Chapter 15

21 2 0
                                    

Megan's PoV

Umuwi na kami sa bahay ko. Anong gagawin ko? Tatanungin ko ba sila? O hindi ko nalang papansinin? Hay, ano ba 'to, mas intense pa tong feeling na 'to kesa nung araw na sasagutin ko na si Keith.

Kasama ko ngayon si Keith na kasalukuyang nag d-drive papunta samin.

"Keith, anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?" Hinawakan nya lang ang kamay ko at humarap saakin.

"Relax. Andito ako. Kung anong gusto mong tanungin o sabihin, gawin mo kung anong makapagpapagaan dyan sa puso mo."

"Naks naman!" Biniro ko sya.

"Andito na tayo." T-teka? Bakit ang bilis naman? "Tara na?" Hinawakan nya nang mahigpit ang kamay ko at ngumiti na parang sinasabing 'Kaya mo yan!' May mahihiling pa ba ako sa boyfriend ko?

Pumasok na kami sa bahay at nang makita ako ni mama ay niyakap nya ako at maluha luha pa. Pero hindi ko sya niyakap pabalik at imbis ay tiningnan ko lang si Keith tumango lang sya at ngumiti.

"Anak, sobra akong nag alala sayo. Mabuti at nag text saakin si Keith na mag kasama daw kayo. Anak, humihingi ako ng tawad sa nagawa namin sayo. Anak, patawarin mo na kami ng papa mo. Maniwala ka o hindi, tinuring ka naming tunay na anak. Ni hindi na namin inisip na ampon ka lang namin. Anak, kung gusto mo, tanungin mo kami ng papa mo tungkol sa mga tunay mong magulang. Anak," Hindi ko napigilang mapaiyak sa mga sinabi ni mama at niyakap ko na rin sya pabalik.

"Ma, sorry din po sa mga ginawa ko ng isang araw. Pinangunahan po ako noon ng galit ma. Ma, sorry po." Humahagulgol na ako habang yung kamay ni mama ay hinihimas himas ang likod ko.

"Halika ka anak, mag uusap tayo. Pa, halika ka na."

"Ah, ma makiki wi-fi nalang po ako dito sa sala nyo."

"Sige lang anak, alam mo naman password diba."

"Ah, opo." Pumunta na kami sa taas sa kwarto at umupo sa may sofa ng kwarto ko.

"Megan anak, kaya namin--"

"Ma, Teka lang. Sabihin nyo po muna saakin kung papano ako napunta sainyo?"

"Megan, kumpare ni papa mo ang tunay mong ama. Pinamigay ka nya saamin dahil hindi ka nya gustong lumaki sa piling nya. P-per--"

"Ma, hanggang ngayon ba magsisinungaling parin kayo sakin?" Natanto kong nagsisinungaling sisinungaling sila nang mapansin kong palinga linga si mama kay papa at mukhang nag sesenyasan.

"Anak, ito. Totoo na ito. Totoong kumpare ko ang tunay mong ama." Panimula ni papa. "Binigay ka na nya saamin mula palang ng ipinanganak ka. Sabi nya, hindi ka nya mahal at ayaw nya sayo. Pero hindi kami naniwala ng mama mo dahil walang magulang na hindi mahal ang anak nila. Tinutukan nya kami ng baril at sapilitang binigay ka. Anak, kaya nya yun nagawa dahil tanyag syang... Mafia. Isang makapangyarihang tao na kayang pumatay. Nakatakot kami ng mama mo at kinuha ka na. Nang gabing yun ay hindi na namin sya muling nakita. Sabi ng mga huling nakakita sakanya, kasama nya daw yung grupo nya."

"Mahal nya ba ako pa?"

"Anak, sigurado akong mahal na mahal ka nya. Kausap ko nga pala sya kagabi at sinabi kong nalaman mo na. Pupunta daw sya dito baka bukas makalawa."

"Ayaw ko syang makita pa,"

"Anak. Kailangan, sya ang tunay mong papa."

"Kaya ko ba pa? Tulad ng sabi mo kanina, tinutukan nya kayo ng baril. Nakaya nyang gawin sainyo, baka pati saakin? Isa syang Mafia tulad ng sabi mo kanina pa, kaya nyang pumatay ng tao hanggang gusto nya."

"Hindi naman siguro sya ganun anak."

Sana nga, sana nga hindi syang ganung tao.

Alexa's PoV

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon