Chapter 19

9 1 0
                                    

Megan’s PoV

Inilahad saakin ni Keith ang kamay nya at nginitaian ako.

Ano ba ‘tong nanagyayare saakin? Bakit pakiramdam ko, sobrang gwapo nya. Tapos yung mata ko, may deperensya ata, sya lang kasi ang nakikita ng mata ko. Alam nyo yung sa mga movie? Yung tipong black yung kulay ng background namin? Mga ganon? Tapos yung ngiti nya nnagyon. Para akong tangang nakatulala sakanya ngayon. Shems, mukha talaga akong tanga.

“Megan?” Nigising nalang ako nang maramdaman kong hinawakan nya ang mukha ko habang yung isa nyang kamay ay winawagayway ito sa tapat ng mukha ko. Mukha na talaga akong wala sa sarili.

“Ok ka lang?” Alalang tanong nya saakin. Bakit tila yata ang cute nya mag alala?

“Ah! Oo naman! Ok lang ako! Ikaw? Anong ginagawa mo—ay oo nga pala Ball natin ngayong gabi diba. Oo nga pala.”

“Ha? Ano kaya mo ba? May lagnat ka? Ano?”

“Hindi, wala. Ano ka ba. Tara na!” Naglakad na ako papunta sa kotse nya sana pero hinigit nya ang wrist ko at napaharap ako sakanya.

“Ang ganda mo ngayon,” Gahd! Mas lalo pa tuloy bumilis yung tibok ng puso ko!

“Hehe, Ikaw rin naman ah!”

“Ako rin? Tsk, hindi akko maganda. Gwapo ako no!”

“Hehe, oo nga pala. Sorry naman.”

“Megan,” Tiningnan nya ako sa mata. “Diba kaya ka nawawala sa sarili kanina kasi ang gwapo ko? Tama diba?”

“Hindi! T-tara na nga!”

Third Person’s PoV

Nakarating na silang dalawa sa venue ng Ball. Pagkababang pagkababa nila ay may isang mahabang carpet papunta sa entrance. Unang bumaba si Keith at sunod naman ay si Megan. Si Megan ay papikit pikit dahil sa nakakasilaw na mga flash ng mga camera. Tama, may mga camera nga. Parang may aawardan lang diba?

Sabay silang naglakad sa red carpet habang naka angkla si Megan sa braso ni Keith.

Ang bongga ng ball na to diba?

Nang makapasok na sila ay parehas silang namangha kung anong itsura sa loob.

Tatlo lang ang kulay sa loob. Pink, red, at sky blue.

May mga nakasabit sa gilid na mga heart-shaped na mga kahoy sa mga gilid. Sa una, hindi mo mapapansing kahoy pala yung mga heart. Medyo makintab kasi. Kulay neon pink yung kulay.

May malaking heart-shaped din sa may gitna para siguro yan mamaya sa sayawan. Malaki talaga. At isa pa nga pala, hindi pwede ang mga walang kasamang girl or boy. Dapat Boy-Girl/Girl-Boy ang mag partner. Puro lang kasi mga slow dance ang I aallow na sayaw.

Napansin ni Keith na nakayuko si Megan kaya lumuhod si Keith sa tapat ni Megan na kasalukuyan ngang nakayuko. Sumilip si Keith. Nagegets nyo yung kung anong itsura nya?

“Uy! Ano ka ba! Tumayo ka nga dyan! Pinagtitinginan na tayo oh. Baka ikaw lang ata eh,” Kahit ang totoo ay hindi naman.

“Pakialam ko sakanila. Hindi ako tatayo hanggang ganyan ka.”

“Ha? Anong ganito?” Tanong ni Megan.

“Nakayuko.”

“Ah,” Umiwas sya ng tingin. “Kasi naman, first time kong umattend ng mga ganito. Nahihiya ako.”

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon