiga sa kama.

Ako lang ang anak dahil hindi na sila nabiyayaan pa. Kaisa-isang anak na maganda.

"Ano na naman ang ginawa mo?" tanong ni itay ng pumasok sa kwarto. Bagong ligo siya dahil sa galing pa siyang bukid.

"Wala po. Gusto mo ng masahe tay?" tanong ko. Palagi kong minamasahe ang itay noon kapag galing ito sa bukid kasi hindi naman biro ang trabaho niya roon.

"Ikaw talagang bata ka. Mamaya madamay na naman ako sa pagagalitan ng inay mo."

Humiga siya sa tabi ko kaya bumangon ako para magmasahe. Swerte pa rin ako kahit na mahirap lang kami ay mayaman naman kami sa pagmamahal.

"Oh? Saan ka pupunta?" nagising si inay pero parang hindi man lang inaantok ang boses niya. Parang binabantayan lang ako nitong gumalaw.

"Iinom lang po ng tubig," palusot ko.

"May tubig diyan sa mesa, kinuhanan na kita. May arinola na rin diyan kung gusto mong umihi."

Padabog akong bumalik sa pagkakahiga. Grabe talaga ang inay.

"Akala ko ba iinom ka?"

"Nawala po. Parang nagugutom na ako nay," walang kwentang palusot ko. Marami akong nakain kanina kaya alam kong ang hirap paniwalaan pero iyon ang lumabas sa bibig ko.

"May biscuit din diyan sa mesa."

Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Lahat na lang nasa mesa. Gusto ko kayang kumain ng hotdog at pandesal.

Bumalik na lang ako sa pagtulog.

"Nako, maghinay-hinay ka sa anak ko. Maraming kalokohan pa naman iyon. Hindi ka ba talaga napipilitan lang na samahan siya rito?"

Kalalabas ko lang ng kwarto nakakairitang boses agad ni nanay ang narinig ko.

Tama ba namang siraan ako kay Troy. Mahirap ba talagang paniwalaan na nabihag ko siya sa ganda kong ito?

"No, ma'am. It's my will."

"Mabuti ng magkaliwanagan tayo. Baka mamaya mabuntis mo ang anak ko, tarantado pa naman 'yun."

Natawa ako ng makitang nasamid si Troy sa sinabi ng nanay. "Ano? Okay ka lang ba? Magdahan-dahan ka kasi sa pag-inom ng kape wala namang aagaw sayo niyan."

Nagpakita na ako sa dalawa baka ano pa ang masabi ng inay. "Anong gusto mong kainin?" masungit na tanong ng inay sa akin.

Kanina lang parang concern siya kay Troy tapos sa akin nag-iba na ang ugali.

Pero maalaga talaga ang inay. Maldita na maalaga.

"Pandesal po at hotdog," nakangiting sagot ko. Parang walang malisya naman kay inay iyon pero pagtingin ko kay Troy ay alam niyang umandar na naman ang kalokohan ko.

"Huwag na pala nay. Salo na lang po kami ni Troy," sinamaan lang ako ng tingin ng inay.

"Huwag mong masira ang araw ko, Maria at baka anong magawa ko sa'yo."

"Ang baboy nay."

Hindi tamang tawagin niya akong Maria sa harap ni Troy. Okay na 'yung Mariana kasi maganda naman pakinggan.

Hindi kasi bagay ang Maria kasi hindi naman ako Maria Clara kung kumilos.

"Kumain ka na at puntahan mo ang itay sa bukid."

"Opo."

Masayang pumunta sa bukid kasi maraming prutas doon. Hindi nga lang amin.

"Ano na? Hindi pa nga tayo nangangalahati," pang-aasar ko kay Troy.

Hindi namin ginamit ang sasakyan niya kaya naglakad kami. Nakalimutan ko rin kasing sabihin sa kaniya na mag-pants.

Kaya ayun tumitigil siya para tanggalin ang mga dumi sa legs at may mga sugat na rin ito.

"Kawawa naman ang, daddy. Hindi bale, may premyo ka sa akin kapag wala ang inay at itay sa bahay."

"You're not a good influence to the young people."

"May sinabi ba akong mangangampanya ako?"

Nag-peace sign na lang ako nang sumama ang titig niya sa akin. Ito naman hindi mabiro.

"Halika na nga."

Humawak ako sa braso niya para magkasabay kami. Hindi naman siya tumutol pa. Sakto wala ang inay. Wala namang paki-alam si tatay kasi may tiwala naman siya sa akin.

"Your mother will get mad if she saw you flirting."

Maka-flirting naman 'to. Hindi kaya ito flirting. May kasamang pagmamahal kaya ito.

"Itay!" sigaw ko.

Napatingin sa amin ang mga kasamahan ni tatay sa bukid.

"Riana!" nanlaki ang mata ko nang makita ang kaklase ko noon. Asenso na ito dahil tapos na sa pag-aaral.

"Oh ano na Allan? Kumusta na negosyo natin?" tanong ko nang makalapit sa kaniya.

Mabilis naman niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Ang tagal mong nawala," parang hindi makapaniwalang sabi niya. Para namang ilang taon akong nawala.

"Hindi pa nga ako nag-iisang taon ng mawala ako," pabalang kong sagot.

"Why did you leave me?" ani ng boses sa likod ko.

Ito namang si daddy selos agad.

"Si Allan," pakilala ko kay Troy.

"Yeah, I've heard," masungit niyang sagot habang malalalim ang titig na binibigay kay Allan.

"Mariana's husband."

Laglag ang panty ko nang marinig ang sinabi niya kay Allan.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon