Chapter 8

1.1K 32 5
                                    

Namamasyal kami sa isang mall para raw makabili ako ng mga gusto kong damit. Feel na feel niya talaga ang pagiging sugar daddy.

"Ito kaya?" sabay pakita ko sa kaniya ang isang t-back na panty. "Mas maganda 'to para walang palya gabi-gabi miss no?" tanong ko sa sales lady na nag-assist sa akin.

Medyo may katandaan na siya. Siguro ay nasa 40s na pero maganda pa rin ang katawan.

"Yes, ma'am. I've tried it to my husband and look at us. We have 6 children already."

"Bet ko 'to. Proven and tested ni Ate. Ikaw?" baling ko ulit kay Troy na nakatingin lang sa akin at mukhang hiyang-hiya na naman sa pinagsasabi ko.

Bakit ba siya nahihiya? Ayaw niya bang malaman ng iba na active ang sex life niya? Mas kakainggitan pa nga siguro siya.

"Buy whatever you want," sabi lang nito.

Matamis akong ngumiti sa kaniya at nilagay na iyon sa bibilhin. Saka ko lang na-realized na halos lahat ng binili ko ay mga mapang-akit na damit.

"Ate salamat po sa tip. Balitaan ko na lang po kayo kapag nakabuo na kami," pasasalamat ko sa sales lady.

Nang matapos kaming mag-shopping ng damit ay pinapunta na naman niya ako sa mga sapatos.

"Anong gagawin ko riyan? Hindi naman ako lalabas ng bahay."

Pinapasuot niya sa akin ang mga nagtataasang heels akala mo naman marunong akong gumamit.

"For the events. Just choose whatever you like."

Kinuha ko na lang iyong itim pero sabi niya ay lahat na lang daw. Pinapili pa ako kung kukunin din naman lahat.

"Hindi ako mahilig sa mga bag. Wala akong malalagay," inunahan ko na agad siya ng makitang papasok na naman kami sa isang kilalang brand ng bag.

"Lahatin mo na lang kaya. Papipiliin mo na naman ako tapos ikaw lang din naman masusunod," reklamo ko.

Napagod na ako kakalakad. Parang nalibot na namin itong buong mall. Maraming mga tao sa labas pero iilan lang ang pumapasok sa mamahaling shop sa pagkakatanda ko.

Kung ako rin naman hindi ako papasok sa mga ganito. Ang mahal kaya pangkain ko na yata sa limang taon ang magagamit ko sa isang bag lang.

"Okay. We'll take it all," parang wala lang sa kaniya nang sabihin niya 'yun sa sales lady.

"Ang yaman mo talaga. Bilhan mo rin kaya ng pagkain 'yung mga bata sa lansangan na halos wala ng makain kaysa sa igastos mo sa mga ganiyan," saad ko habang mina-massage ang paa ko.

"We can do that," sagot niya at naupo sa tabi ko.

"Kargahin mo ako sa likuran mo ha. Masakit na talaga paa," umaarteng sabi ko.

Masakit naman talaga pero kaya ko pa namang maglakad. Gusto ko lang mag-inarte ngayon.

"We can get a wheelchair for you," tamad niyang sabi.

Niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang braso niya. "Sige na kasi. Papayagan naman kitang may home run mamaya," offer ko.

Syempre hindi ako magpapagalaw sa susunod na lang kapag okay na. Gusto ko lang siyang asarin kasi nakakatawa ang reaksyon niya palagi.

"I'm not asking for it. You're always the one starting then later on blame me."

"Ang cute mo," kinurot ko ang pisngi niya. "Huwag kang mag-alala ikaw na sa susunod ang mag-aaya," bulong ko sa kaniya.

Tumayo siya ng tawagin siya ng sales lady. Ang sarap tusukin ng mata n'ung babae. Akala mo naman kagandahan. May laman lang ang kaniya pero maganda pa rin ako.

"Huwag mo akong mataray-tarayan diyan baka mamaya sa impyerno ka na aabutin," seryosong sabi ko sa kaniya na mukhang natakot naman.

Umalis ito sa harapan ko at hanggang sa makabalik si Troy ay hindi na nagpakita pa ang babae.

Tahimik akong natawa dahil sa ginawa ko. Pwede na pala akong mag-artista.

"Aray ko po, ang sakit," pagpaparinig ko kay Troy ng iwan niya ako. Kita kong binigay niya ang mga paper bag sa apat na bodyguard at tahimik lang na naglakad papalapit sa akin.

"Ang sakit," pag-iinarte ko. Tahimik siyang napapalingon sa paligid bago tumalikod sa akin at umupo ng patalikod sa akin.

"Magiging sikat ka kaya huwag ka ng mag-alala riyan. Trending talaga tayong dalawa kapag nakita nila tayo," pagsasabi ko. Wala naman siyang pakialam sa sinasabi ko kasi hindi naman niya ako binibigyan ng pansin.

"Get a grief of yourself. Everybody's watching us," napalingon ako sa paligid. Ang feeling din ng isang ito.

"Sa mga bodyguard sila nakatingin. At saka nipple mo lang hinahawakan ko hindi naman sandata mo."

"What is that?"

"Ano na naman?" inis kong tanong sa kaniya. Malapit na kami sa sasakyan at ang ingay niya talaga kanina pa.

"It tickles."

Kinuha ko na lang ang kamay ko sa kilikili niya. Baka mabitawan niya ako rito.

N'ung nilagay na niya ako sa loob ng sasakyan ay nakatayo pa siya sa labas habang ang mga kamay ay nakahawak sa magkabilang bewang.

"Nabigatan ka na sa'kin niyan? Ilang kilo lang kaya ako," tanong ko. Magkaharap kami ngayon at gusto ko siyang asarin kaya lang ay baka magalit na siya.

"You've been tickling me," parang may hinanakit niyang sabi.

Inikotan ko lang siya ng mata at hinila na ang kamay. "Sige. Mamasahiin na lang kita," presenta ko na agad namang ikinailing niya.

"I am okay. No need to give me a massage."

"Takot ka lang eh. Huwag kang mag-alala hindi na kita gagalawin. Maaga pa rin naman kasi."

Natawa ako ng nanlaki ang mata niyang napatingin sa driver at isang bodyguard sa loob ng sasakyan, sinamaan niya ako ng tingin ng bumalik ang tingin niya sa akin.

"Patulog lang ah."

Tumatakbo na ang sasakyan. Hindi naman kami makikita kasi may takip kaya magagawa kong humarot ngayon ng slight.

Parang wala na siyang pake sa akin kasi inaantok na rin siya. Pumipikit na ang mga mata niya kaya nahiga na lang ako at ginawang unan ang hita niya.

Ang bango.

Ang planong panghaharot ay hindi ko nagawa kasi nilamon na ako ng antok. Nang magising ako ay nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa katawan ko at ang kanan naman ay mahinang hinahaplos ang ulo ko.

Natigilan lang siya ng magising ako pero hinawakan ko agad ang kamay niya baka kunin niya.

"Ang sweet naman daddy," namamaos pa ang boses ko dahil kagigising ko lang.

Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa labas.

Kilig na kilig naman ang lolo niyo.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon