Chapter 9

1.1K 37 2
                                    

"Hindi ka ba nalilito? Nakakalito kasi itong mga kasambahay mo. Bakit kasi magkakatulad sila ng damit at tangkad?"

Kumakain kami ngayon. Hapunan na at nakabantay lang sa gilid ang mga kasambahay na hindi ko narinig na nagsalita kahit kailan.

"Just eat. So we can go to bed already."

Agad na rumehistro ang gulat sa mukha mo ng marinig ang sinabi niya. "Hala! May bala ka na naman?"

"You're thinking dirty again."

"Hindi kaya nagtatanong lang kaya ako pero okay lang naman may barilan mamaya basta ba dahan-dahan lang," mapang-akit na bulong ko.

Nabilaukan siya ng marinig iyon. "Kaya ko na," sabay tabig ko sa babaeng mabilis na lumapit para bigyan ng tubig si Troy.

Hindi ba niya nakikitang ako ang malapit? Pa-epal din ang isang 'to.

"Kasasabi ko lang na dahan-dahan saka ka naman nabilaukan. Sana pala binilisan mo na lang."

Pinainom ko siya ng tubig at hinahagod ang likuran niya na may kasamang pang-aakit. Sinamaan ko pa ng tingin ang babaeng lumapit kanina.

"Bibisita tayo kay Ara?"

"Yes."

Malaki ang ngiti kong nakatingin sa kaniya. I gave him a flying kiss pero sa pag-aayos ng kaniyang damit lang siya naka-focus.

"Dito na?" manghang tanong ko kay Troy. Napakalaking bahay nito. Siguro magkasing-laki lang sila ng bahay.

"Carl don't like noisy people, so control yourself."

"Asus... Si Ara nga ang ingay n'un at saka mabait siya kaysa sa'yo." Natawa ako nang makita ang masama niyang tingin sa akin.

"Sige na. Mabait ka na po, daddy. Mabait kasi walang choice."

Nang lumabas kami sa sasakyan niya ay walang naka-abang na mga kasambahay o bodyguard sa labas. Ibang-iba sa bahay ni Troy.

Wala rin akong naririnig na ingay. Kumapit ako kay Troy nang papasok na siya. Iwan ba naman ako.

Napaka-simple lang ng disenyo sa bahay. Sa labas ay kita ang kasimplehan pero marangyang estraktura ng bahay. Gan'un din sa loob.

Walang masyadong mga gamit. Kung meron man ay minimal designs lang.

"Gulat ka ano?"

Napangiti ako ng makita ang kasiyahan sa mata ni Ara. Agad niya akong niyakap at iniwan ang ginagawang pagluluto.

"Feeling mo naman asawa ka na. Baka ginayuma mo para hindi ka pakawalan," pang-aasar ko.

Umalis si Troy nang makita ko na si Ara. "Ang dami kayang niligay kong gayuma rito para hindi talaga mawala ng mabilis ang epekto sa kaniya."

Natawa kami pareho sa sinabi niya. "Ang blooming mo na."

"Syempre. Nagpapadilig ako araw-araw. Minsan nga kain na lang ang pahinga," sabi niya at isinalin na ang niluto sa mangkok.

Adobong manok lang naman ang niluto niya. Paborito niya ang adobong manok kahit pa araw-araw niyang kainin iyan.

Hindi talaga siya magsasawa. Mas magsasawa pa siya sa mukha ng manliligaw niya.

"Kapag araw-araw may dilig siguro hindi na ako makakalakad," mahinang sabi ko.

"Daks ba baks?"

"Syempre naman," proud na proud kong sagot.

"Kinain mo?"

"Ay bastos! Syempre naman masarap naman pala."

Nakipag-apir siya sa akin. "Ako rin," pag-aamin niya. Tapos na siyang magluto at naghuhugas na lang ng pinaglutuan.

"Iyong kay secretary ba, daks rin?"

Kita kong namula siya sa sinabi ko at nagniningning ang mga matang tumingin sa akin.

"Kaya nga araw-araw may dilig."

Pagkatapos niyang maghugas ay tinawag na niya ang lalaki niya. Hindi ko na tinawag si Troy kasi alam ko namang magkasama sila.

"Kailangan talagang nagsusubuan?" Mapang-asar na ngiti lang ang binigay ni Ara sa akin. Kitang may ibang tao. Nagsusubuan pa talaga sa harap namin.

"Uwi na rin kaya tayo ng makapagsubuan din tayo," bulong ko kay Troy. Magkatabi kami kaya hinagod ko ang hita niya para tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

Mas gusto pa yata nito ang luto ni Ara pero huwag kang mag-alala, lulutuan kita ng ulam na kasing-sarap ko.

"You are back at it again."

"Ice cream lang iyong isusubo kasi. Pero pwede rin namang," tumingin ako za ibabang parte ng katawan niya na agad nitong tinakpan ng kaliwang kamay. "Alam mo na. Mas masarap kapag nagsusubuan."

He only gave me a disgusted face. Kita mo talaga itong gurang na 'to. Siya na nga binibigyan ng ideya siya pa ang aayaw.

"Talaga? Ay, bongga!"

Napagpasyahan ng dalawang lalaki na magluluto raw sila para sa hapunan namin kaya excited ako.

Kita mo na naman 'tong si Ara. Magluluto na nga ang dalawa todo kapit naman kay secretary.

"Kung ikaw na lang kaya tuhugin ng matigil ka riyan?"

"Ano ka ba baks. Matagal na akong tinuhog." Napapailing na lang ako sa kaniya.

Marahas ko siyang hinila nang makasimula na ang dalawa. Gutom na gutom na kaya ako.

"Bakla ka talaga. May mamaya pa magpigil ka nga."

"Parang nakakapagpigil ka rin ah," kinuwento ko kasi sa kaniya 'yung nangyari matapos nilang umalis. Syempre wala na 'yung sa gyera roon lang sa horror kasi may takip sa mata eh.

"Masakit nga eh."

"Kaya dapat mong sanayin ng hindi ka na masaktan pa."

Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. "Oo, hindi rin ordinaryong sukat kay Carl."

Napa-apir ako sa kaniya ng wala sa oras. Akalain ba namang pareho kaming walang experience sa gan'un at malaki pa talaga binigay sa una.

Bastos lang bunganga namin pero hindi naman kami bastos. Slight lang.

"Kapag ikaw talaga tumabi sa kaniya hindi na ako babalik dito," may diing sabi ko.

I saw her pouted pero hindi na nagsalita. Nang matapos ang dalawa ay kita ko ang pagtataka sa mukha ng secretary dahil hindi tumabi sa kaniya si Ara.

Tanging ngiti lang ang binigay ko sa kaniya. Ayaw magpalandi ni Daddy Troy ngayon kaya dapat may karamay din ako.

"What do you want?" Nagniningning na mga ang binigay ko kay Troy dahil sa sinabi niya.

"What do you want to eat?" ulit niya pero parang mas lumala pa dahil sa laki ng ngiti ko.

Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin. "Ikaw na lang. Kung anong gusto mong ibigay."

I gave him my most seductive smile. Hindi ko namalayang sa pag-uusap namin ni Troy ay naglayas na ang isa. Nakalipat na ito sa tabi ng secretary.

"Susumbong talaga kita kay Tita," pananakot ko.

Natawa lang si Ara sa akin. "Sige sumbong mo. Dalawa naman tayong pagagalitan dahil hindi tayo umuwi."

Natigil si Ara nang ma-realized kung ano ang sinabi niya.

"Ah... Eh... Nagpaalam kaming kakain lang ng hapunan sa karenderya," kinakabahang saad ko kay Troy nang makita ang nanliliit niyang mga mata.

Pagagalitan nga talaga kami nito. Ang ingay ba naman ni Ara.

"We'll leave tomorrow to meet up with your family."

"Nasa probinsya pamilya ko. Nakitira lang ako kay Ara. Ano kaya mo?" panghahamon ko sa kaniya. Malayo ang amin kaya lang ako nandito dahil syempre nagtatrabaho.

"Even if it would take me to nowhere. I'll go and meet them for you."

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon