Chapter 20

850 34 7
                                    

Halos isang linggo akong nabulok sa bahay ni Troy kaya ngayon ay sasama ako sa kaniya sa trabaho niya.

"Hindi talaga ako mag-iingay promise. Behave lang ako roon."

Tumingin siya sa akin na parang impossible ang sinasabi ko. "I have meetings so you will stay inside my office."

Malaki ang ngiti ko sa sinabi niya. Troy is different today. Bukod sa hindi siya naka-short at t-shirt, nag-iba ang awra niya suot ang pang-opisinang damit.

"Ang hot mo, daddy."

Ayos na ayos ang buhok niya. He looks handsome but hot at the same time. Ang kaunting balbas sa baba niya ay dumagdag sa kagwapuhan niya.

Parang gusto ko na lang tuloy dito na lang kami kaya lang ay alam ko namang kailangan niyang magtrabaho.

"Always."

Ang arogante talaga nito. Lakas ng amats.

"Okay lang ba itong suot ko?" I am wearing a dress. Hindi ito revealing, simple lang tingnan kaya lang ay nakakahiya para naman kaming nasa prom nito.

"You can wear any comfortable clothes you like."

Umiling ako at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin. I may be flat chested but I am hot though.

"Huwag na, ito na lang para bagay tayo."

Nang makababa kami sa sasakyan ay parang nalula ako sa taas ng building na nasa harapan ko.

"Totoo ba talaga 'to? Ikaw may-ari nito?"  mangha akong napatingin sa taas pero ibinalik din sa baba kasi nakakatakot tingnan.

Parang anytime ay babagsak iyong buong building sa akin. Hindi ko mapigilang mapakapit sa kaniya.

"Hindi ba may-ari ka? So, nasa pinakamataas na bahagi ng building na ito ang office mo?"

Para akong tanga na nakakapit lang sa kaniya. Napapatingin sa amin ang mga empleyado at bumabati.

Hindi naman ako takot sa heights. Nagawa ko ngang sumakay n'un sa chopper at tinatawanan pa si Ara pero parang iba na ngayon.

"No. I'm below dad's office."

Below pareha lang naman din iyon. Mataas pa rin.

"Troy."

Bago pa ako makalingon sa kung sinong tumawag ay nakita ko na ang paghalik nito sa pisngi ni Troy.

"Must be your new flavor of the month?" tanong nito habang nakatingin sa akin.

Nakataas ang kilay niya kaya nakataas din ang kilay kong nakatingin sa kaniya. "Hi! I'm Janna. Troy's first love."

"I'm Mariana, Troy's... Soon to be future wife," ngiting tugon ko. Binigay ko sa kaniya ang matamis kong ngiti na para sa mga plastic.

"Janna's my partner in project."

Partner? Parang iba ang ibig sabihin ng partner ng babaeng ito. Ano naman kung first love siya ni Troy?

Ibig sabihin lang n'un hindi sila para sa isa't isa kasi naghiwalay.

"Janna!"

"Tita! How are you? I am sorry I didn't visit you kasi may na-busy rin po, ngayon lang din ako nagkaroon ng pahinga sa project ko," magiliw nitong sabi sa ina ni Troy na kadarating lang.

Kasama iyong mga babaeng nakita ko sa hospital. Tatlo silang parang hindi mapaghihiwalay.

Hinalikan naman ni Troy sa pisngi ang ina niya at iyong dalawang babaeng kasama nito.

"That's okay. Your mother explained it to me. How's your project? I heard maganda raw ang feedback ng mga bigating tao sa Cebu."

"It was nerve wrecking but I am glad I did it well."

Nakatingin lang ako sa kanilang nag-uusap. "Mommy," parang ngayon niya lang napansin ang ina niyang kasama ng ina ni Troy.

"That's good. I really like you for my son."

Naramdaman ko ang paghawak ni Troy sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kanina pa pala ako nakatingin sa dalawa.

"Let's go," pumasok na kami sa elevator at pumasok din ang mga taong nasa likuran namin.

"I'll come back. I just need to be there at the meeting."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi ng mabilis. "Good luck kiss," pagdadahilan ko sa kaniya ng makita na naman ang naniningkit niyang mata sa akin.

"Yeah. Stay here. If you want to sleep there's a bed there and a kitchen too," tinuro niya ang isang pintuan sa loob ng office niya.

"Okay po, daddy."

Una kong pinuntahan ang kama at naupo roon. Malambot... Ang sarap sigurong mag-exercise rito.

Hindi mawala ang ngiti ko kapag napapatingin sa kama. Sunod kong pinuntahan ay ang kusina.

Malinis ang kusina pero walang masyadong gamit. May coffee machine at mini ref. Nang buksan ko ang ref ay agad akong napabusangot.

Alak lang naman halos laman ng ref niya. May mga chocolate akong nakikita at prutas pero mas lamang talaga ang alak.

Una nga naming pagkikita lasing siya e. Lasinggero rin itong mapapangasawa ko.

"Troy! Honey!"

Lumabas ako sa kusina para tingnan kung sino ang tumawag kay Troy. "Umalis na," walang gana kong sabi sa babaeng nasa pintuan.

Pulang-pula ang labi. Inubos yata ang isang lipstick sa labi niya.

"Oh!" sabi lang nito at lumabas na ng office.

Matapilok ka sana sa taas ng heels mo. Dibdib lang lamang mo sa akin kasi wala ka namang pwet.

Nakaupo ako sa upuan ni Troy. Feel na feel ko ang pagiging boss. Hindi ko lang ma-open ang computer niya kasi may password.

Ayaw ko naman siyang tanungin. Kaya naglalaro na lang ako sa cellphone ko. Lumang phone na raw ito ni Troy pero mukha pa namang bago.

Isang linggo na itong nasa akin. Wala naman akong pake sa mga tao kaya laro lang ang nilagay ko rito.

"Olats ako, daddy!" kapapasok niya lang. Mukhang nagulat pa siya sa naging sigaw ko.

"Hi," ngiting bati ko nang makita si secretary. Nawala lang ang ngiti ko ng may nagpakitang ulo ng aswang.

Tumayo ako sa upuan para umupo sa Troy pero I sit on his lap. Kita kong gulat siya pero binalewala na lang. "May meeting kayo?" tanong ko kay secretary.

Tipid lang itong tumango. Kita ko ang pagngisi niya sa nakikita. Inaasar si Troy sa ngiti niya.

"Yeah. If you don't mind, you can leave us. It's very important."

Tumingin ako kay Troy, humihingi ng permiso na huwag akong paalisin.

"She can stay. She won't interfere," pagtanggol ni Troy sa akin kaya binelatan ko si Janna.

Ako pa papaalisin mo. Kailangan kaya ng inspirasyon ni Daddy. Hindi naman siya ma-iinspire sa mukha mo.

"Hala! Ang laking gastos naman niyan."

Tumalim ang tingin sa akin ni Janna. "Sige ipagpatuloy niyo na."

I leaned on Troy's chest para matingnan ng mabuti ang dalawang tao na nasa harap ko.

"Hindi ka ba nagsisising naging ex mo iyang babaeng iyan?" bulong ko kay Troy.

Kita ko ang pagtigil ni Janna at matalim ang tinging binigay sa akin.

Hindi naman pala 'to bingi. Ngumiti lang ako ng nakakaasar sa kaniya.

Kung bwisit ka na sa akin mas bwisit ako sa iyong babae ka. Tama ba namang ipakita ang cleavage.

Pinatong niya pa talaga sa mesa ang dibdib niya. Nakakaasar.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon