Part 2

62 3 0
                                    

"Wag kang matakot miss. Tiwala lang." Wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya. Mukhang mabait naman si kuya eh.

Dinala ako ni kuya sa isang bahay na punong puno ng mga cute na bata!

"Ate! Ate, matulog ka po muna kayo." Sabi ng batang cute sakin habang naka smile ng pagkalaki laki. Gustong gusto kong kurutin ang pisngi nya!

"Ha? O sige."

Dinala ako ng bata sa isang kwarto na walang ibang laman kundi kama. Oo, KAMA lang. Walang unan o kahit ano kama lang talaga.

"Ay sholi po ate, natalimutan ko po yung mga pillowths." (Ay sorry po ate, nakalimutan ko po yung mga pillows.)

Bumalik agad yung apat na bata. May dala dala silang tig iisang unan at nag fall inline pa punta saakin. Yung parang sa flag ceremony, ganun ang itsura nila ngayon.

Inabot ng bata saakin yung isang unan na may nakasulat na 'H'.

Sumunod yung batang may hawak na unan na may nakasulat na 'A'.

Ow-kay? Wala akong alam dito.

Sumunod yung bata na may hawak na may nakasulat naman na 'P'

Tapos yung sumunod naman ay isa pang 'P'

Tapos yung isa ay 'Y'.

H A P P Y ? Ano kayang ibig sabihin nito? Maging happy ako kasi wala si Keith? Maging happy kasi malungkot tong Anniversary? Ano bang klaseng Happy?

"Ate, wait lang po uleet."

"Oh? Bakit?" Tanong ko sa bata. Isa isa silang tumalikod saakin. Kung kanina apat lang sila, ngayon dumagdag ng walo so bale eleven na sila lahat. Isa isa silang tumalikod.

Unang bata: 'A' yung nakasulat sa likod ng t shirt.

Ikalawang bata: 'N' yung nakasulat.

Ikatlong bata: 'N' ulit.

Ikaapat na bata: 'I' yung nakasulat.

Ikalimang bata: 'V'

Ikaanim na bata: 'E'

Ikapitong bata: 'R'

Ikawalong bata: 'S'

Ika siyam na bata: 'A'

Ikasampung bata: 'R'

Ika labingisang bata: 'Y'

A N N I V E R S A R Y. Yan yung nakasulat. Hmmm, mukhang alam ko na kung sinong may pakana nito ah.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko sya. Sabi ko na nga ba, ",Megan Babes, I love you. Tagos sa buto." Seryosong sabi ni Keith saakin. Sobrang sincere ng pagkakasabi nya, makikita mo sa mata nya.

"I lo--" tinakpan nya ang bibig ko ng ida nyang daliri.

"Sshh. Alam ko naman yun eh. Mamaya na muna. Halika."

"Sus, kapalness." Hinila nya na ako sa lugar kung saan nandun yung nakita kong may parang buffet table kanina. At nakita ko yung minasacare na cake kanina, ngayon, kitang kita ko na ang nakasulat sa ibabaw.

"HAPPY FIRST ANNIVERSARY MEGAN BABES."

                     -KEITH-YOUR-LOVE-SO-SWEET"

Yan yung nakasulat dun sa cake.

*A/N: Remember, kanina may shungang bulag na tumulak kay Megan? Sya yung nag ayos ng cake mula sa Pagkaka MASACARE nito hanggang dun sa Nababasa na yung sulat.*

At napansin kong may stage yun, kanina naman wala yun eh. At may nakahandang i play na video. Buglabg sumenyas si Keith dun sa mga tao at plinay na nila yung video.

Ako yan! Ako yung nasa video! Yung kanina! Yung para akong tanga na nagsasalita magisa! WAAAAH! PANO? PANO NAKUNAN NG VIDEO? May malaking speaker dun. Dinig na dinig yung mga pinagsasabi ko. OH LUPA! LAMUNIN MO NA AKO!

Pulang pula na ako dahil sa hiya.

"Ikaw ah! Ang keso mo pala kapag wala ako! Wi-fi? Bluetooth? Internet? Ayeeeh! Kinilig naman ako dun Megan Babes! Connected tayo! Siguro naman memorable na to diba?"

"Che! Tigilan mo nga ako! Ang sama mo!"

Bigla nya akong hinalikan. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya saakin.

"Ano masama pa ba ako?"

"Shut up and just continue."

"Pasaway. Gusto ko yan!" Hinalikan nya ulit ako. Katulad kanina.

Lord, sana po sya na po talaga. Salamat po at binigay nyo po sya saakin. Napakaswerte ko po sakanya!

Tumigil sya sa paghalik saakin at hinawakan ang magkabilang braso ko at tiningnan ng diretso sa mata. Isang seryosong titig.

"Pfft. Nasarapan ka no?" Sabi nya sabay humagalpak sa kakatawa habang hawak hawak ang tyan.

"Che! Bwiset ka."

"Joke lang uy.  Alam ko naman yun eh. Tara, ipagpatuloy nalang natin to dun sa kubo." Sabi nya sabay nag evil grin.

"Hoy! Di porket anniversary natin ngayon eh pagbibigyan na kita dyan sa gusto mo!"

"Joke lang! To naman. Oo, alam ko naman na hindi kapa handa pero eto tandaan mo, akin lang yan lahat ah?" Namula nalang ako bigla. Inakbayan nya ako.

"Tara na! Pramis! Good boy to! Wala akong gagawin useless--"

"Unless." Pagcocorrect ko.

"Basta! Unless, useless, careless o kahit ano pamang less. Pwera nalang kung gusto mo."

****

"Kantahan mo nga ako Keith, sige na. Fles?"

"Wag na. Maiinlove ka lang lalo sakin eh. Geh na nga."

I wanna make Megan Babes smile, whenever she's sad. Carry her around when her arthritis is bad. All I wanna do is grow old with Megan Babes~

I miss you, Kiss you, Give you my coat when you are cold. Need you feed you. I could be the man who grows old with Megan Babes.

Habang kumakanta sya, tinatapik tapik.nya ang kanang braso ko. Bale naka dikit ang ulo ko sa dibdib nya, at sya naman, naka hawak sya kanang braso ko at kasalukuyang tinatapik tapik ito. Basta! Kinikilig ako!

"Oh ayan na. Good Night Megan Babes." Hinalikan nya ako sa noo.

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon