Chapter 39

945 33 16
                                    

I tried so hard to focus on the balloons at hindi sa braso ng lalaking nasa tabi ko. Tulad nga ng sabi ko. Magaling tumira ang lalaking ito. He didn't miss a hit on the balloon. Lahat ng tinatapon niya ay tumatama. Kita ko rin ang pagkamangha ng ibang napapadaan. I can also see the fraustation look on the vendor.

Kaya nang makuha na ang teddy bear na gusto ni Trish ay inalis ko na siya roon. Sumunod din naman si Troy sa amin pero wala akong pake sa kaniya. Ang gusto ko ay mawala siya sa paningin ko ngayon. I don't even know why he is here. "What do you want to do now?" tanong ko sa anak kong yakap-yakap ang teddy bear.

Magkasing laki lang sila ng teddy bear pero ayaw niyang ibigay sa akin kasi sa kaniya raw iyon. Hindi ko na lang din pinilit baka may sabihin pa ang lalaking nakasunod sa amin. Wala na ang mga tao sa paligid kasi nasa malayong parte na kami ng peryahan. 

"Thank you, Mr.," maligayang sabi ng anak ko sa lalaking tumabi sa akin. Pero imbes na sagutin ang anak niya ay naramdaman ko ang paglapat ng mga kamay niya sa bewang ko. He slowly pulled me towards him bago ko naramdaman ang pagpulupot ng coat niya sa akin.

"Your showing too much of your skin," dinig kong bulong nito sa akin. Kita ko ang pagkunot ng noo ng anak ko sa lalaking nasa tabi ko. She even glared at me kasi parang hinahayaan ko lang na hawakan ako ng lalaking ngayon niya lang nakita.

"What are you doing, Mr.? Why are you hugging my mommy?" kunot noong tanong nito. Binitawan niya ang teddy bear na hawak niya at padabog itong naglakad papalapit sa amin. Hinila niya ako palayo kay Troy. Hindi naman nagsalita si Troy at pinabayaa lang akong hilahin ni Trish.

Bakit parang mas may utak pa ang anak ko ngayon? Why did I let myself be hugged by him? Ganiyan na ba ako karupok pagdating sa kaniya at hindi ko na naisip na may ginagawa na siya sa akin? "Me and your mommy was best of friends. We knew each other, sweetheart," paliwanag naman ni Troy pero hindi pa rin na-kontento ang anak ko sa naging sagot niya.

"I don't like the teddy bear. You can have it, and my name is not sweetheart," malditang sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papunta sa kung nasaan ang kotse namin. "Who is that man, Mommy?" tanong ng anak ko nang maglakad na kami.

Palihim kong sinulyapan si Troy at nakita kong nakasunod ito sa amin dala ang teddy bear na pinalanunan niya para kay Trish. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya agad kong binalik ang tingin ko sa harapan. Malapit na kami sa kotse namin at nakita kong may kotse itong katabi na wala naman kanina.

Alam ko na agad kung kaninong kotse iyon. No one is as wealthy as this man sa mga taong nandito ngayon sa perya. Nang makarating na kami sa kotse ay tumigil na ako kaya lang ay agad kong nakita ang iritang mukha ni Trish. Nakatingin na naman siya kay Troy.

"What are you doing here, Mr.? Are you following me and my mom?" tanong nito with her hands crossed over her chest. I want to say ang proud ko sa anak ko at talagang hindi siya nadadala ng kung sino-sino lang kaya lang ay parang ang bastos ko namang ina kung mag-gaganiyan ako sa sarili niyang ama.

"Can I say sorry? For touching or hugging your mom?" sagot naman ni Troy habang nakatingin lang sa anak ko. He is getting her trust pero mukhang malabo iyan dahil malalim pa sa bermuda triangle ang puso ng anak ko. Hindi mo agad makukuha ang tiwala niya.

"And?" tanong ni Trish. 

Nakatingin lang ako sa dalawa. I don't want to interfere their talking kasi baka mapunta sa akin ang inis ng anak ko. Mabuti nang sa ama niya mapunta ang inis niya. Naiinis din kasi ako sa ama niya. Bakit kasi siya nandito? Paano niya nalamang nandito kami?

Akala ko ay titiklop na si Troy sa kamalditahan ng anak niya pero lumuhod ito para magkasing-tangkad sila ni Trish. Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito bago tumingin sa akin. Why? Is he going to say that he is the father of Trish? Sasabihin na ba niya sa anak ko ang bagay na iyan?

I don't want to hide anything to Trish but I don't think it is the right time for that. Hindi pa ito ang oras at alam kong may oras para sa bagay na iyan. "For being not there with you?" patanong na sagot nito kay Trish. He is not so sure of what he is going to say. I can feel it how badly he wants to tell Trish anything pero may pumipigil sa kaniya.

What is it, Troy? Ano ang pumipigil para sabihin mo iyan? Ayaw kong malaman agad ng anak ko but if he will tell it wala naman akong magagawa kasi siya ang ama. It is his right by the way. Kaya it is his choice too. "Why? Are you my guardian angel?" tanong naman ng anak ko kaya hindi ko mapigilang matawa.

Sabay na lumingon ang dalawa sa akin gamit ang matalas nilang tingin kaya tumigil ako at tumingin na lang sa ferris wheel. I want to try it there kaya lang ay wala akong tiwala sa sarili ko. Baka hindi ko mabantayan nang maayos si Trish kapag natakot na ako. 

Hindi naman ako matatakutin sa heights but I am afraid for my daughter. Hindi naman pwedeng gawin ko na lang ang gusto kong gawin nang hindi inaalala ang anak ko. "Well, can I?" tanong naman ni Troy. Trish confused look is very visible.

"Mommy told that my guardian angel is my father, you are not my father. So, you can't be my guardian angel," sabi ng anak ko. Natahimik ako, the look on Troy's eyes screams hurting. Nasasaktan siya sa nasabi ng anak ko. 

"Then, can I be your father instead?" he asked again, trying to make his voice joyous but eyes never tell. Hindi iyon ang sinasabi ng mata niya.

"Mommy?" tanong sa akin ng anak ko. She said to me once. Kung may ipapakilala akong daddy sa kaniya ay tatanggapin niya. Basta galing sa akin. "Can this man be my dad?" tanong sa akin ng anak ko. Tumingin din sa akin si Troy hoping I would say yes.

I smiled at her and slowly nodded. He can be your dad because he is your father, Trish. You are his flesh and blood. You are you because of him.


A/N: Sorry po, akala ko kasi na-upload ko ito kagabi, hindi pala. Anyways, hope you like the chapter. Enjoy reading.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon