Chapter 41

342 22 9
                                    

Nang dahil sa sinabi ni Troy ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya online. The articles are saying that he and Janna are happy together.

What does he mean by walang sabit? Hindi ba talaga sila nagpakasal?

Sinubukan kong maghanap ng tungkol sa kasal nila pero halos lahat ng nakikita ko ay tungkol lang sa engagement ng dalawa. May nakita rin akong article na bakit daw pinatagal ang engagement ng dalawa.

"Hi! Are you free?"

Napahawak ako sa dibdib ko at tumingin sa nakabukas na pinto kung nasaan nakatayo si Patrick. He is smiling at me while holding a flower again.

"Sorry... Did I surprise you?" tanong niya.

"Ano sa tingin mo? Takot ba nakita mong reaction ko kanina?" medyo may inis kong sambit habang nakahawak pa rin sa dibdib.

Mabilis ko rin na sinarado ang tab ng browser dahil sa mga sinearch kong article tungkol kay Troy. Hindi ko kailanman tiningnan o binasa lahat ng tungkol sa kaniya dahil ayaw kong dumagdag pa iyon sa iisipin ko.

"Silly. Masyado ka kasing pokus sa ginagawa mo," sabi nito at naglakad papalapit sa akin.

Unlike na malalaking bouquet ang binibigay niya ay lumiit na ito. "For my future step-daughter," sabi nito at nilagay sa gilid ng table ko ang para kay Trish.

"And... For you, of course."

Ngumiti ako sa kaniya at tumayo na. Wala naman na akong gagawin ngayon. I need to clear my mind too dahil hindi kinaya ng utak ko ang nababasa kong article tungkol kay Troy and Janna.

Sabay kaming lumabas ng office ko. Kita ko agad ang ngiti ng mga staff ko nang makita kami. Alam na alam na nila kapag nandito si Patrick. Of course, sino ba naman ang hindi makakakilala kay Patrick, ilang taon ba namang nanligaw sa kagandahan ko.

I am not closing doors for anyone sadyang wala lang talaga akong panahon pa para sa mga ganiyan. Gusto kong mapalago muna ang business ko para sa anak ko at alam iyon ni Patrick. Todo suporta naman siya sa akin.

Kung may alam akong maunawain at mabait na lalaki sa mundo, si Patrick na iyon, wala ng iba.

"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya.

Nawala sa isip ko na pupunta siya ngayon kaya nadala ko ang sasakyan ko. Babalik na lang ako rito mamaya kapag tapos na kaming kumain sa labas. Ayaw ko naman na iwan na lang ang sasakyan ko rito.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya para makapasok na ako sa loob. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya bago pumasok sa loob. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang kotse na nasa tabi ng sasakyan ko.

I guess that must be my customers car pero hindi ko lang alam ay bakit niya itinabi sa akin. The car looks expensive, nahiya naman ang 2nd hand kong sasakyan.

Patrick keeps talking about his day at ako naman ay nakikinig lang sa kaniya. Paminsan-minsang tumatango kapag kailangan niya ng opinyon o kaya naman ay nagtatanong siya.

Kanina pa kasi ako nakatingin sa labas at sa sasakyan na kanina pa sumusunod sa amin. I don't know if I am just being assuming pero parang sinusundan talaga kami ng sasakyan na iyon.

Kanina lang ay nakaparada pa iyon katabi sa sasakyan ko. Ngayon naman ay nakasunod na ito sa amin. "What do you think?" Patrick asked.

Hindi ko naintindihan kung ano ang sinabi niya. Hindi ko kasi iyon narinig dahil nasa labas ang tingin ko kanina pa. Tango lang ako ng tango kanina.

Tumingin ako sa kaniya, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa daan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay sumulyap siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Good," tanging nasambit ko sa kaniya.

He nodded at me before keeping his gaze on the road again. Hapon pa naman kaya medyo may oras pa kami para kumain sa labas.

Hindi na rin ako magpapahatid pa kay Patrick. Dala ko sasakyan ko kaya ako na lang ang mag-uuwi sa sarili ko. Tatawagan ko rin mamaya ang nag-apply kanina na yaya kay Trish.

Ayaw kong palaging dinadamay na lang si Mench sa pagbabantay kay Trish dahil may trabaho rin naman siya.

Years of going out with Patrick. Alam na niya kung ano ang kakainin ko. Hindi na siya nagtanong pa kung ano ang kakainin ko at siya na ang nag-order. Kausap niya pa ang waiter para sa mga pagkain namin.

Inikot ko na lang ang paningin ko sa buong restaurant. Medyo hindi pa karamihan ang tao ngayon kasi hapon pa naman. Siguro kung gabi ay paniguradong marami ang mga taong nandito.

Kumunot ang noo ko nang may napansin na taong nakaupo hindi kalayuan sa amin. Ano? Sinusundan ba ako ng lalaking ito?

Hindi ba siya maka-move on sa akin at kahit ilang taon na ang lumipas ay nandito pa rin siya naghahabol? Baka gusto niyang magpatali na naman?

Nawala ang lahat ng iniisip ko nang makitang may babaeng umupo sa tapat na upuan ni Troy. Mukhang kagagaling lang nito sa powder room. Nakangiti ito nang umupo sa upuan na alam kong para sa kaniya.

Naging assuming pa tuloy ako nang wala sa oras.

Inalis ko ang tingin ko sa dalawa. Hindi ko alam pero parang nawawalan ako ng gana. Nakita ko na ang babaeng iyan. Sikat siya dahil sa katawan niya.

Hindi ko naman 'yan ini-stalk pero ang mga staff ko sa café ay panay ang stalk sa babaeng iyan dahil halos maghubo at hubad na raw sa social media. Hindi naman kagandahan sadyang malaki lang ang hinaharap at medyo matambok ang mga pwet.

Hindi ako nakatiis at tumingin ulit sa dalawa. Hindi ko rin mapigilang mapatitig sa katawan ng babae. Ang sexy nga niya. Kaya hindi na ako magtataka kung mamaya ay may mangyari sa kanila.

Baka nga hindi na makalakad ang babaeng iyan dahil kay Troy. Inis akong napatingin kay Troy na nakatingin na pala sa akin. Hindi ako umiwas ng tingin sa kaniya at tinitigan lang din siya pabalik.

Akala mo yata magpapatalo ako sa 'yo.

Naputol ang titig ko kay Troy nang hawakan ni Patrick ang kamay ko. Napatingin ako roon nang hagurin ni Patrick ang kamay niya sa kamay ko.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo. Are you sure you are okay?"

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Nilagay ko rin ang kamay ko sa kamay niya. "I am, Patrick. Huwag ka nang mag-alala pa sa akin," sabi ko sa kaniya.

Sabay kaming napatingin sa napalingon sa gawi nila Troy nang marinig ang tunog na may nabasag.

Nanlaki ang mata ko nang makitang sugatan ang kamay ni Troy. Matalim ang tingin nito sa akin pero parang hindi man lang niya naramdaman ang sugat sa kamay niya.

"I need you," I heard him say.

Hindi kalayuan ang mesa nila sa amin kaya rinig na rinig ko ang sinabi niya. Patuloy pa ring umaagos ang dugo sa kamay niya. Natataranta na ang mga tao sa paligid niya pero siya ay nakatitig pa rin sa akin.

Napatingin na rin sa akin ang mga tao nang makitang nasa akin ang atensyon ni Troy.

No one uttered a word pero alam kong hinuhusgahan na nila ako. Tatayo na sana ako nang higitin ni Patrick ang kamay ko pababa.

"Stay here," sabi niya sa akin.

Tumingin ako kay Troy at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Patrick pero mabilis niyang binalik ang tingin sa akin. I saw pain in his eyes.

"He is Trish's father. Sorry..." bulong ko kay Patrick. Kusang lumuwag ang mahigpit niyang hawak sa kamay ko kanina.

Parang may dumurog sa puso ko nang makita na nasaktan siya sa sinabi ko. Hinila ko ang kamay ko at dahan-dahang lumayo sa kaniya.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Troy ay nakita kong nakahawak na ang isang kamay niya sa babae at handa nang umalis.

Bagsak ang balikat ko nang sabay silang lumabas na parang walang nangyari.

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon