Chapter 7

39 3 0
                                    

Keith's PoV

"Tara, dun nalang tayo mag aral sa Mansion namin." Oo, may Mansion kami. Ba! Kami pa.

"Pero diba, baka nandun yung papa saka mama mo."

"Ah. Hayaan mo yung demonyong yun, naglalandian nanaman siguro sila ni Sandra." Ang Demonyong tinutukoy ko ay si papa. Yung Sandra naman, yung bagong babae nya. Step mom ko. Pero 'di ko sya itinuturing kahit kailan man bilang mama ko. Nag iisa lang ang mama ko.

"Grabe ka, mabait naman si Tita Sandra saka si Tito ah."

"Kung maka tito at tita ka dyan. Pamangkin ka? Ganyan talaga mga tao ngayon eh no, nung isang araw nga, may tumawag saakin ng kuya. Bakit ganyan mga tao? Kung maka kuya saakin, akala mo kapatid ko!" Kailan pa naging mabait ang Demonyo?

"Nagbibigay lang yun ng galang!"

"Tara na nga." Sumakay na kami sa Kotse KO papunta sa Mansion. Nang makarating na kami sa Mansion, sinulyapan ko si Megan at nakanganga pero maganda padin.

"Uy, laway mo, tutulo na oh." Biro ko sakanya.

"Che! Tara na."

Nakapasok na kami ng Mansion

"Kuya! Why did you bring that ugly girl here?" Ano daw? Peste di ko yun naintindihan!

"Hoy ikaw! Gusto mong tabasin ko yang dila mo? Wag mo akong ma english english dyan ah!"

"Ok. Ok. So bakit mo dinala yang babaeng yan dito?"

Alexa's PoV

"Pake mo ba? Kung ikaw nga, di kita pinapakialaman pag dinadala mo yung mga maarte mong kaibigan, di kita pinapakialaman kaya wag mo rin akong pakialaman!" My friends are not maarte kaya! They're just beautiful like me! Nah, rephrase that. I'm the most beautiful among them!

"Ok, ok. Relax. Uhm, Kuya, pwedeng mag usap na muna kami ni Megan?" Pumayag ka kuya!

"Mag uusap? Anong pag uusapan nyo? Wag na."

"But kuya! Importante 'to! I'll promise, hindi ko sya sasaktan." Oh God! Sana na initindihan ni kuya yung 'I'll Promise'

"Siguraduhin mo ah? Kundi, makakatikim ka ng suntok sa kuya mo." Tumingin sya kay Megan. "At ikaw naman Megan Babes, sabihin mo lang kung sinaktan ka nya ah." Eff, I want to vomit right now!

"Fine fine! Get it. Tara na Megan." Pumunta na kami sa Garden. Malaki ang garden namin at super refreshing. May isang malaking maze pero straight lang. Yeah, straight maze. Walang thrill. In short, boring maze. Si kuya nag pagawa nyan. I dunno if what kind of brain he have? Maze? Tss.

"Have a sit." At umupo naman sya. Hindi sya makatingin saakin ng diretso.

"Oh, seems like natatakot ka sakin? Don't be, hindi naman ako nangangain. I just wanted to talk to you." I said while wearing my sweetest smile.

"Tungkol saan ba ang pag uusapan natin?"

"Hiwalayan mo na si kuya." I said directly. Her eyes widened.

"Alam mong hindi ko yan gagawin. Kahit anong banta mo saakin, hindi hindi ko gagawin yang gusto mo."

"What if I'll try to kill you?" Mukhang na shock sya. "Hahaha! Nah, just kidding. Hahahaha! Don't worry. Hindi ako namamatay ng tao. Ang ganda ko namang killer? Okay back to the topic, so you see this ring?" Pinakita ko sakanya ang singsing na nasa ring finger ko. Tumango lang sya.

"I'm already engaged." I said cassually.

"Engaged ka na? P-pano?" She asked while stammering.

"Arranged Marriage." I replied.

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon