Chapter 1. How They Met.

121 7 0
                                    

Chapter 1-How they Met.

    Ako si Megan Avelarde. Babae. 19 Years old. Tapos introduction.

   

Tss! Ugh! Ang tagal nya! Sino inaantay ko? Yung boyfriend ko, si Keith. Oo, may boyfriend nga ako. Kaso jusko! Ewan ko nga kung saang planeta yan nanggaling. We met in a weird way! How we met?

Flashback---

    Papunta na akong school nang maramdaman kong may humablot ng bag ko. Dahil don, napasigaw ako.

"MAGNANAKAW!! MAGNANAKAW! TULON---" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang nya akong tinakpan ng panyo sa bibig. That smell. And everything went black.

*****

*mulat mata*

    Asan ba ako?

"Aray! Ugh! Ang sakit ng ulo ko!" napahawak ako sa ulo---

"AAHH!! SINO KA?! ANONG GINAWA MO SAKEN?! NASAAN NA AKO?!" Bigla kasing bumukas ang pintuan at lumabas yung lalakeng nagtangkang hablutin yung bag ko kanina at sya din yung nagtakip sya bibig ko ng panyo! Pinagbabato ko sya ng ano man na mahawakan ko, unan. Kung pwede nga, pati yung kama ihagis ko rin sakanya!

"Woah! *ilag* Mi-- Woah! *ilag* Itigil mo na yan miss pwede ba. Wala akong ginawang masam-- Woah! *ilag* --a sayo!"

"Walang gunawang masama?! Kinidnap mo ako tapos sasabihin mo, mawalang ginawang masama?! Baka nga, habang natutulog ako---"

"What?! Wala akong ginawang masama sayo habang natutulog ka no! Pasalamat ka nga, pinatulog pa kita dito sa unit ko eh. Tsaka tingnan mo nga yang bedsheet ng kama, wala namang dugo-- Aray! Ano ba! Kanina ka pa ah!" Tss, bastos na bata.

"Oo na! Wag mo nang ituloy kung ano man ang sasabihin mo! Pero bakit mo ako kinidnap?"

"Simple lang naman ang rason ko. Gusto kitang ligawan. Yun lang. No more No less." sabi nya sabay smirk.

Keith's PoV

(a/n-flashback parin 'to)

"Simple lang naman ang rason ko. Gusto kitang ligawan. Yun lang. No more No less." sabi ko sabay smirk. Tsk! Mas lalo tuloy akong gumagwapo!

"What?! Baliw ka na ba? Gusto mo akong ligawan? Wow ah, ganito na pala ang makabagong paraan ng panliligaw. Di ako informed eh. Sensya. Ganito na pala, mangingidnap tapos manliligaw."sarkastiko nyang sabi.

"Oyst!  Judgemental! Di kaya kita kinidnap."

"Ako pa?! Ako pa ngayon yung judgemental?! Anong tawag mo dito sa ginawa mo? Girlnap?!" Haha. Guys, tara tawa tayo. Ganda ng joke nya pramis. Sasakit tyan ko sa kakatawa. Grabe.

"Explain me pers muna." -ako

"Geh na."-sya

"Ready ka na?"-ako

"Dali na!"-sya na mukhang naiinis na.

"Talaga?!" -ako.

"Bilis na kasi!" Haha. Ang  cute nya talaga pag inaasar. Dati kasi, palagi ko syang nakikitang nakabusangot. Oy! Oy! Alam ko yang mga iniisip nyo ah! Di nya ako stalker. Pramis. Kasi suitor nya ako!

"Oo na! Ganito kasi yan, syempre una, nag "ring-ring-ring" yung alarm clock ko. Tapos gumising na ako. Tapos pagkagising ko, bumaba naman ako para tawagin yung mga maid namin tapos sabi ko "Manang. Paligpit naman nung higaan ko." tapos kinindatan ko sya. Tapos sabi ko pa, "No anyone can resisting my charm." Tapos kinindatan ko ulit yung maswerteng maid tapos kinilig naman. Ikaw, do you arguing?! Ha? Sangayon ka ba sa mga sinabi ko?"

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon