Chapter 11

55 3 3
                                    

Megan's PoV

"KEITH!" Nakita kosi Keith na nakahiga malapit sa gate. Hinawakan ko sya para buhatin pero nabigla ako at 'di sinasadyang bitawan sya. Sobrang init nya. As in, sobrang init talaga. Halos mapaso ako sa sobrang init. Binuhat ko agad sya.

Bale, nakaakbay saakin yung usa nyang kamay at nakahawak naman ang isa kong kamay sa bewang nya para alalayan sya.

Nang makarating na ako sa bahay, "Hay! Juskong bata ka! Bakit sya nakahiga dun kanina? May kama naman sa loob! Bakit sobrang exited ba syang matulog?" Tanong ni mama.

"Ma! May sakit yung tao oh!"

"B-bakit ba kasi?!"

"Ewan ko po ma. N-nakita ko lang po sya kanina na nakahiga dun sa may sa malapit sa gate t-tapos nang mahawakan ko sya, sobrang init nya ma! A-anong gagawin ko ma?!" Taranta kong sabi.

"Mainit ba kamo?" Hinawakan ni mama ang noo ni Keith na kasalukuyang natutulog. "Megananak, kunin mo nga yung thermometer natin."

"Opo ma."

Kinuha ko yung thermometer at binigay kay mama. Pagkabigay ko kay mama ay agad nyang naman itong nilagay sa kili-kili ni Keith.

"Ay anak, kumuha ka nga ng damit ng papa mo at tawagin mo na rin si papa at sakanya natin ipapabihis itong si Keith." Oo nga pala, ngayon ko lang napansin na basang basa ang damit nya.

Pumunta ako sa kwarto nina mama at papa at nadatnan kong nanunuod ng anime si papa. Mahilig yan dyan eh.

"Pa, punta ka daw dun sa baba sabi ni mama, bihisan mo daw si Keith." Sabi ko habang kumukuha ng damit ang pambaba sa cabinet ni papa.

Tiningnan ko si papa at tutok na tutok parin sa pinapanuod nya.

"Pa!"

"Oo, susunod nalang."

Bumaba na ako.

"Oh? Asan na papa mo? Oo nga pala, sobrang taas ng lagnat ni Keith. 40.1 degrees celciua."

"Susunod nalang daw ma."

"Susunod? Kailangan mabihisan na itong si Keith at baka mas lalo pang tumaas ang lagnat nito. Tawagin mo ulit yang papa mo. Wag kang bababa kapag hindi mo sya kasama."

"Opo ma."

Pumunta ulit ako sa taas. Tama nga hinala ko, ayun. Tutok na tutok parin sa pinapanuod nya.

"Pa! Akala ko, susunod?"

"Teka lang nak. Tapusin ko lang tong episode na 'to. Maglalaban na sina Hisoka at Gon oh!" Hisoka? Gon?

"Pa! I pause nyo na po muna yan! Bihisan mo po muna si Keith at baka mas lumala pa ang lagnat non!"

"Ha? Si Keith? Nandito? May lagnat?" Dali dali bumaba si papa. Ayan, tutok na tutok kasi sa anime! Ayan tuloy, hindi alam yung mga nagyayari. Nga pala, hindi ko pa nasasabi na botong boto ang pamilya ko kay Keith.

Nadatnan kong pinapagalitan ni mama si papa. Si papa naman, inaalalayan si Keith papunta sa cr.  Bibihisan nga.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na si papa. Bumulong saakin si papa, "Nak, galing mo talaga pumili! May six pack abs pala yung boypren mo!" Namula ako sa sinabi ni papa. Parang ang weird diba? Pang pervert ang dating ni papa nang sabihin nya yun. "Tapos anak, puntahan no na dali! Habang binibihisan ko sya kanina, binubulong nya yung pangalan mo! Mahal na mahal ka talaga nya anak! Aun sya sa guesst room."

Pumunta ako agad sa guest room.

"Megan. M-megan." Tama nga si papa, binulong bulong nya yung pangalan ko.

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon