Chapter 9

52 3 0
                                    

Chapter 9

Keith's PoV

Kasalukuyan akong nagbabasang English-Tagalog Tagalog-English dictionary. Gwapo kasi ako.

Kailangan ko magbasa nito kasi magtetest daw kami ni Megan tungkol dito.

Ay oo nga pala, kakausapin ko nga pala yung maarte kong kapatidn

Nagsalita ako sa intercom na naka connect sa kwarto ni Alexa. Sus, kaartehan ng babaeng yun! Sya may idea nitong intercom intercom nato eh!

"Punta dito. Dali!" Pautos kong sabi kay Alexa.

"What nanaman ba kuya?" Tanong nya gamit ang maarteng lengwahe nya.

"DALIAN MO!"

"Okay. Okay. No need to shout me." Teka parang nabasa ko na yung need dun sa dictionary ah? Ano nga ba yun? Ahmm... ano.. Kailangan yun diba? Tsaka yung shout, alam na alam ko yun, sigaw yun eh.

Para makasigurado, kinuha ko yung dictionary at pumunta sa page kung nasaan ang 'N'. At nahanap ko na-- KAILANGAN NGA! Nagtatalon ako sa tuwa habang sumisigaw.

"WUHOO! GALING GALING KO TALA--"Natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan. Si Alexa.

"Pffft! Kuya! What are-- Nah, Alam kong hindi mo maiintindihan. So, anong ginagawa mo kuya? Parang ang saya saya mo ah?" Sabi nya habang nagpipigil ng tawa. Aba, loko to ah!

"Anong tinatawa tawa mo dyan?! Kumatok ka sana!"

"Kuya, kahit na kumatok ako, maririnig ko parin naman yung sigaw mo eh! Hahaha! Sorry kuya, 'di ko talaga mapigilan! Hahahahahaha! Grabe kuya! You're sooo epic! Sana pala dala ko yung video camera ko para may remembrance? Hahahaha! You're making me tawa a lot!" Taena. Ano daw yung huling sinabi? A lot? Lote daw ba?

"Bwisit! Umupo ka nalang dyan bago ko pa maihagis sayo 'tong dictionary. Bwiset ka!"

"Chill. So bakit mo ako pinatawag kuya?"

"Ano bang trip sa buhay at sinabi mo yung mga kagagahan mo kay Megan?"

"Kuya, di ba sinabi ko na sayo na kaya ko ginagawa yun is because I'm bored and it was funny kaya! Hahahaha!"

"Sa tingin mo, nakakatuwa yon?"

"Uhh, yeah! Of course!"

"Alexa, alam kong ayaw mo sakanya--"

"Buti alam mo."

"Gusto mong ihulog kita sa kanal dyan sa labas?" (A/N: Sarreh po, ang hard ni Keith. Mahal nya naman yung kapatid nya, di lang halata.)

"Eww Kuya! That's soooo gross!" Gross? Ano nga ba yun? Diba damo yun? Gross? Damo? Oo, tama nga ako. Damo nga yon! Gumagaling na ako ah! Pansin nyo?

"Patapusin mo na muna kasi ako magsalita!"

"Fine."

"Ano bang mali kay Megan? Mabait naman sya ah, Maganda--"

"Mas maganda ako sakanya!"

"Oo na! Pagbigyan! Spoiled ka kasi ng hudas mong ama."

"Kuya! Show some respect! Irespeto mo naman si dad!"

"Tss. Hindi! Ayoko. Wag na natin syang pagusapan. Si Megan.. Sana tanggapin mo na sya. Eh bakit? Ikaw ba shota? Ako naman ah!"

"Eww! Kuya, don't tell me nahawaan ka na ni Megan girl ng pagla jologs? Oh my God!"

"Di sya jologs!"

"Whatever! Pero kuya seriously ayaw ko talaga sakanya. Anyways, kuya tatanungin kita. Ok lang ba?"

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon