Chapter 42

858 22 12
                                    

"Are you alright, Mom?" tanong ni Trish nang makita ang bagsak kong mga balikat. Pinilit kong ngumiti sa kaniya at tumango.

Naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin si Mench. Nandito na naman ang boyfriend niya at hindi na naman mapaghiwalay ang dalawa. Kulang na lang talaga gumawa sila ng kababalaghan sa harapan namin.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Kinuha niya ang dalawang bulaklak na hawak-hawak ko kanina pa. "I already told you, Mom. Stop receiving gifts from Uncle Patrick," medyo may inis na sabi nito sa akin.

Ayaw niya talagang tawagin na Tito si Patrick. Natawa akong tumango sa kaniya. Nilagay niya iyon sa isang storage room kung saan nandoon lahat ng mga bulaklak na bigay ni Patrick.

"May kasama ka?" tanong sa akin ni Mench nang biglang tumunog ang doorbell.

Umiling ako sa kaniya. Kung sana hindi magkahawak-kamay na umalis si Troy at 'yung walang hiyang babaeng 'yun ay baka sinama ko pa siya rito pero wala.

"Baka ikaw ang hanap. Puntahan mo na," sabi ko sa kaniya at tamad na umupo sa sofa. Nakabalik na ang anak ko at may dalang tubig para sa akin.

"You look exhausted. What happened in the café?" malumanay ang boses niyang nagtatanong sa akin.

"Nothing happened. I just need a little rest," sabi ko sa kaniya.

"I will massage you, Mommy," presenta niya at hinila ako papunta sa kwarto namin. Nagpahila ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.

"Just relax there, Mom," sabi niya sa akin kaya dumapa na ako. Inaantok na pagod. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nakita ko kanina.

Pinikit ko ang mata ko nang maramdaman ang pagsampa niya sa likod ko. "Remove your clothes, Mommy," sabi niya.

Umalis muna ito sa likuran ko kaya mabilis kong hinubad ang shirt na suot ko. Hinubad ko na rin ang bra ko. "Lock the door, Trish," utos ko sa kaniya.

"Okay, Mommy."

Dumapa ulit ako at pinikit na ang mga mata ko. Nakatulog ako ng ilang minuto pero nagising nang maramdaman na malalaki na ang kamay na nagmamasahe sa likuran ko.

Hindi ko na rin naramdaman ang bigat ni Trish sa likod ko. Isang kamay lang din ang nararamdaman kong nagmamasahe sa akin.

"Trish?" tanong ko.

Minulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang nilingon kung sino ang nasa likuran ko.

"She just went out to eat dinner."

Nanlaki ang mata ko nang makita ang seryosong mukha ni Troy. Bagong bihis na ito. Iba na ang damit na suot niya noong nandoon siya sa restaurant.

"A-anong ginagawa m-mo rito?"

Mabilis kong hinila ang kumot na nasa kama para itakip sa hubad kong katawan. Nakita ko ang nakakalokong ngiti niya nang gawin ko iyon.

"Oh? Is that you? Parang noon lang ay willing kang magpatali sa kama?"

Inis ko siyang tiningnan. Kung sana hindi niya pinakulo ang ulo ko kanina baka iyan pa ang nangyari pero ngayon ay huwag niya akong matingnan-tingnan ng ganiyan kasi baka masuntok ko siya ng wala sa oras.

Tumingin ako sa kamay niyang may sugat kanina. May bandage nang nakalagay dito. "Manang did it for me," rinig kong sabi niya.

"Hindi ako nagtanong," sagot ko naman. "At pwede ba? Umalis ka muna?"

"What? I already saw it. What changed? You were always the one who undressed yourself in front of me. You dressing up in front of me doesn't have a difference."

Nang sabihin niya iyon ay walang hiya kong tinanggal ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. Sinuot ko ang bra ko sa harapan niya bago ang shirt na hinubad ko kanina.

Tahimik lang siya habang ginagawa ko iyon. Kita ko rin ang sunod-sunod na paglunok niya kaya napangiti ako.

Umalis ako sa kama at walang sabing iniwan siya sa loob ng kwarto ko. Kita kong kumakain na ang tatlo.

"Huwag ka muna magpatali sa kama. Kailangan niyo pa munang mag-ayos," sabi sa akin ni Mench. Matalim ang tingin na binibigay ko sa kaniya.

"Mommy! Let's eat."

Umupo ako sa tabi ni Trish. "Bakit may cake?" tanong ko nang makita ang isang cake sa gilid. Si Trish ang unang kumuha noon dahil sa mukha niyang puno ng chocolate.

"Kaya nga sabi ko huwag ka munang magpatali. Ang aga-aga naman ni daddy. May cake agad."

Hindi ko pinansin si Mench at pinunasan ang mukha ni Trish.

"Oh! Daddy Troy! Tabihan mo na ang mag-ina mo."

"Mench," may pagbabantang banggit ko sa pangalan ni Mench. Tipid lang itong ngumiti sa akin.

"Sabi ko nga kakain na ako, 'di ba, babe?"

Hindi ko mapigilang umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtigil ni Troy at nakatayo lang sa gilid namin.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagpupunas ng dumi sa mukha ni Trish. Matamis ang ngiti nang anak ko habang nakatingin sa cake. "Patapon na ang cake, Mench. Mukhang panis na," sabi ko para tumigil na si Trish doon.

"But that man made that cake, Mom," sabi nito at tinuro si Troy. Tumingin ako kay Troy at kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"I thought you will call me daddy already?" tanong ni Troy kay Trish. Natawa ako roon at napainom na lang ng tubig.

"I can't call you daddy. I searched on the net when to call someone a daddy but the internet says, you can only call someone daddy if you and mom are married. Right, Mom?"

Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi ng anak ko. Sinama pa ako. "Oo kaya kumain ka na dahil hindi mo siya daddy," sabi ko sa anak ko.

"Can I borrow your place for a day or a week?" dinig kong tanong ni Troy.

Akala ko ay sa akin siya nagtanong pero kay Mench pala. Matamis ang ngiting tumango siya kay Troy. "Huwag lang sanang may masirang mga gamit kapag ginawa niyo 'yun ha? Ilang taon ba namang hindi kayo nagkita kaya alam kong may gigil talaga kapa---"

Binato ko kay Mench ang kutsara na hawak ko. Mabuti na lang at nakailag agad ito kaya hindi tumama sa mukha niya.

"Aalis na nga lang kami."

Hinila niya ang boyfriend niya palabas ng bahay kaya atomatikong napatayo ako para pigilan sila.

"Thank you! Much appreciated. I will deposit the amount in your bank account," sabi ni Troy at hinatid pa sila sa labas. Hindi ako makaalis dahil kumakain pa ang anak ko.

Paano na?

Hinatid niya hanggang sa gate sina Mench kaya mabilis kong tinakbo ang distansya ng pinto para ma-i-locked iyon pero huli na dahil mabilis na hinarang ni Troy ang katawan niya.

"Sabi ko na eh. Isasarado niya talaga. Good job! Daddy," sigaw ni Mench sa labas.

Pinapainit talaga ng babaeng iyon ang utak ko.

"You can't win with me. Better behave, baby girl."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon