Chapter 13

35 2 0
                                    

Megan’s PoV

“San ba tayo pupunta?” Tiningnan ko si Keith pero mukhang malalim parin ang iniisip. Problema nito? Switch mode kami? Tinapik tapik ko ang balikat nya. “Huy, sabi ko, san tayo pupunta?”

“Ha?” Tamo to, wala nga sa sarili. Kanina pa yan eh, sabi nya pupunta daw kami kung saan makakalimutan ko ang problema ko. San ba yung lugar na yon?

“Anong ha?”

“Ha?”

“Ano ba! Kinakausap kita ng matino! Gusto mo bang buhusan kita ng kumukulong tubig para matauhan ka dyan?”

“Ha?” Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang nagsalita sya. “Sorry Megan, ano lang kasi. Ahmm, nag iisip lang kung saan. Pero alam ko na! Alam ko na talaga kung saan kita dadalhin!”

“Saan?” Tanong ko.

“Sa puso ko, ay mali. Nasa puso na pala kita! Ay teka, ako yung kinilig teka lang jijingel lang muna ako sa labas. Mukhang marami rami ata to!  Ako yung kinilig sa pickup ko eh! Ayos ba?” Habang sinasabi nya yan, naka poker face lang ako sakanya.

"Bilisan mo."

*****

San na ba yun nag punta?! Ang tagal nya naman! Sumilip silip ako sa bintana ng kotse pero wala pa rin sya. Aish! Baka inabutan nanaman sya ng katangahan nya. Guys, I'm not being harsh. I'm just telling the truth.

Ilang ulit pa akong tumingin at Haaay! Salamat, andito narin. Pero napansin ko ang nakangiti nyang mukha na parang may binabalak?

"Keith, Ba't ang tagal mo? Atsaka ka, anong nginingiti ngiti mo dyan?"

"Wala. Tara na." Sabi nya habang nakangiti parin. Ang cute nya kapag ngumingiti!

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Basta."

"K."

Pinaandar na nya ang kotse nya hanggang sa makarating kami sa park. Grabe naman tong park na to, sobrang peaceful. Sa sobrang pagkapeaceful, ang boring na. Walang katao tao eh. Kami lang ata nandito.

"Tara na," Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa kung saan at may nakita akong hot air balloon?

"Tara na Megan! Sakay na tayo dyan!" Tiningnan ko sya tapos tiningnan ko rin yung hot air balloon atsaka tiningnan nanaman sya.

"Sira ba ulo mo?! EH ALAM MO NAMANG TAKOT AKO SA MATATAAS Tapos papasakayin mo ako dyan?!"

"Alam ko." Sabi nya habang nakangiti ng sobrang lawak ^____^

"Oh, alam mo naman pa-- KYAAAAH! IBABA MO AKO! ANO BA!" Binuhat nya ako. Yung mga paa ko, hawak bya habang ang kamay ko naman ay pinagpapalo ang likod nya. At WAAAH! Sinakay na nya ako!

"SABING AYAW KO EH!! BABA MO AKO!! IBABA MO AKO! KEITH!! Ano ba!" Tiningnan ko sya pero tumatawa lang sya.

"Pfft! Hahaha! OA mo naman! Ako bahala sayo! Ako pa! Wag ka ngang OA dyan! Ni hindi pa nga tayo tumataas eh!"

"Eh sa takot nga kasi ako sa matataas! Eh alam mo naman yun tapos isasakay mo ako dito! Siraulo." Hindi nya lang ako pinansin at sumakay na din sya.

"Imbis na mawala problema ko, mas lalo pang  dumagdag! Takot ako dito! Keith!" Pero hindi nya ako pinapansin at inaayos lang ang hot air balloon.

Nagsimula nang tumaas ang hot air balloon!

"Wag mong itaas! Ibaba mo lang Keith! Keith! Keith, please ibaba mo lang!!" Pero imbis na bumaba, mas lalo pang tumaas.

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon