Chapter 12

28 3 0
                                    

Megan's PoV

Kinapa kapa ko ang kama kung saan naka higa si Keith pero parang wala akong makapa. Minulat ko ang mata ko wala nga sya pero may nakita akong isang sobrang kulay pink at parang inamoy ko kasi may naamoy akong mabango at oo nga, yun ngang sobre ang may pabango.

Binuksan ko na ang sobre at may nakita akong yellow pad.

From: Megan Avelarde 'Soon To Be Prado'
To: Keith 'Sobrang Gwapo' Prado

(A/N: KUNG MAPAPANSIN NYO HO, BALIKTAD YUNG FROM TSAKA TO, GANON TALAGA YUNG NAKASULAT DUN SA PAPEL. AND ISIPIN NYO NALANG SIN NA CURSIVE YUNG SULAT.)

Dear Megan Babes,

       Dikit dikit ang sulat ko kasi gusto ko maganda ang sulat. Oo na, alam ko na yang iniisip mo na panget sulat ko pag dikit dikit. Pake mo ba? Atleast nag try diba?

       Oo nga pala, GOOD MORNING! :") Ayyeeh~! Good Morning palang yan ah! Nyetang smiley yan. Nakakabakla.

       Sorry, hindi na kita ginising ah at hindi na rin ako nakapagpaalam sainyo. Sobrang himbing kasi ng tulog mo kaya unalis nalang ako kasi ayaw na kitang magising kasi alam kong napuyat ka sa pag aalaga sakin kagabi nung nagkasakit ako. Salamat talaga. Tangna, ang bakla. Pero seryoso, salamat. Magaling na ako.

       Taena, ano bang naisip ko at dito ko nilagay ang sulat ko? Sa yellow paper talaga? Ang haba pa naman nito! Sorry, kung kung ano ano nalang pinagsasabi ko dito. Sorry naman, bangag eh. Lam mo na, kakagising palang.

       Ay! Oo nga pala Megan Babes! May sasabihin ako sayo. Alam mo ba? Hihihihi(Taena, hindi ito yung pangmalanding tawa ah. Isa to sa lyrics ng kanta yung Banal Na Aso.) Pero teka, alam mo na ba? Ay, hindi pa nga pala. Eto na nga, Alam mo ba na... ninakaw ko lang tong perfume mo tsaka itong yellow paper? Pati narin itong sobre? At pati narin itong ballpen na ginamit ko? Oh, ngayon alam mo na? Wag kang mag alala, nag dasal naman ako bago ko ginawa yung krimen. Pasensya na kung mga walang kwenta ang-teka! Hindi naman ah! Gusto ko lang namang mapuno itong papel eh. Sige na, hanggang dito nalang. Nag mamahal, Charo. De, joke lang. Eto na talaga, hanggang dito nalang.

Your Gwapong Boyfriend,
Keith 'Sobrang Gwapo' Prado.

P.S Pinagisipan ko talaga nang mabuti ang mga sinabi ko dito. Halata naman diba?

P.S Gwapo ako, isn't it? Oha oha!

P.S I LOVE YOU. MAHAL KITA :* Kinilig ka sa smiley ko no? I LOVE YOU :* (Pouty Lips)

At dun na natapos yung sulat. Habang binabasa ko kanina yung sulat, para akong timang na tumatawa. Halata ngang pinagisipan nya no? ^_~

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko sina mama at papa sa lasa at nag uusap. Gugulatin ko sana sila nang mapansin kong nag uusap sila ng seryoso. Lumapit ako para marinig ko kung anong pinaguusapan nila. Tungkol kaya to sa bahay? Sa pera? Sa pag aaral ko?

Nakatago ako sa may kusina. Maliit lang kasi tong bahay namin. Magkalapit lang yung kusina saka sala. Though hanggang second floor naman.

"--Megan ang totoo."  Seryosong sabi ni mama kay papa. Totoo? Tungkol sakin? Anong totoo?

"Hindi pa ngayon ang oras ma." Sagot naman ni papa kay mama. Naguguluhan na ako?  Ano yung totoo? Ano bang hindi pa nila sinasabi sakin?

"Pero pa, naaawa na ako kay Megan. Parang nagsisinungaling tayo sakanya."-mama

"Pero ginagawa naman natin to para sa ikabubuti nya."-papa

"Eh ang akin lang naman, sana simula palang, sinabi na natin sakanya. Mabait na bata si Megan, siguradong maiintindihan nya naman."

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon