Chapter 21

860 31 11
                                    

"Maliit ba ang akin?"

Kanina ko pa hinahawakan ang dibdib ko ng paulit-ulit pero parang maliit talaga.

"Ara! Sagutin mo kaya ako."

Kanina pa ako dada ng dada rito tapos siya naman parang baliw lang na nakatingin sa akin at walang sinasabi.

"Kung sana ay pinadagdagan mo iyan ng isang kilong tubig ay lalaki talaga iyan."

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa babaeng ito.

"Baks. Kumusta mama mo?" pang-aasar ko. Hindi na talaga umuwi ang gaga. Akala mo naman welcome siya sa pamamahay ng secretary e nagpupumilit lang naman.

"Okay naman. Dadalaw na lang ako kapag pudpod na ang mga hanger sa bahay."

Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Ang brutal pa naman ni Tita pero mabait naman sadyang si Ara lang ang hindi.

"Inis na inis na ako sa babaeng iyon," pagsusumbong ko. Wala man lang respeto sa mga taong hindi nabiyayaan.

"Ayy... Pareho kayo. Inis din siya sa 'yo."

"Hatid mo na ako baka mamaya kung ano na naman ang ginawa ng babaeng iyon kay Troy."

Gusto ko ng bakuran kung ano ang akin kasi ayaw kong kunin ng baklang iyon si Troy.

"Walang driver dito, baks. Ano maglalakad na lang tayo? Wala akong pera e."

"Alam mo ba ang daan?" ang bobo talaga nitong babaeng ito.

"Dito na lang tayo."

Dahil hindi namin alam ang daan at wala ring driver dito. Ang yaman-yaman pero walang driver. Iyong kasambahay mabibilang lang din.

Ang laki pa naman ng bahay na ito. Kawawa ang maglilinis.

"Bawal iyan. Hindi ka pa ba satisfied sa role play niyo araw-araw?" kapag tumatawag si Troy magkatabi ang dalawa at tanging kumot lang ang nakatakip sa kahubadan.

"Baka lang kasi zero ang sex life mo."

Napagpasyahan na lang naming matulog. Syempre hindi kami natulog sa kwarto nila. Sa baba lang kami sa may sofa. Malaki naman iyon.

Mabuti na rito kaysa sa itaas na iba ang amoy.

"Daddy!" parang batang sigaw ko. Papalapit na ang pinakagwapo at pinakahot na lalaking nakikita ko sa mata ko ngayon.

"Sorry we're late. May tinapos lang kami sa opisina."

"May tinapos kamo na ibang babae," biglang pagpaparinig ni secretary.

Naniningkit ang mga mata kong tumingin kay Troy. "Ano iyan?"

Hindi naman siya natinag at hinawakan lang ang kamay ko. Umupo siya sa sofa kaya nahatak niya rin ako.

"Hindi talaga pwedeng magsama tayong apat. Wala namang nangyayari kasi iba-iba ang mundo natin," pagpaparinig ko sa dalawa na akala mo na naman sila lang ang tao rito.

Hindi na rin kami nagtagal at nagpaalam na sa dalawa. "Ang bango mo pa rin, daddy."

Hindi ako nagbibiro, ang bango niya talaga. Nakayakap ako ngayon sa kaniya. Mabuti na lang talaga at palaging hindi si Troy ang nagmamaneho.

Paano na ako makakapaglandi kung siya ang magmamaneho. Baka madisgrasya pa kami.

"Pangit n'ung Janna," sabi ko.

Bigla ko na namang naalala ang dibdib niyang pinatong sa mesa. Ang sarap tadtarin ng matigil sa pang-aakit.

"She's like that. She's a competitive woman."

Kidnapped by Mr. Billionaire with Love (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon