Chapter 21

3 1 0
                                    

Megan's PoV

Bigla akong nagising dahil sa isang pamilyar na boses. "Good Morning po. Ma, pa!" Teka, si Keith ba yun? Tiningnan ko kung anong oras na. 7:00 A.M palang ah. Ano naman gagawin dito ni Keith? Weekend ngayon ah? Wala naman kaming pasok.

"Gising na po ba si Megan?" Dinig kong tanong ni Keith. Tama, si Keith. Ano naman kayang ginagawa nya dito? Mabilis kong inayos ang sarili ko at bumaba. Mas una kong napansin ang suot nyang t-shirt. M♥K. Napangiti ako.

"Uy! Gising na pala si Megan Babes! Good Morning! Siguro ang ganda ng umaga mo dahil ako yung una mong nakita mo no?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tinago ko muna yung kilig ko.

"Grabe naman 'to! Wala man lang dyan 'Good Morning din?'"

"Dito daw muna sya kakain ng almusal 'nak. Mabuti nalang nga at maraming niluto ang mama mo!" Sabi ni papa.

"Wala kayong pagkain sa bahay nyo? Ba't dito ka pa kakain?" Tanong ko sakanya.

"Iba kasi pag ikaw yung kasabay kong kumain!"

"Tara na nga! Kumain na tayo! Teka lang, ihahanda ko lang ang almusal." Sabi ni mama.

"Ay naku, ma. 'Wag na po. Ako na po bahala. Maupo nalang po kayo dyan." Sabi ni Keith.

"O sige. Salamat." Naupo na kami samantalang hinahanda ni Keith yung almusal. Napaso pa nga sya ng kawali. Bagong luto kasi siguro yung sinangag. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sya.

"Eto na! Kainan na!" Sabi ni Keith pagkatapos naupo na sa katabi ko. Nilagyan nya ako ng pagkain sa plato ko. Nginitian ko nalang sya. "Salamat.

"Ay, nga pala Megan tapos mo na ba yung clearance mo?"

"Oo kakatapos ko lang nung Monday pa. Bakit mo natanong?"

"Eh kasi diba, bakasyon na nexg week? Naisip ko lang ho ma, pa na mag bakasyon tayo sa Tagaytay."

"Tagaytay?!" Sabay sabay naming sabi nina mama.

"Opo sana eh. Kung okay lang ho sana sainyo?"

"Pati kami, kasama?" Gulat na tanong ni papa.

"Eh kaso wala naman kaming pera pang gastos dyan eh." Sabi ni mama.

"Wag nyo na pong alalahanin yung gagastusin nyo. Ako na pong bahala dun."

"Keith, wag na lang. Nakakahiya!" Bulong ko sakanya.

"Megan, 'wag ka nang mahiya. Ma, pa ayos lang ho ba sainyo?"

"Kung ayos lang kay Megan, edi payag na din kami!" Sabi ni papa.

"Megan, pano yan. Pumayag ka na para tuloy na."

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon