Chapter 14

34 2 0
                                    

Keith's PoV

Sinubukan kong tawagan ang mga Gago Boys pero wala. Taena, sila may gawa nito eh. Nawawala kasi yung hot air balloon. at sigurado akong yung mga gago ang gumawa ng katarantaduhang ito.

Pero teka, ayos din naman to diba? Solo ko si Megan! Ah! Hindi pwede! Nag aalala na na si mama! (Mama ni Megan, kaya mama ko rin. Wag kayo!) Tinext ko nalang si mama na kasama ko si Megan at ayos lang sya.

Pumunta na ako kung saan nasaan si Megan Babes. Ayun, tulog parin. Mag aalasingko palang pala. Hinubad ko yung suot kong leather jacket at ikinumot sakanya. Mukhang nilalamig eh, naka hipon style yung higa. Pero nilalamig parin sya. Kaya ang ginawa ko, tumabi ako tapos niyakap ko sya. Teka, ano ba tawag dito? Heat Transfer? Pota, eto nanaman yung pakiramdam na to eh! Taena talaga! Nag bblush ba ako? Ang bakla! Babae lang dapat makaramdam nito diba? Pero ang lakas talaga ng epekto nya saakin. Ang sagwa tingnan ng kinikilig na lalake!

Magkalapit ang mukha namin at pinagmamasdn ko ang mukha nya.

"Sige lang Keith. Titig pa." Sabi ni Megan at ngumiti ng nakakaloko.

"Taena, K-kanina ka pa gising!?"

"Oo!" Sabi nya at niyakap rin ako at siniksik ang sarili nya sakin. H-himala? Minsan lang sya maglambing ng ganito eh.

"Keitth..."

"Oh?" Sabi ko habang nakahawak sa braso nya habang sya naman ay nakadikit sa dibdib ko.

"I love you.."

"Ano bang nakain mo?"

"I love you! I love you! Sabi ko I love you! Diba dapat I love you too yung sagot mo?!"

"K-kasi naninibago ako sayo."

"Ayaw no?"

"G-gusto syempre. Pe-"

"Sagot na."

"Mahal din kita!"

"Ayan! Hehe, dapat ganyan."

"Me--" Nagulat ako ng bigla nyng kinuha ang kamay ko at hinawakan nya ng mahugpit. Ang lambot ng kamay nya.

"Keith..."

"Hmm?"

"Ang lakas pala no?"

"Ha? Ng alin?"

"Ng tibok ng puso mo!Dinig na dinig ko! Sabi daw nya, 'DUG DUG DUG DUG' Ang bilis! Alam mo ba, parehas lang tayo. Kaso hindi ko, ipapahawak sayo ang dibdib ko kasi baka manyakin mo lang ako!" Natawa ako sa sinabi nya.

"Keith.."

"Ano?" Ang kulit nya.

"Magpangako ka sakin!"

"Na?"

"Na sayo lang ako tapos akin ka! Linya mo yan kagabi diba? Hihiramin ko muna. Keith alam mo ba, ikaw lang ang kilala kong lalake na hindi mahilig sa mga babae! Kakaiba ka nga eh. Basta Keith ah? Yung narinig kong lakas ng tibok ng puso mo, dapat akin lang din yan! Akin lang din dapat yung mga 'I love you' tsaka 'Mahal kita' Tapos ako naman, sayo ko lang din yun sasabihin. Tapos yang ding mga titig mo, akin lang din dapat yan ah? Tapos alam ko din na akin lang din yang mga ngiti mo. Ha? Ha Keith?" Tandaan mo yang mga pinagsasabi ko sayo!" Natawa lang din ulit ako sa sinabi nya.

"Keith naman eh! Seryoso kaya ako dito tapos tatawanan mo lang ako!"

"Oo! Pangako Megan. Pangakong sayong sayo lang ako. Pangako ko na sayo lang titibok itong puso ko. Sayo lang din yung mga 'I love you' tapos ang mga titig ko, sayo lang din. Isama mo na pati charming kong ngiti, sayo lang din. Akin ka. Sayo ako."

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon