I couldn't smile at him. I can't greet him. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? "Miss M, nandito po si Mr. Patrick," kinikilig na sigaw ng cashier. Si Patrick ay matagal ng nanligaw sa akin. Palagi siyang pumupunta rito kapag hapon para kunin ako at ihatid sa bahay.
May sarili naman akong kotse pero minsan ko lang iyon ginagamit lalo na kapag alam kong pupunta si Patrick. Tipid na rin sa gasoline at kahit anong gawin kong pagtanggi naman ay pipilitin pa rin naman akong isakay ni Patrick sa kotse niya para raw maayos akong makauwi.
"S-sandali lang," nauutal na sabi ko sa cashier habang nakatingin kay Troy na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. I cleared my throat and bring my poise back. Inayos ko ang tayo ko at diretsong nilagay ang bag ko sa mesa ko. My office is just really small. Parang banyo lang ito sa sobrang liit.
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa sinabi sa kaniya na umupo ay umupo na ito sa upuang nasa harapan ko. The manager slowly closed the door. I saw her mouthed that she will take care of Patrick.
"Nice place," komento niya. Inikot niya ang paningin sa loob ng opisina ko. Maraming mga tambak na papel dahil sa gusto kong nakakakuha ng report sa sales ng café. "Why Anna?" tanong niya. I froze when he asked that. Bakit ng aba ako natatakot sa kaniya?
"My name, obviously," sagot ko sa tanong niya. I almost rolled my eyes at him. Hindi ba niya alam ang pangalan ko? Parang hindi ko siya napaligaya ko rati ah para kalimutan niya na lang ng ganu'n-ganu'n ang pangalan ko dahil ang mukhang ito ay hindi dapat kinakalimutan.
"How have you been?" tanong niya. Nakatingin na siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa ako tingnan kagaya nang kung paano siya tumingin sa akin dati. There's the look of love and I know it was gone pero bakit parang meron pa rin?
"Fine," simpleng sagot ko. "What are you doing here?" tanong ko ulit sa kaniya. Paano niya nalaman na ako ang may-ari ng café na ito? Hindi ko naman sinabi na ako ang may-ari nito. At lalong hindi ko rin pinangalandakan sa iba dahil ayaw kong sumikat.
"I just happen to passed by. I got to go," sabi nito. He changed. Parang naging palangiti na siya ngayon. Not that he was grumpy before pero minsan lang kasi siya ngumiti noon at minsan lang siya makisama sa kalokohan ko noon because he thinks it is so childish.
But right now, parang ang dali na lang niyang kausapin. He looks so responsive. Hindi ako makapagsalita ng magpaalam siya dahil hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kaniya na iniwan ko siya noon. "See you," sabi nito bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
"Really? Ano iyon?" hindi ko mapigilang tanong sa sarili ko. Ano ang nangyari ngayon? Natigil ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Patrick. May dala itong bulaklak na naman. Nagiging flower shop na ang bahay ni Mench dahil sa daming bulaklak na binibigay si Patrick.
"Sino 'yu—"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may bumangga sa kaniya. Pumasok sa loob ng opisina ko si Troy. He looks a little bit playful when he went inside. Sinadya niyang banggain sa balikat si Patrick, kita ko iyon. Patrick looks irritated with what happen kaya tumayo ako.
Baka kung ano pa ang mangyari ngayon. I don't want any trouble. Ayaw kong magkaroon ng away ngayon dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Troy. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko ngayon. Ang lalaking iniwan ko noon ay nandito sa harapan ko.
Nakangiti at parang walang nangyari. "I forgot something," sabi ni Troy kaya tumingin ako sa kaniya. Irita na ang mukha ni Patrick na nakatingin kay Troy. Mas lalo lang na lumala iyon nang makitang lumapit sa akin si Troy. Nanlaki rin ang mata ko nang makitang lumapit ang mukha ni Troy sa mukha ko.
Is he going to kiss me? Pipikit na sana ako nang may binulong ito. "See you and bring my child with you. By the way, that flower looks like a flower from someone who died," sabi nito bago nakangiting tumingin sa akin.
Tipid na tango ang binigay nito kay Patrick bago umalis. "What did he whisper to you? And who is that man?" tanong ni Patrick. Palaging dalawa ang bulaklak na dal ani Patrick dahil binibigyan niya rin ng bulaklak si Trish.
For years of courting me. Hindi niya pa rin makuha ang loob ng anak ko. Kaya kilangan niyang magbigay ng bulaklak araw-araw para makuha ang loob ng bata. Minsan ay binibigyan niya ito ng regalo pero si Trish ay ayaw na tumanggap ng regalo kapag hindi galing sa akin."Uwi na tayo?" tanong ko na lang sa kaniya. Malayo ang bahay ni Patrick that's why, as much as possible gusto kong maaga akong umuwi kasi gusto kong hindi na siya magabihan pa masyado sa daan. Nakakatakot din kasi.
Alam naman niyang hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kaniya. I am not closing my heart to anyone it is just that my heart won't take anyone. Isa lang ang nilalaman ng puso ko. "Let's go, I also bought Trish a toy, can you give it to her?" request niya sa akin kaya tumango ako.
Ayaw kong sabihin sa kaniya na kahit anong gawin niya ay hindi niya makukuha ang loob ng anak ko. Alam agad ni Trish kung kanino galing ang mga regalo ko sa kaniya kasi nga hindi naman ako palaging nagbibigay ng regalo sa kaniya.
Kapag may mga okasyon lang at kapag may ibinigay akong walang okasyon ay agad na hindi niya ito tatanggapin. She doesn't like Patrick because of his looks. Hindi raw mukhang ama niya ang mukha ni Patrick. Magkaiba raw sila ng mukha kaya ayaw niya rito sa lalaki.
Paano na lang kaya kapag nagkita sila ng ama niya? Will she accept him? Magkamukhang-magkamukha ang dalawa kaya alam kong mapapansin agad iyon ni Trish. Hindi lang halata kanina dahil sa nakasumbrero si Troy kanina at naka-mask pa.
"He is kind of familiar. Parang nakita ko na siya dati," biglang sabi ni Patrick nang nasa loob ng kotse niya na kami. Of course, he is familiar. Sinong hindi makakakilala sa kaniya sa mundo ng mga mayayaman. Patrick is around their circle. The circle of elite people.
"Baka," sabi ko na lang. I can't utter a word. Parang nawalan talaga ako ng pananalita dahil kay Troy. He said he wants to see me again with his... child? Does he know about Trish?

BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)
RomanceWARNING! MATURE CONTENT... Mariana wants to be kidnapped by a billionaire! What happens if it will come true? Will she love the man that's been secretly loving her from a far? The story that will make you cry and laugh at the same time. Find out...